Chapter 2

2002 Words
"See anak?" untag ni Mrs. Borromeo na kanina pa natitigilan sa kilos ni Gerard. "Gerard wants a baby. Bakit ba kasi hindi pa kayo nagkakaanak? Mas maganda ang buhay pamilya kung may anak kayo kahit isa man lang. Don't tell me na hanggang ngayon ay si Russel Ferrer pa rin ang nariyan sa puso mo?" "Mom..." Hindi alam ni Lianne kung ano ang isasagot. Nagsimula na naman magsermon ang kaniyang ina. Parang bumalik na naman sila sa dati noong dalaga pa siya. Sa tuwing mapag-uusapan o mababanggit niya si Russel Ferrer ay puro paalala ang sinasambit ng kaniyang ina. Hindi man aminin sa kaniya ng sariling ina, pero alam niyang ayaw nito kay Russel Ferrer kahit pa sabihing crush niya lang naman ang bilyonaryong negosyante. "Anak, iba siya at iba tayo. Oo, may negosyo tayo, pero wala tayo sa kalingkingan ng estado ng pamumuhay ng taong iyon. Kalimutan mo na siya, please? Hinding-hindi siya makabubuti sa 'yo maging sa pagsasama ninyo ng asawa mo." Napangiti na lang si Lianne saka niyakap ang ina. "Ang dami n'yo na pong sinabi, Mom, e, ni hindi ko pa nga nakikilala ang taong 'yon. Sa telebisyon at sa social media ko lang siya nakikita." "But you are so obsessed with him," pangangatwiran ni Mrs. Borromeo. "To the point na gustong-gusto mo siyang puntahan para makilala." "Mom, I'm not obsessed with him. He's just my crush at saka mali ba na kahit minsan sa buhay ko ay makita at makilala ko siya nang personal?" Naalala na naman niya noong pumunta ang mga magulang sa Cebu para um-attend sa isang convention. Gustong-gusto niyang sumama dahil nabalitaan niya na pupunta rin si Russel Ferrer sa convention na iyon. At dahil desidido siya, ay hindi na siya nanghingi ng pera sa mga magulang para sa airfare dahil mayroon siyang naipon para sa ganoong pagkakataon. Subalit ang masaklap ay hindi pumayag ang kaniyang ama. "Anak, Gerard is the right man for you." Hinaplos ng ginang ang pisngi ng anak. "Last time I heard, may asawa na ang Russel Ferrer na 'yon." "I know po," malungkot niyang tugon saka lumapit sa lababo at nagsimula ng maghugas ng mga pinagkainan. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit crush na crush niya pa rin si Russel Ferrer. Unang taon niya sa kolehiyo nang magsimula siyang magkaroon ng paghanga sa taong iyon. Nanonood siya noon ng telebisyon at bigla na lang lumabas ang flash report na nagsasabing namatay ang mga magulang nito sa isang car accident dahilan para ang binata na ang humawak ng kompanyang pinagpaguran ng mag-asawa. Simula noon ay ini-stalk na niya ang binata sa lahat ng social media accounts nito. Pati ang bestfriends niyang sina Andrea at Katrina ay may crush din kay Russel kaya minsan ay 'di maiwasang pagkuwentuhan nila ang binata. Nangako pa nga sila noon na magtatrabaho sa kompanya nito pagkatapos ng kolehiyo para araw-araw na masilayan ang kaguwapuhang taglay nito. Sikat si Russel Ferrer lalo na sa mga kabataang babae hindi lang dahil sa angking karisma nito. Matalino ang binata at nagtapos ito ng magna cumlaude sa isang sikat na unibersidad sa bansa. At dahil sikat ang mga magulang ay naging laman ng pahayagan maging ng lahat ng istasyon ng telebisyon pati na sa social media ang mga achievement ng binata. Walang araw na dumadaan na hindi siya napag-uusapan at dinaig pa niya ang mga sikat na artista sa dami ng mga press release araw-araw. Ilang beses na tinangka ni Lianne na makilala si Russel pero lahat ng iyon ay nauuwi sa wala dahil na rin sa kagagawan ng sariling ama. Hanggang sa makilala niya si Gerard at nang magtagal ay ipinakasal sila ng kaniyang mga magulang. Gusto niyang magrebelde nang mga panahong iyon, pero nanaig pa rin ang pagiging mabuti niyang anak kaya pumayag siyang magpakasal kahit labag iyon sa kaniyang kalooban. "Remember what I told you, anak," bulong sa kaniya ng inang si Melinda bago ito sumakay sa kotse. "A baby is a key to a happy family." Tumango siya at niyakap ang ina. "Take care, Mom." Kumaway siya sa mga magulang nang paandarin ng ama ang kotse at dahan-dahang minaneho papalabas ng gate. Naglaho ang kaniyang ngiti sa labi nang tuluyan ng mawala sa kaniyang paningin ang kotseng kinalululanan ng mga magulang. Bumuntong-hininga siya. Malakas kasi ang kutob niya na mauuwi na naman sa pag-aaway nilang mag-asawa ang gabing ito. Tumalikod na siya at akmang papasok na sa kabahayan nang biglang hilahin ni Gerard ang kaliwang braso niya. "I thought you are taking contraceptive pills?" Naroon sa mga mata nito ang galit at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya. Napaaray siya. "Nasasaktan ako, Gerard. Bitiwan mo ako." "Masasaktan ka talaga, Lianne! Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na ayoko munang magkaanak tayo? Marami pa akong pangarap—" "Then why did you marry me?" galit niyang tugon. "Bakit ka pumayag sa kagustuhan ni Dad na magpakasal tayo gayong marami ka pa palang pangarap na gustong matupad?" Inayos niya ang sariling buhok dahil kumalat iyon sa kaniyang mukha nang hilahin siya nito kanina. Hindi nakaimik si Gerard. Natigilan siya sa tanong ng asawa. Binitiwan niya ang braso ni Lianne at napatingala na lang sa kalangitan. Ayaw niyang malaman ng asawa ang totoong dahilan kung bakit pumayag siya sa kasal na iyon. "Why don't we get an annulment, Gerard?" hamon ni Lianne. "We are both stuck-up in this toxic marriage. Mas mabuting maghiwalay na tayo para magawa natin ang kani-kaniya nating kagustuhan." Tinalikuran na niya ang asawa dahil ayaw niyang makipagtalo pa. Ngayon niya lang hinamon ng annulment ang asawa para kahit papaano ay matauhan ito at pumayag na magkaroon na sila ng anak. "At ano ang gagawin mo? Magpapabuntis ka sa iba!" sigaw nito habang hinahabol ang asawa at nang maabutan ay hinawakan sa magkabilang balikat. "You won't do that, Lianne. You are my wife!" "Once the court granted our annulment, I won't be your wife anymore," mahina niyang saad. Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. Nasasaktan siya sa isiping maghihiwalay sila ni Gerard. Mahal niya ang asawang si Gerard. Sa mahigit isang taong nagdaan, ay natutunan na niya itong mahalin, nahulog na ang loob niya rito at hindi-hindi siya papayag na mawala sa kaniya ang asawa. Pang-blackmail niya lang ang annulment. Gusto niya lang pumayag ito na magkaroon na sila ng anak. "Walang annulment na magaganap," mahina ring saad ni Gerard at hinaplos ang kaliwang pisngi ng asawa. Mababanaag sa mukha nito ang galit. Galit na hindi mailabas dahilan para lihim na magbunyi si Lianne. Alam ni Lianne na takot si Gerard na maghiwalay sila. Bukod kasi sa hindi pa ito financially stable, ay nakasalalay sa kaniyang mga magulang ang pag-unlad at pagbagsak ng asawa. Isa iyon sa alam niyang dahilan kung bakit ayaw muna ni Gerard na magkaanak sila ni Lianne. Mahigit isang taon na silang kasal at nanghihingi na ng apo ang mga magulang ni Lianne. Kung tutuusin ay kaya namang suportahan ng mag-asawang Borromeo ang magiging apo, pero mataas ang pride ni Gerard. Gusto ng huli na palipasin muna ang ilang taon bago magkaroon ng supling. "Then we are going to have a baby," pinal na saad ni Lianne saka tinungo ang hagdan paakyat sa kanilang kwarto. Buo na ang loob niya na magbuntis. Nasa bahay lang kasi siya at ayaw siyang pagtrabahuhin ni Gerard. Nababagot na siya. Isa pa, ay naubusan na siya ng idadahilan sa mga magulang kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagdadalantao. Kanina ay nag-suggest na ang kaniyang ina na kumunsulta sila ni Gerard sa kakilalang doktor para malaman kung bakit hindi pa sila nagkakaanak. Na hindi naman niya magawa dahil lalabas ang katotohanan sa pagitan nilang mag-asawa. Agad siyang naglinis ng katawan pagdating sa kuwarto. Masama ang loob niya sa asawa. Itutulog niya na lang iyon at hindi na papansinin pa si Gerard. Umaasa siya na bukas paggising sa umaga ay umayon na ito sa plano niya. "Alam mo kung saan ako nanggaling, Darling," mahinang saad ni Gerard nang humiga sa tabi niya. Naglagay ito ng unan sa pagitan nilang dalawa na para bang nandidiri