"Saan ka na naman nanggaling?" galit na saad ni Gerard nang dumating si Lianne. Sa bungad pa lang ng pintuan ay kitang-kita na ng huli ang matalim nitong paningin. "Ilang beses ko bang ipapaalala sa 'yo, Lianne, na ayaw ko sa asawang lakwatsera, ha? Imbes na hintayin mo ako rito sa bahay ay kung saan-saang lupalop ka na naman naglamyerda." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sopa saka tumalikod at akmang aakyat na sa hagdan habang bumubulong-bulong na hindi naman maintindihan ni Lianne.
Mabilis na naglakad si Lianne palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod. "I'm sorry, Darling," paghingi ng paumanhin ni Lianne. "Hindi na mauulit. Dapat kanina pa ako nakauwi."
"At saan ka nanggaling?" muling tanong ni Gerard sa galit na tono. "Pasado alas otso na. Ganitong oras ba ang uwi ng isang matinong babae?"
Nauutal ang boses ni Lianne nang muling magsalita, "S-sa mall. Nagyaya kasi si Andrea na mag-window shopping kami at hindi ko naman mahindian. Pasensiya na, Darling." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa asawa at wala siyang planong kumalas sa pagkakayakap rito hangga't hindi nito tinatanggap ang paghingi niya ng paumanhin. "Nasiraan kasi ako sa daan kaninang pauwi na ako rito. Ipinagawa ko muna ang kotse sa talyer kaya ngayon lang ako nakauwi."
Napabuntong-hininga si Gerard. Tila nakaramdam ng konsensiya. Siya kasi ang gumagamit ng kotse ni Lianne na niregalo ng mag-asawang Borromeo. Ang kotseng ginamit kanina ni Lianne ay luma at palaging nasisira kaya nakaimbak lang sa garahe. Pag-aari iyon ni Gerard at college pa ang huli nang mabili ang second hand na sasakyang iyon. Nang magpakasal ang dalawa ay kotse na ni Lianne ang palaging ginagamit ni Gerard dahil nasa bahay lang naman ang asawa at walang trabaho. O, mas tamang sabihin na ayaw pagtrabahuhin ni Gerard.
Pinagtitiyagaan na lang ni Lianne ang lumang kotse ng asawa dahil malayo ang gate ng subdivision at ayaw naman niyang maglakad palabas para doon maghintay ng taxi. Hindi naman niya magawang sabihan ang asawa na huwag gamitin ang kotse niya. May trabaho si Gerard at mas makakatipid sila kung ipagpapaliban na muna ang pagbili ng bagong kotse.
"I'm sorry, Darling," muling paghingi ng paumanhin ni Lianne. "Hindi na mauulit. Promise."
Ngumiti nang makahulugan si Gerard at dahil nakatalikod ay hindi iyon makita ni Lianne. Panay lang ang buntong-hininga nito at pilit na itinatago ang ngiting nagbabadyang sumungaw sa labi.
"I came home early para yayain ka sanang lumabas," seryosong saad ni Gerard at pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Lianne na nakapulupot sa katawan niya. "I have a surprise for you." Humarap ito kay Lianne saka tipid na ngumiti. "Pero hindi kita nadatnan." Diretso itong tumingin sa mga mata ni Lianne. "I've got an investor and closed a million peso deal." Nagningning ang mga mata nito.
Napaawang ang labi ni Lianne sa sobrang pagtataka. Oo, natutuwa siya para sa asawa at sa mga achievement nito, pero sa mahigit isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay ngayon lang siya niyaya nito na lumabas. Nagsisi tuloy siya na pumayag pa siya na magpunta sa mall kasama si Andrea. Perpekto sana ang gabing ito para sa kanilang mag-asawa.
"Again, I'm sorry, Darling." Itinaas ni Lianne ang kanang palad para haplusin ang kaliwang pisngi ni Gerard. "Congratulations on closing that deal. I am happy for you." Lumapad ang pagkakangiti niya saka hinalikan sa labi ang asawa pero tila wala sa mood si Gerard para sa halik na iyon. Hindi na lang iyon pinansin ni Lianne. Iniangkla na lang niya ang braso sa braso ng asawa at iginiya ito papasok sa kusina. "What do you want for dinner, Darling?" tanong niya habang naglalakad sila papunta sa kusina. "I can cook whatever you want to eat or you could eat me up all night long." Kinindatan niya si Gerard matapos itong biruin.
"No need, Lianne." Napapailing na lang ito sa biro niya. "I have ordered food for the both of us." Diretso itong tumingin sa mga mata niya at nang mapansin ang pagsimangot niya ay agad din itong nagsalita nang nakangisi, "except...dessert. So make sure we have a tastiest dessert later."
Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Pati ang pagngisi ng kaniyang asawa ay gamay na gamay niya. Ganitong-ganito ang ugali ni Gerard noong bago pa lang sila bilang mag-asawa kahit na bibihira niya marinig ang salitang gustong-gusto niyang marinig sa labi nito. Hindi kasi showy si Gerard pagdating sa nararamdaman nito sa kaniya. Oo, niligawan siya nito, pero mabibilang lang sa daliri ng mga kamay niya ang pagsasabi nito sa kaniya ng salitang 'I love you'. Kasalasan pa nga, ay napapansin niya na parang napipilitan ito na sabihin ang mga katagang iyon. Si Gerard ang taong puro negosyo at pagpapayaman ang nasa utak. Minsan ay hindi niya maiwasang isipin na kaya siguro pumayag si Gerard na pakasalan siya ay dahil na rin sa mamanahin niya sa mga magulang.
Nag-iisang anak kasi si Lianne at kahit sabihing pipitsuging negosyante ang ama niya, ay marami na rin itong naipundar kahit papaano. Iilang kaibigan niya na rin ang nagsabi dati na maswerte ang mapapangasawa niya dahil hindi na sila maghihirap kahit habambuhay na hindi magtrabaho.
Iwinaksi ni Lianne ang mga agam-agam niya at niyakap si Gerard nang makarating na sila sa kusina. "Again, congratulations, Darling! That's an achievement. Who knows? Sooner or later isang bilyonaryo na ang mag-invest sa kompanyang itinayo mo."
"I know. I am rooting for the owner of FGC, Darling," nakangiting tugon ni Gerard matapos siyang ipaghila ng upuan.
Tumango na lang si Lianne matapos marinig ang kompanyang sinambit ng asawa. May kakaibang kaba siyang naramdaman nang maalala na naman ang may-ari ng kompanyang iyon na si Russel Ferrer. Pilit man niyang iwaksi sa kaniyang isipan ang bilyonaryong negosyante, ay patuloy pa ring nagsusumiksik ang katotohanang hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang paghanga at pagtatangi niya sa taong iyon. Oo, may asawa na siya at dapat lang na si Gerard lang ang iniisip niya, pero may isang parte sa puso niya maging sa utak niya na nakalaan para sa bilyonaryo.
"I heard magla-lie low muna siya sa negosyo to look after his dying wife," saad niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Gerard.
"She's not dying," kaagad na sagot ni Gerard na parang galit. "Gagaling si Mary Ann, gagaling siya." Tila wala sa sarili na tumingin sa kisame saka bumuntong-hininga.
Napakunot ang noo ni Lianne. Nagtataka siya sa ikinikilos ng asawa nang mabanggit niya ang pangalan ng asawa ni Russel Ferrer. "Do you know her personally, Darling?"
Tila walang narinig si Gerard. Ibinaba nito ang paningin at tinitigan ang plato. Kumunot ang noo nito kasabay ng pag-igting ng mga panga at pagkuyom ng dalawang kamao. Parang hindi nito matanggap ang nasagap na balita.
"They were on television this morning," patuloy pa ni Lianne. "A certain journalist got an interview with Russel Ferrer and it seems to me na seryoso nga ang sakit ng kaniyang asawa dahil kung hindi, hindi niya basta na lang igi-give up ang pamamalakad sa kompanya. His wife has a leukemia."
"Leukemia is curable nowadays," mahinang saad ni Gerard. "Gagaling si Mary Ann. She got the best doctor."
"Magkakilala kayo ni...ni Mary Ann?" muling tanong ni Lianne.
"T-technically yes," pag-amin ni Gerard. "She's a philanthropist, a fashion model and a socialite. Sikat siya sa buong bansa. Sino ang hindi makakakilala sa kaniya?"
"Yup!" Nagsimula ng sumubo ng pagkain si Lianne. May kakaiba siyang pakiramdam na magkakilala sina Mary Ann at Gerard pero hindi na siya nagtanong pa dahil ayaw niyang sirain ang gabi nilang mag-asawa. Mas maiging magsawalang-kibo na lang siya.
"She organized an outreach program years ago," saad ni Gerard sa kalagitnaan ng pagkain. "I was one of the volunteers and I had a chance to meet her. She was single that time."
"You haven't met me that time?" nakangiting saad ni Lianne. Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang madamang selos man lang gayong dati kapag nagkukuwento si Gerard sa mga babaing niligawan ay naiinis na siya. "Or Mary Ann is your first choice? And not me?" patuloy niya pang biro.
Kumunot ang noo ni Gerard saka nagpatuloy sa pagkain at tila iniiwasang tingnan sa mga mata ang asawa. "We just met... and that's all," matipid nitong salita na parang ayaw ng pag-usapan pa ang tungkol kay Mary Ann.
"May God bless her," taos-pusong usal ni Lianne mayamaya nang hindi na umimik pa si Gerard. "I wish she'll be cured. The sooner the better."
"Magdilang-anghel ka sana." Uminom ng tubig si Gerard at nang ilapag sa mesa ang baso ay nagsalita sa mahinang tinig, "She's too young to die. I can't afford to lose her."
