Chapter 6

2104 Words
Hindi maipaliwanag ni Lianne kung bakit ganito kainit sa kama ang asawa niya. Ngayon na naman ito nangyari matapos ang ilang buwan na tila diring-diri ito na makatabi siya sa pagtulog. Ngayon ay halos pagurin siya sa dami ng posisyong nais nito. Nagpatianod na lang siya dahil maging ang sarili niyang katawan ay hinahanap-hanap ang ganitong tagpo. Nami-miss niya ang mga haplos, halik at yakap ng asawa na ilang buwan din nitong ipinagkait sa kaniya. Dalangin niya na sana ay huwag ng matapos ang gabing ito. "Oh, sh*t!" ungol niya matapos punitin ng asawa ang kahuli-hulihan niyang saplot saka pinagapang ang labi mula sa kaniyang tiyan pababa sa ibabang bahagi ng kaniyang puson. "Darling, oh!" Nahagip ng paningin niya ang pagngisi ng asawa saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Wala siyang ibang magawa kundi umungol nang umungol habang pinagmamasdan ang asawa sa ginagawa nito. Aaminin niya na gustong-gusto niya ang ginagawa nito. Para siyang taong naglalakad sa disyerto na uhaw na uhaw sa tubig at nang makatagpo ng isang oasis ay hindi na maawat sa pag-inom ng likidong magpapahupa sa uhaw na nararamdaman. Isang mahabang ungol ang pinakawalan niya matapos maabot ang sukdulan. Napahawak siya sa headboard ng kama habang ninanamnam ang kakaibang sensasyon na dulot ng labi ng asawang si Gerard. Halos manlupaypay siya sa sobrang panghihina matapos ang ilang minuto. Tunay nga talagang walang kapantay na ligaya ang dulot sa kaniya ng asawa pagdating sa kama. "Ride me, Darling," usal nito kaya kahit tinatamad dahil sa panghihina ay bumangon siya at sinunod ang pinapagawa ng asawa. Pawis na pawis siya habang nagtataas-baba sa ibabaw nito. Punong-puno ang pakiramdam niya pero may kakaibang kiliti na hatid ang bawat paggalaw niya. Naroong tumirik ang mga mata niya at napapa-ungol siya habang nag-aala-cowgirl sa ibabaw ng asawa. "Faster, Lianne. Faster," utos ni Gerard kaya binilisan niya ang paggalaw. "Are you safe?" "I...am," tugon ni Lianne at binilisan ang ginagawa. "Have you taken your contraceptive pills," paniniguro pa nito. "Y-yup, Darling!" pagsisinungaling niya. Kanina habang nasa komedor sila ay buo na ang plano ni Lianne na magdalantao sa ayaw at sa gusto ni Gerard tutal wala naman itong magagawa kung malaman nitong buntis na siya. Ang mahalaga ay mapapasaya niya ang mga magulang niya at baka ipamana na sa kanila ni Gerard ang pinakaaasan nitong kompanya ng mga Borromeo. Iyon kasi ang isa sa mga kondisyon ng kaniyang ama na sa oras na magkaroon sila ng anak ay ibibigay na nito kay Gerard ang pamamahala sa mga negosyong pag-aari nito. Kaya naman ay hindi na nagdalawang-isip pa si Lianne na itigil na ang pag-inom ng contraceptive pills. Gustong-gusto na talaga niyang magdalantao dahil nasa tamang edad naman siya at may asawa na. Isa pa ayaw niyang mapagsabihan na baog o walang silbi. Iyon kasi minsan ang biro sa kaniya ni Andrea kaya naman gusto niyang patunayan na hindi iyon totoo. Na magkakaroon siya ng anak at mapapasaya niya ang mga magulang. "Happy?" tanong ni Gerard matapos ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila. "Very happy, Darling," tugon ni Lianne at hinalikan ang labi ng asawa. "Thank you." Isiniksik niya ang sarili sa hubad na katawan nito at ipinikit ang mga mata. Sa sobrang pagod ay mabilis siyang nakatulog. Maingat na tinanggal ni Gerard ang kanang braso mula sa pagkakaunan ng asawa. Napabuntong-hininga ito matapos pagmasdan ang mapupulang hickeys sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Lianne. Napailing siya sa tanawing iyon. Oo, gusto niya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila ni Lianne, pero hindi niya maitatago ang katotohanang may ibang babae na umuokupa sa puso't isipan niya habang kasalo sa kama ang asawa. Habang pinagmamasdan ang natutulog na si Lianne ay pilit niyang inaalala kung paano sila nauwi sa ganitong sitwasyon. Dalawa lang naman ang gusto niya noon pa. Iyon ay ang magtagumpay sa buhay at pakasalan ang babaing matagal ng itinatangi ng kaniyang puso. Kinumutan niya ang hubad na katawan ng asawa saka tumayo at nagsuot ng roba. Matapos kunin ang cellphone, isang kahang sigarilyo pati na ang lighter ay lumabas na siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Ingat na ingat siya na huwag makagawa ng ingay. Tinungo niya ang terrace na naroon mismo sa labas ng kanilang kuwarto. Umupo siya sa bench at sinindihan ang isang stick ng sigarilyo. Panay ang paghithit at pagbuga niya sa usok ng sigarilyo na para bang doon niya ibinubuhos ang mga kabiguan niya sa buhay. Si Lianne, ang kaniyang asawa. Ang biktima ng mapanlinlang niyang puso. Hindi niya gusto ang ginagawa niyang panloloko sa kaniyang asawa. Oo, inaamin niya sa kaniyang sarili na manloloko siya. Na niloloko niya si Lianne simula't sapul nang makilala niya ito. O, mas tamang sabihin na pinlano ang pagkakakilala nilang iyon. Sa kabilang banda ay masasabi rin niya na isa rin siyang biktima ng mga taong mapanlinlang. Matayog ang pangarap niya at iyon ang dahilan kung bakit nagawa niyang manloko na pati ang sarili niya ang kaya niyang lokohin maabot lang ang pinapangarap niya. Nagmahal siya, umibig, ibinigay ang lahat, pero sa bandang huli ay niloko lang siya. Iyon ang hindi niya kayang tanggapin kaya hanggang ngayon ay ginagawa niya ang lahat para makamtan ang pag-ibig ng babaing pinakamamahal niya. Sukat na manloko siya ng ibang tao o gumamit ng tao para umangat sa buhay, ay gagawin niya makamtan lang ang pangarap niya. Naudlot ang pagbabalik-tanaw niya nang tumunog ang kaniyang cellphone na naroon sa ibabaw ng mesa. Numero lang ang rumehistro sa screen pero kilalang-kilala niya ang numero na iyon. Iniiwasan niya lang na huwag i-save ang numero na iyon para na rin mailihim ang dapat na ilihim. "Uhmm," mahinang saad niya. "I bet nagustuhan ng gaga ang ginawa mong pangroromansa sa kaniya," tugon ng boses babae sa kabilang linya. "Masyadong tigang ang babaing 'yan at ngayon ay nadiligan na." Tumawa ito. "Shut up!" Halos pigilan ni Gerard na huwag sumigaw. "She's still my wife. Respect her." "Oh? Don't tell me natutuhan mo ng mahalin ang babaing 'yan? Just tell me para maitigil ko na ang pagte-trace kung nasaan ang babaing kinalolokohan mo." "No! Just do everything to know her location. I want to see her," pakiusap ni Gerard. "And what about me, Gerard? Ano ang plano mo tungkol sa ating dalawa? I love you and you know that. At hindi ako papayag na iitsapwera mo na lang at maging masaya ka sa kahit na sino sa dalawang babae ng pipiliin mo. I am your girlfriend, Gerard. We are in this together. Alam mo 'yan." "I know," agaw ni Gerard sa iba pang sasabihin ng kausap. "At alam mo kung ano at hanggang saan ang lugar mo sa buhay ko. We had an agreement at pumayag ka sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. You decided to stay, to be my mistress and I am thankful for that. Alam mo kung ano ang pwede at hindi ko pwedeng ibigay sa 'yo, so learn to accept things the way they are. Alam mo rin na kapag itinigil ko ang plano natin ay ikaw rin ang mawawalan at hindi ako." "Gerard..." Gumaralgal ang tinig ng babae sa kabilang linya. "So stop making me feel like I'm not doing my part. Lahat ng gusto mo, ibinibigay ko. Kapag humihingi ka ng pera ay hindi ako nagdadalawang-isip na bigyan ka. Kung gusto mong matuwa ako sa 'yo, do your job. Alamin mo kung saan itinatago ng lintik na 'yon ang mahal ko." "Gerard, it's too risky. Napakayaman ng binabangga mo. You might end up to jail if you—" "I don't care," anas ni Gerard. "The moment na makita ko siya, ay isasama ko siya palabas ng bansa para mamuhay kami nang tahimik." "You must be crazy, Gerard!" sigaw ng babae. "Crazy as it may sound, but I don't care. I just want to be with her again. Lahat ay kaya kong iwan, makamtan ko lang ulit ang pag-ibig niya. Maging akin lang siya ulit." Pinindot na niya ang end call at inilapag sa mesa ang cellphone. Muli siyang nagsindi ng sigarilyo at ipinagpatuloy ang paghithit at pagbuga sa usok niyon. Mayamaya ay muli niyang kinuha ang cellphone para tingnan ang picture ng babaing pinakamamahal niya. Nakasisik iyon sa drive ng cellphone, nakapaloob sa kasuluk-sulukang bahagi ng folder at nilagyan pa niya ng password para walang ibang makakapagbukas niyon kundi siya lang. Napakaganda ng babaing pinakamamahal niya. Single ang pakilala nito sa kaniya noon kaya naman ay hindi siya nagdalawang-isip na magpapansin at sinwerte naman siya dahil game na game ang babae na kahit unang pagkikita pa lang nila ay sumama na ito sa kaniya na mag-motel. Nasundan pa iyon ng ilang beses hanggang sa malaman niya na may boyfriend pala ito at hindi na nagpakita pa sa kaniya. Ilang buwan ang lumipas ay nabalitaan na lang niya na ikinasal na ito. Bunga ng kabiguan ay isinumpa niya sa sarili na magtatapos siya ng pag-aaral at magpapayaman siya para bawiin ang babaing pinakamamahal niya. Nang mga panahong iyon ay nakilala niya si Lianne na halos kasing katawan ng babaing pinakamamahal niya. Maging ang kulay ng mga mata at hugis ng labi ay tila pinagbiyak na bunga. Natawag ang kaniyang atensiyon sa kagandahang taglay ni Lianne kaya naglakas-loob siyang ligawan ito subalit napakailap ng huli. Naka-graduate na siya ng kolehiyo pero hindi niya pa mapasagot ang dalaga. Hanggang sa mabalitaan ng mga magulang ni Lianne ang panliligaw niya. Nagtatrabaho na siya sa kompanya ng mga magulang ni Lianne at doon ay unti-unting nalaman ng mga iyon na interesado siya sa nag-iisang anak ng may-ari ng kompanya. At dahil maganda ang kaniyang record, ay hindi nag-atubili ang mag-asawang Borromeo na ipakasal silang dalawa. At sino ba naman siya para tanggihan ang isang alok na mag-aahon sa kaniya sa kahirapan? Sa piling ni Lianne ay wala na siyang mahihiling pa. Mabilis siyang aangat sa buhay at magagamit niya ang kayamanan at koneksiyon ng pamilya nito para makita ang babaing pinakamamahal niya. Ang babaing simula't sapul ay nagpatibok sa pihikan niyang puso. Napakaswerte niya dahil nahulog sa patibong niya ang mag-asawang Borromeo. Walang kaalam-alam ang mag-asawa sa tunay na dahilan ng pakikipaglapit-loob niya sa nag-iisang anak ng mga ito. "I love you, Babe," usal ni Gerard habang tinititigan sa cellphone ang picture ng babaing pinakamamahal niya. "I am going to see you soon. Please wait for me." Hinalikan niya ang screen ng cellphone. Nalaglag ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata. Hindi talaga niya matanggap ang nangyaring pag-iwan sa kaniya ng babaing labis na itinatangi ng kaniyang puso. Gustong-gusto na niya na makitang muli ang babaing pinakamamahal bago pa mahuli ang lahat. Gusto niyang ipaalam dito na nakatapos na siya ng pag-aaral at may sariling negosyo para kahit papaano ay maging proud ito sa kaniya. Noon kasi ay palagi nitong sinasabi na magtapos siya ng pag-aaral na ginawa naman niya. 'Yon nga lang ay hindi na nito nasaksihan ang pagtatapos niya dahil iniwan siya nito nang walang paalam. Muli niyang inilapag sa mesa ang cellphone. Tumayo siya at lumapit sa railings ng terrace. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Nag-aalala siya para sa babaing pinakamamahal niya lalo pa't nabalitaan niya na hindi maganda ang kalagayan nito sa kasalukuyan, kaya gusto niya itong puntahan, pero hindi niya alam kung saan. Kung saan-saan na siya naghanap, nagtanong sa mga kakilala nito, maging ang mga social media account nito ay ini-stalk na niya pero wala siyang makuhang address man lang. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag dumating ang araw na kinatatakutan niya nang hindi man lang ito nakakausap. Minsan ay gustong-gusto niyang patayin ang lalaking pinakasalan nito para kahit papaano ay makaganti siya sa sakit at hapdi ng sugatan niyang puso na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya. Hindi siya maka-move on sa nangyari at hinding-hindi siya magmo-move on dahil alam niya sa sarili niya na nag-iisa lang ang babaing pinakamamahal niya. At iyon ang babaing nakilala niya ilang taon na ang nakararaan. Nang muling tumunog ang cellphone niya ay muli siyang umupo sa bench at agad iyong sinagot. Iyon pa rin ang numero ng unang tumawag sa kaniya. "May lead ka na ba sa kaniya?" "Wala," mataray na saad ng babae. "Ang alam ko lang ay may taning na ang buhay ng babaing iyon. Well, Gerard, for me it's a good news. Mababawasan na ang karibal ko sa puso mo. No, let me correct it. Mababawasan na ang karibal ko sa atensiyon mo dahil mamamatay na ang babaing nagmamay-ari ng puso mo." Tumawa ito kaya napikon si Gerard. "D*mn you! She's not dying!" Pigil na pigil niya ang sarili na huwag mapasigaw. Kumuyom na lang ang kamao niya at ibinaba ang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD