Alas nuwebe ng umaga nang magising si Lianne. Napangiti siya nang maramdaman ang mga braso ng asawa na nakayakap sa kaniya. Parehas silang walang saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang kahubdan. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Gerard. Halos hindi siya huminga sa takot na baka magising ito at agad na umalis patungong opisina. Lihim siyang nagpapasalamat na kanina ay nagawa niya itong pigilan at mapapayag sa kagustuhan niya nang sa gayon ay mabuntis na siya. Sasamantalahin niya ang bawat pagkakataon para lang makapiling ang asawa. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Ang mukha na noong una pa lang ay wala siyang maramdaman kahit katiting na paghanga dahil si Russel Ferrer ang umuokupa sa puso niya nang mga panahong iyon. Ngayon ay halos ayaw na niyang mawala sa

