Alas singko na ng hapon pero abala pa rin si Gerard sa pagbabasa ng mga papeles na naroon sa ibabaw ng office desk niya. Nakakunot ang noo niya at tila may hindi naiintindihan sa binabasa. Makailang ulit niya iyong pinasadahan ng tingin ngunit hindi talaga niya maintindihan. Hanggang sa tawagin niya si Andrea na naroon lang sa labas ng sariling opisina. "Yes, Babe?" bulong ni Andrea matapos i-lock ang pinto saka rumampa na tila modelo patungo sa mesa ni Gerard. Nang-aakit ang mga mata ito habang nakangiti nang napakatamis. Napabuntong-hininga si Gerard saka binitiwan ang binabasang papel. Hinilot nito ang magkabilang sentido at pumikit ngunit bigla ring iminulat iyon nang maramdamang nakalapit na si Andrea at dahan-dahang hinahaplos ang magkabila niyang balikat. "You are so tired, Babe,

