Alas singko ng hapon nang magpasya ang magkaibigan na lisanin na ang mall. Gaya ng dati ay bumili na naman si Andrea ng napakaraming damit at sapatos na lubhang ipinagtataka ni Lianne. Hindi talaga niya lubos maisip kung saan nanggagaling ang pera ng kaibigan. Kung maglustay ito ng pera ay tila anak ng isang milyonaryo. Samantalang siya na galing sa isang nakaririwasang pamilya at kayang bumili ng mga mamahaling gamit ay nagkasya na lang bilhin ang isang simple, hindi gaanong mahal na damit ngunit eleganteng tingnan.
Para kay Lianne ay mas makabubuti kung matututo siya mag-budget dahil hindi naman gano'n kalaki ng perang inaabot sa kaniya ng sariling asawa. Minsan nga ay hinahanapan pa siya nito at kulang na lang ay mag-hire ng accountant para alamin kung saan napunta ang pera. Kaya minsan ay mas gusto niyang manatili sa bahay para makaiwas sa gastos. Na hindi naman niya magawa lalo na kung nag-aaya ang kaibigang si Andrea. Ang nanay naman niya ay weekly kung imbitahan siyang lumabas.
"Mukhang galit ka sa pera, Beshie," komento ni Lianne habang nagmamaneho. Ngumiti siya at saglit na tumingin sa gawi ni Andrea saka muling ibinalik ang paningin sa kalsada. Agad niyang itinigil ang sasakyan nang huminto ang sinusundan nilang kotse kaya nagkaroon siya ng pagkakataong titigan nang husto ang makahulugang ngiti ng kaibigan.
"What's with that look?" tanong ni Lianne nang mapansin ang kakaibang ngiti ni Andrea. Nakangiti pa rin siya saka biniro ito. "Seems like you have a billionaire benefactor." 'Yon lang naman kasi ang naiisip niyang dahilan kaya afford ng kaibigan niya ang mga mamahaling bagay. To think na ilang buwan na itong walang trabaho at hindi naman ganoon kalaki ang sahod nito sa dating kompanyang pinaglilingkuran.
Pumalatak ng tawa si Andrea nang marinig ang mga salitang billionaire benefactor. "You are jumping into conclusions, Beshie," maarte nitong saad saka iniikot ang mga mata. "I wish I have one." Hindi pa rin ito matigil sa kakatawa at tila tuwang-tuwa talaga sa sitwasyon. Si Lianne naman ay pabalik-balik ang paningin sa labas ng bintana para alamin kung nakausad na ang sinusundang kotse. Hindi siya mapakali. Alas singko na kasi ng hapon. Rush hour kaya mahaba na ang daloy ng trapiko. Isa pa kailangan niyang magmadali dahil baka dumating na si Gerard sa kanilang bahay.
Ayaw niyang maunahan siya sa pag-uwi dahil alam niyang mag-aaway na naman sila. Ayaw na ayaw kasi ni Gerard na hindi siya madadatnan sa bahay sa tuwing uuwi ito. Ayon dito ay obligasyon niya na hintayin ang asawa sa pag-uwi nito tuwing hapon at hindi sa kung saan-saang lugar siya naglalamyerda.
"I thought you have," muling biro ni Lianne. Nakahawak ang mga kamay niya sa manibela at hinihintay na umusad ang trapiko. "Last month pumunta ka ng Hongkong at doon nag-shopping. Malaki yata ang naipon mo sa ilang taong pagtatrabaho."
Muling tumawa si Andrea. "I don't have ipon, Beshie. I have an investment." Makahulugan itong ngumiti. "Life time investment to be exact." Tumingin muna ito sa labas ng bintana at nang mapansing hindi pa rin umuusad ang trapiko, ay ibinaling ang paningin sa mga mata ni Lianne na para bang inaalam kung ano ang magiging reaksiyon ng huli sa mga susunod na sasabihin. "Actually, Beshie, high school pa ako nang magkaroon ako ng ganoong investment. Matiyaga lang ako kaya heto, tinatamasa ko na ang mga paghihirap ko sa investment na iyon." Nakangiti pa rin ito pero naroon ang tila galit sa mga mata at segundo lang ang dumaan ay napalitan iyon ng malungkot na aura na hindi maipaliwanag.
Agad na napansin iyon ni Lianne ngunit hindi na niya inusisa pa ang kaibigan dahil umusad na ang kotseng sinusundan nila kasabay ng pagkarinig nila ng malakas na pagbusina ng driver ng kotseng nakasunod sa kanila.
"D*mn that driver!" mura ni Andrea patungkol sa driver ng kotseng nakasunod sa kanila. "Kung nagmamadali siya, aba, e, paliparin niya ang kotse niya. Alam na niyang rush hour ngayon kaya grabeng traffic. Hay naku!"
Napangiti na lang si Lianne sa ugali ng kaibigan. Hanggang ngayon ay dala pa rin nito ang pagiging mainitin ng ulo. Kaagad itong napipikon sa napakaliit na bagay. Minsan ay hindi niya magawang ikumpara ang ugali nito sa asawa niyang si Gerard. May pagkakahawig kasi ang ugali ng dalawa pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi nagkakapikunan ang dalawa sa tuwing magbibiruan ang mga ito. Waring gamay na ng mga ito ang ugali ng isa't isa.
Napailing na lang si Lianne habang nagmamaneho. Sumagi sa utak niya ang naging suhestiyon ni Andrea habang nasa mall sila kanina. Na gawin niya itong sekretarya ni Gerard.
Ngumiti siya habang nagmamaneho. "I'm gonna convince Gerard to hire you as his secretary."
"What?" Hindi makapaniwala si Andrea sa narinig. Napakalapad ng pagkakangiti nito. "You mean...? What if hindi pumayag ang asawa mo? You know Gerard, Beshie. Mataas ang standards ng taong 'yon."
"At ikaw ang pumasa sa standard ko, Andrea," baling niya sa kaibigan. Nakangiti pa rin siya at sa pagkakataong iyon ay alam niya na si Andrea ang magiging solusyon sa mga agam-agam niya patungkol sa kaniyang asawa. Ito ang magsisilbing mata niya sa loob ng opisina ni Gerard. Parang magkapatid na ang turingan nila ni Andrea sa isa't isa kaya alam niyang bawat galaw ng asawa ay sasabihin kaagad nito sa kaniya.
"I doubt it, Beshie," tugon ni Andrea na nakakunot ang noo. "Baka matunugan ng asawa mo ang plano natin. Imbes na i-hire ako, ay kamuhian niya pa ako. Just forget about my suggestion awhile ago. Nagbibiro lang namam ako." Tumingin ito sa labas ng bintana.
"I am determined to convince Gerard, Andrea." Nakatutok ang paningin ni Lianne sa kalsada kaya hindi niya napansin ang makahulugang ngiti na sumilay sa mga labi ng kaibigan. "At kung ayaw niya, I could ask my parents na pakiusapan si Gerard. Minsan lang naman akong humingi ng pabor sa mga magulang ko, kaya alam kong pagbibigyan nila ako. Isa pa, kailangan mo ng trabaho, right?"
"Yup! Pero ayoko ng gulo, Beshie. Masungit ang asawa mo. Wala yatang nakakasundong sekretarya ang taong 'yon. I heard nakaapat na sekretarya na iyon nitong buwan lang." Umirap ito kaya napangiti na lang si Lianne.
"Gerard has his own reasons," pagtatanggol niya sa asawa. "Ayaw niya lang ng mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Kaya nga mas gusto ko na ikaw ang maging sekretarya niya."
"Well?" Tumaas ang isang kilay ni Andrea. "I'll try my luck then. Mag-a-apply ako as secretary sa kompanya ninyo."
"No," agad niyang tugon. "You should start working tomorrow."
"Do you think I could do it, Beshie?" kunwari ay hindi sigurado si Andrea. "You know naman na ilang buwan akong nagpahinga sa trabaho."
"You can do it, Andrea. For me, please?" pakiusap niya sa kaibigan dahil desperada na talaga siya sa nangyayari sa relasyon nila ng kaniyang asawa. Malakas talaga ang kutob niya na nambababae ito at hindi niya mahuli-huli dahil magaling magtago. Ramdam niya kasi sa sarili niya na parang napakalaki ng ipinagbago ni Gerard. Tila ayaw na nitong katabi siya sa kama. Ni halik o yakap ay bihira na rin nitong gawin sa kaniya. Napipilitan na lang yata ito na halikan o yakapin siya kapag nakaharap sila sa mga magulang niya o kaya sa ibang tao.
Ibang-iba na si Gerard. Kung noon ay nagsasawalang-kibo na lang siya, pwes ngayon ay hindi na dahil nasagad na ang pasensiya niya. Tila wala na kasing plano para sa kaniya o sa magiging pamilya nila ang asawa niya. Masyado na itong tutok sa negosyo at tila determinado na mapantayan ang estado ng pamumuhay ng bilyonaryong si Russell Ferrer.
Isa rin iyon sa ipinag-aalala ni Lianne. Hindi niya alam kung alam ni Gerard na noon pa ay crush na crush na niya si Russel Ferrer. Pero iisa lang ang alam niya: naiinggit si Gerard sa estado ng pamumuhay ni Russel. Bukod kasi sa nasa tugatog na ng tagumpay ang bilyonaryong negosyante ay sikat na sikat ito sa buong bansa sabayan pa ng pagkakaroon ng asawa na isang sikat na fashion model.
