"Choose anything you like, Bes." Hindi magkandaugaga si Issy sa pagsasalita habang ipinapakita sa kaniya ang mga damit na dinala kanina ng isang sikat na designer sa mansiyon ng pamilya nito. Sinundo siya nito kanina sa bahay nila ni Gerard nang malamang paalis na ng bansa ang huli. Si Issy na rin mismo ang nagprisinta na ayusan siya para sa dinner date nila ng bilyonaryo. Hindi na siya nakatanggi pa, umoo na siya dahil wala naman siyang puwedeng gambalain patungkol sa napipinto nilang date ni Russel. Maliban kasi sa pamilya ni Manang Iska, ay si Issy lang at ang pamilya nito ang nakakaalam ng tungkol sa kanila ng bilyonaryo. "Ang gaganda," usal niya. Naroon sa mga mata niya ang paghanga habang pinapasadahan ng tingin ang ilang damit na naka-hanger sa tabi ng kama ni Issy. "Yup! Desi