na makatabi siya. "Ayokong maranasan ng magiging anak ko ang hirap na dinanas ko noon." Malungkot ang boses nito. Naikuwento na kasi ni Gerard sa asawa ang mga pinagdaanan nito noong nabubuhay pa ang mga magulang. Nag-iisa lang itong anak at security guard ang ama. Nabaril at namatay nang ma-hold-up ang bangko na pinagtatrabahuhan nito. Ang kaniyang ina naman ay namatay sa sakit matapos ang isang taong pagkamatay ng kaniyang ama kaya napunta si Gerard sa pangangalaga ng tiyahin. Matandang dalaga ang kaniyang tiyahin at iyon na rin ang nagpaaral kay Gerard simula high school hanggang sa makakuha ng scholarship sa kolehiyo. "Nariyan naman ang Tiya Pura," tukoy niya sa tiyahin ni Gerard. Isa iyong retired teacher at kasundo ni Lianne. "Pati mga magulang ko ay nakasuporta sa atin." Nakatalikod siya at wala siyang planong humarap sa asawa. "Kahit na. Marami na silang pabor na ibinigay sa atin. Ayoko ng madagdagan pa iyon. I am the man of the house. Ako dapat ang tumutugon sa mga pangangailangan natin at hindi ang parents mo." Hindi na siya umimik. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Umiiral na naman kasi ang pride ni Gerard. Kung tutuusin ay kahit magkaroon sila ng apat o limang anak ay makakaya nilang buhayin iyon. Nakatapos ng kolehiyo si Lianne at kayang-kaya niyang magtrabaho pero nagdesisyon ang kaniyang asawa na manatili siya sa bahay. "Darling," saad ni Gerard saka masuyong hinaplos ang kaliwang braso niya. "Please try to understand. Para din naman sa atin ito." Nang hindi pa rin siya umimik ay tuluyan ng tinanggal ni Gerard ang nakaharang na unan at niyakap siya nang mahigpit. Ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Lianne dahilan para makaramdam ng kakaibang init ang huli. "I just want to be the best father to our soon-to-be baby," muling bulong ni Gerard. "Gusto kong paghandaan ang pagdating niya sa buhay natin." "Five years is a lot longer," usal ni Lianne. "Mabuti sana kung nagtatrabaho ako para kahit papaano ay may mapaglilibangan ako." "Then we'll make it to a year, Darling," napipilitang saad ni Gerard. "Basta ma-close ko lang ang deal kay Mr. Ferrer." Sa narinig ay biglang umusbong ang saya sa mukha ni Lianne. Agad siyang tumagilid paharap kay Gerard at pinaghahalikan ang mukha nito. Walang katumbas ang sayang nararamdaman niya. May tiwala siya sa asawa at matinik ito pagdating sa negosyo kahit pa sabihing baguhan pa lang ito. Tiwala rin siya na mako-close nito ang deal sa Russel Ferrer na iyon. "Oops! Darling, not now," reklamo ni Gerard. "I'm not in the mood. Pagod ako sa trabaho." Natigilan si Lianne, hindi siya makaimik. Nakatitig lang siya sa asawa. Ilang gabi na niyang napapansin na palaging wala itong gana sa kama, palaging wala sa mood. "I'm sorry, Darling," saad ni Gerard saka tumalikod kay Lianne. "Maaga pa ako bukas." Napailing na lang si Lianne. Napahiya na naman siya sa sarili. Ilang gabi ng sunod-sunod na ganoon ang nangyayari kaya naghihinala na siya. Nakatitig lang siya sa nakatalikod na asawa at mayamaya ay narinig na niya ang malakas nitong paghilik. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi talaga sila magkakaanak kung ganito palagi si Gerard. Wala na itong inilalaang oras para sa kaniya. Palagi na lang sa negosyo nakatutok ang utak nito. Palaging gabi na kung umuwi si Gerard at pagdating ay matutulog na lang dahil nga palagi nitong ikinakatwiran ang pagod. Maswerte nga kanina at sumabay ito sa pagkain dahil bumisita ang mga magulang niya. Hindi naman niya masasabing nambababae ito dahil wala naman siyang nakikita o nababalitaan. Lahat ng mga taong nakakasalamuha ng kaniyang asawa ay may koneksiyon o kakilala ng mga magulang niya. Tiwala siya na hindi siya magagawang lokohin ng asawa niya dahil takot ito sa mga magulang niya. Pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam na tila may ibang babaing kinalolokohan ang asawa niya. Matabang na siya sa asawa at matabang na rin ang pagsasama nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD