Kasalukuyang sini-serve ng mga waiter ang inorder nilang pagkain nang maalala ni Russel ang bulaklak na dapat sana ay naibigay na niya kay Lianne. Binulungan nito ang isang waiter na agad naman na tumalima, umalis ito at nang bumalik ay dala na ang isang bouquet ng bulaklak. Kinuha iyon ni Russel mula sa waiter saka ibinigay kay Lianne. "Oh my! Russ, this is so expensive." Napakalaki ng bouquet na 'yon at alam niyang isa iyon sa mga bulaklak na may pinakamahal na presyo. "Nothing is more expensive when it comes to you, my Lianne." Ngumiti ito saka hinaplos ang pisngi niya. Magkatabi sila ng upuan kaya malaya nitong nahahaplos ang pisngi niya o hawakan ang palad niya. Napaawang ang labi niya. Gusto niyang umiyak sa ipinapakitang pagmamahal sa kaniya ni Russel. Ni minsan ay hindi niya nar