At dahil abala si Lianne sa pagkain, ay hindi niya maintindihan ang huling anim na salitang sinambit ng asawa. Ang utak niya ay abala sa pag-aalala para kay Russel Ferrer. Alam niyang mahala na mahal ng bilyonaryo ang sariling asawa. At alam din niya na labis itong masasaktan sakaling lumala ang kalagayan ni Mary Ann. Nag-aalala siya para kay Russel kahit na hindi niya ito kilala.
"Anyway, Darling," untag ni Gerard mayamaya. "Can you come to the office tomorrow?"
"Why?"
Tila atubili na magsalita si Gerard. "I-I was having..."
Hinawakan ni Lianne ang kamay ng asawa. "Just say it, Darling." Ngumiti ito sa kaniya dahilan para mawala ang lahat ng hinanakit niya rito. Isang ngit lang ito sa kaniya ay sapat na para sumaya ang puso niya.
Iyon ang epekto ni Gerard sa kaniya. Alam na alam ng asawa niya ang kahinaan niya. Si Gerard ang taong ngiti pa lang ay makalalag-panty na. May kakayahan itong mang-akit ng babae gamit ang titig lang. Malakas ang karisma nito na kahit walang maramdamang pag-ibig si Lianne noong unang magkakilala sila, ay unti-unting nahulog ang loob niya sa paglipas ng mga araw. Natutunan niyang mahalin ang asawa. Umibig siya rito nang walang pasubali.
Diretsong tumingin si Gerard sa mga mata niya matapos pisilin ang kamay niya. "I was having a hard time dealing with my secretary, so I fired her this afternoon. I think it would be better if you come to the office tomorrow. May darating na mga aplikante and I want you to interview them. I want a male secretary, Darling."
Nagdiriwang ang kalooban ni Lianne sa narinig. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Hindi na siya mahihirapan pang kumbinsihin ang asawa dahil open ang posisyon para sa secretary nito. Pero ang ipinag-aalala niya ay lalaki ang gusto nitong maging secretary.
"Andrea is looking for a job," tugon niya. "Why not hire her?"
"That b*tch?" Nagsalubong ang kilay ni Gerard. "I heard she was fired from a certain company."
"Yeah. Pero hindi naman niya kasalanan. May tsismis na kumalat at siya ang pinagbintangan na nagpapakalat niyon."
"I want a male secretary," usal nito na parang ayaw tanggapin ang kaibigan ni Lianne.
"She's good naman, Darling," pagtatanggol niya sa kaibigan. "Why not give her a chance?"
Hindi na umimik pa si Gerard. Nagpatuloy ito sa pagkain na para bang tinitimbang kung tama bang tanggapin ang alok ng asawa. Tila may bagay pa itong gustong marinig kay Lianne patungkol kay Andrea.
"You should hire her, Darling," pangungumbinse pa ni Lianne. "Mapagkakatiwalaan siya. She's my bestfriend. Hindi siya gagawa ng bagay na ikapapahamak ng kompanya."
"You really think she wouldn't?" kunwari ay naninigurong saad ni Gerard.
Tumango si Lianne. "Give her a week at kapag hindi maayos ang trabaho niya, then fire her. Ako ang magiging sekretarya mo forever." Ngumiti siya sa asawa.
"You are my wife," agad na saad ni Gerard na nakatingin pa rin sa mga mga mata ng asawa. "Not my secretary."
At dahil tapos na kumain si Lianne ay tumayo siya at umupo sa kandungan ng asawa. Namumungay ang mga mata niya habang hinahaplos ang magkabila nitong pisngi. "You want dessert, Darling?" usal niya sa nakakaakit na tinig. Inilapit niya ang labi sa tainga nito at marahang kinagat iyon.
Isa iyon sa mga kahinaan ni Gerard kaya alam niyang hindi siya matatanggihan ngayon ng asawa. Ramdam na niya ang ebidensiya dahil tumutusok na iyon sa ibabang parte ng kaniyang puson.
Humugot nang malalim na hininga si Gerard at tila pinipigil ang sarili na huwag magpatangay sa pang-aakit ng sariling asawa. "D*mn, Darling! D*mn if you stop!" usal nito nang maramdaman ang pagbaba ng halik ni Lianne sa ibabang parte ng leeg habang hawak ang kaniyang espada na kanina pa nagngangalit.
"You want me to stop, Darling?" nang-aakit na wika ni Lianne at inalis ang kamay sa nagngangalit na espada ni Gerard.
"D*mn, Lianne. Continue what you are doing!" napapaos na wika nito.
"Sure. Just promise me you will hire my bestfriend as your secretary." Muling hinawakan ni Lianne ang nagngangalit na espada pero bigla ring binitiwan.
"Sure. I will hire her," hindi magkandaugaga na tugon ni Gerard at pilit na ibinabalik ang kamay ni Lianne sa nagngangalit niyang espada saka nilamukos ng halik ang labi ng asawa.