Umaga nang magising si Lianne. Alas singko pa lang ng umaga pero bumangon na siya para ipagluto ng almusal si Gerard, ngunit narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo tanda na naliligo na ang kaniyang asawa. Pumasok siya ng banyo para mag-toothbrush at nagkataon naman na patapos na itong maligo. Nagtapi lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan saka lumabas na para magbihis. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit na batiin man lang siya ng 'good morning' ay hindi nito ginawa. Balik na naman ito sa malamig na pakikitungo sa kaniya. Agad siyang naligo nang mabilis. Halos limang minuto lang ang itinagal niya roon. Sigurado siya na maaabutan niya ang asawa dahil matagal ito magbihis. Kinuha niya ang puting roba at isinuot iyon. "What do you want for breakfast, Darl