Kaninang umaga niya lang nabalitaan na magla-lie low muna sa negosyo ang bilyonaryong negosyante dahil bibigyan muna nito ng atensiyon ang asawang may malalang karamdaman. Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa asawa ni Russell. Kaninang umaga ay kitang-kita niya sa screen ng telebisyon na nire-replay ang ilang video na kuha sa kasal ng dalawa. Doon niya napansin kung paano tingnan ni Russell ang sikat na fashion model. Naroon sa mga nito ang pagmamahal at pagtatangi.
Iyon ang hindi niya makita sa mga mata ni Gerard noong araw na ikasal sila. Engrande ang kasal nila dahil sinagot ng mga magulang niya ang gastos. Iyon ang araw na tila mamatay-matay siya sa galit at lungkot dahil sa ginawa ng mga magulang niya. Pero nagawa niya pa ring maging mabuting anak at sinunod ang kagustuhan ng mga magulang.
"A penny on your thought?" untag sa kaniya ni Andrea nang ilang minuto siyang walang kibo at nakatutok lang sa daan ang kaniyang paningin. "Mukhang ang layo na ng narating mo, ah." Tumawa pa ito.
Nag-menor siya saka malungkot na nagsalita habang nakatutok pa rin ang paningin sa kalsada, "Beshie, I don't know what to do kung malaman kong may babae si Gerard. I have already learn to love him. Ayokong may kahati sa kaniya. Hindi ko kaya." Itinigil na niya ang kotse sa harap mismo ng bahay ni Andrea.
Nanatili lang sila sa loob ng kotse at tila wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na bumaba. Parehas lang sila nakatingin sa kalsada.
"Mamamatay ako kapag nawala sa akin si Gerard," mangiyak-ngiyak na saad ni Lianne mayamaya. Isinubsob niya ang mukha sa harap ng manibela. "I want to save our marriage. I want us to be happy. I want us to have kids and have a family." Tuluyan na siyang lumuha.
"Boys will always be boys, Lianne," seryosong tugon ni Andrea nang humupa na ang pag-iyak ni Lianne. Hinaplos nito ang balikat niya. "What matters most is how we handle things or how we will react in every situation we are in. Most importantly, we should learn how to control our emotions."
Napatingin si Lianne sa kaibigan. Napaawang ang labi niya. "Andrea...? What do you mean?"
"Lianne beshie," mahinahong saad ni Andrea. "What I mean is, you should learn how things go against us. Meaning matuto tayo na tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay makukuha natin." Tumaas ang isa nitong kilay at mataray na nagsalita, "Na mapapasaatin ang anumang bagay na gustuhin natin. Makuntento na tayo sa kung anong mayroon tayo."
"I don't get it," usal ni Lianne saka muling isinubsob ang mukha sa manibela kaya hindi na naman niya napansin ang makahulugang ngiti ng kaibigan.
"Learn the art of letting go, Beshie." Panay ang paghaplos ni Andrea sa balikat pababa sa likod ni Lianne para pagaanin ang loob nito.
"I can't and I won't, Andrea. I love Gerard. I love him so much. I never thought na mararamdaman ko ito sa kaniya."
"What if he doesn't love you?" panunubok pa ni Andrea dahilan para umangat ang mukha ni Lianne at tumingin sa kaibigan.
"I don't know his feelings for me," usal ni Lianne.
"He did not say he loves you, did he?"
Umiling si Lianne kaya lalong nagdiwang ang kalooban ni Andrea.
"We didn't even make love for nearly three months," deklara ni Lianne habang pinupunasan ang sariling luha. "My parents are dying to have grandchildren already at hindi ko iyon maibibigay sa kanila dahil ayaw ni Gerard. Ayoko namang sabihin sa mga magulang ko dahil masisira sa kanila ang asawa ko."
"So, ayaw talaga ni Gerard na magkaanak kayo?" paniniguro ni Andrea.
Tumango si Lianne. "Minsan gustong-gusto ko ng itigil ang pag-inom ko ng contraceptive pills para mabuntis na ako, but how would I become pregnant when my husband doesn't want to make love with me?"
"'Yan ang huwag na huwag mong gagawin, Lianne," kaagad na tugon ni Andrea na tila natakot sa isiping ititigil ng kaibigan ang pag-inom ng contraceptive pills.
"Beshie..." naguguluhang usal ni Lianne. "I don't know what to do anymore. Naiipit ako sa parents ko at sa asawa ko." Tumingin si Lianne sa labas ng bintana ng kotse.
Nakaparada sa tabi ng bahay ni Andrea ang kotse at natanaw niya sa bintana ang tila pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki.