"Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" Tumaas ang kilay ni Lianne nang muling tapunan ng pansin ang kaibigang si Katrina. Matagal na niya itong kaibigan. Una niya itong nakilala kaysa kay Andrea. Isa itong iskolar sa pinapasukan nilang unibersidad noon at nang makatapos ay sinwerteng makapasok sa kompanya ng kaniyang ama kagaya ni Gerard. Isa rin si Katrina sa hindi makasundo ng asawa niyang si Gerard at nauunawaan niya 'yon. Parehas kasi intelehente ang dalawa at kapag may mga bagay na pinagdedebatehan ay walang nagpapadaig sa dalawang iyon. Ilalaban at ilalaban talaga nila ang kung anong pinaniniwalaan nila kahit na ano ang mangyari. Minsan ay lihim na lang siyang natatawa dahil napipikon si Gerard kay Katrina. At ang huli naman ay hindi basta nagpapatalo lalo kung alam nito

