Biglang nawala ang antok ni Lianne nang mapansin na tila nagsisimula na naman na pangaralan siya ng sariling ina. Napailing na lang siya. Ito ang ayaw niya kapag hindi siya sumusunod sa mga kagustuhan nito dahil tiyak na sermon ang aabutin niya. Noon pa man ay gano'n na talaga ang ugali ng kaniyang ina maging ng kaniyang ama. Sila ang klase ng nga magulang na bawat utos ay tila batas na bawat sundin. Iyon ang kinagisnan ni Lianne kaya nasanay na siya na palaging naisasantabi ang pansariling desisyon para pagbigyan ang mga magulang. Mahal na mahal ni Lianne ang mga magulang at bilang mabuting anak ay sinusunod niya ang lahat ng sinasabi nila kahit labag iyon sa kaniyang kalooban. Palagi niya na lang sinasabi sa sarili na tanging kabutihan niya lang ang hangad ng mga magulang. "Yes po,"

