Hindi maitago ang saya sa mukha ni Lianne. Bukod kasi sa sabay silang naligo ng asawa at sabay din silang kumain ng tanghalian. Ngayon na naman naulit iyon matapos ang ilang buwan. Sa harap ng pagkain ay masayang pinagsilbihan ni Lianne ang asawa na ngayon ay bumalik na naman ang mukha sa pagiging seryoso. Nakakunot na naman ang noo at tila napakarami ng iniisip. Patuloy lang ito sa pagnguya ng pagkain at hindi umiimik. "You know, Darling," saad ni Lianne sa kalagitnaan ng pagkain. "Bukas ka na lang pumasok sa office. Isang araw ka lang naman mawawala sa opisina, e." Ngumiti siya nang matamis saka hinawakan ang kaliwang kamay ng asawa. Tumigil sa pagkain si Gerard saka nilingon ang asawa. Pilit itong ngumiti. "As I have told you a while ago, Lianne, I have to finalize my proposal to the

