Chapter 1 : Before my Agony Starts

2001 Words
“Hindi lahat nagsasabi ng ‘I love you’ mahal ka talaga! Ang iba diyan, mahal ka dahil kailangan ka!” Reighna POV Hindi ako naniniwala sa ‘love’ pero nagbago ang lahat ng makilala ko ang taong tumulong sa akin. Nakatakas kasi ang alaga kong aso na si ‘Browie’ at tinulungan niya ako para mahuli ito. Pihikan ang aso ko, sa akin lang siya lumalapit at nagpapahawak kaya nagulat ako at hinawakan siya ng stranger at kinarga pa ito. That time nakasuot siya ng Prince costume para sa role play nila sa school. Pero infairness ang gwapo niya di ko lang na familiarize ang mukha niya kasi biglaan ang pangyayari. Di ko man lang natanong ang pangalan niya. Pagpasok ko sa school, may nakita akong lalaking naglalakad, nakaprince costume rin kaya tinawag ko. “Hey! Salamat nga pala kanina at tinulungan mo ako. Bilang pasasalamat, merong 10k sa card na yan. Libre mo friends mo!” sabay abot sa card. “What? No, treat mo nalang ako ng lunch mamaya.” nakangiti nitong sagot. “By the way, ano ang pangalan mo?”tanong ko sa kanya pero bakit parang may something sa kanya na di ko gusto. Iba kasi siya kanina. Pero nevermind. “I’m Rafael Jung but you can call me, Raf. And you?” sabay lahad sa kanyang kamay. “I’m Reighna Alcaraz but you can call me, Reighn!” sabay shakehands. Sa simpleng lunch, dito nagsimula ang lahat. Nang malaman ko na mahirap lang sila at kaya nakapasok siya sa University namin dahil scholar rin siya katulad ko. Doon ako sobrang naaawa sa kanya. Nililibre ko na siya palagi ng lunch pero di ko sinabi sa kanya na mayaman ako. Ang alam lang nila sa school, ako ang pinakamatalino at President sa Scholar Society. Hanggang sa dumating ang time na nanliligaw na siya sa akin. Dahil nakita ko na sincere siya at sobrang caring kaya di ako nagdadalawang isip na sagutin siya. “Reighn, hindi man ako ang pinakamatalinong tao kagaya mo at di rin ako kasing yaman ni Mark Zuckerberg pero isa lang ang maipapangako ko saiyo, na tunay ang pagmamahal ko saiyo. Ikaw lang ang babae na gusto ko makasama habang buhay. Mahal na mahal kita. Pangako, hindi na ako lilingon pa sa iba. Ikaw lang sapat na. Tatanggapin mo ba ako bilang iyong boyfriend?” seryoso niyang sabi sabay tulo ng kanyang luha. “Hey! Bakit ka umiiyak?” sabay hampas sa kanya. Naluluha na rin ako sa ginagawa niya. “Tears of joy ‘to! Di kasi ako makapaniwala na makatagpo ako ng babaeng kasing bait, ganda at talino mo. Kaya sobrang grateful ako na nakilala kita. Salamat sa aso mo na si ‘browie’.” sabay pahid sa kanyang luha. “Sige na nga! I love you too! Sana ingatan mo ang aking puso. Ikaw ang first boyfriend ko kaya sana hindi mo ako sasaktan.” seryoso kong sabi sa kanya. “So, tayo na?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, tayo na! I love you too!” nakangiti kong sagot pero as a first timer parang nahihiya akong sabihin sa kanya ang katagang “I love you” hahaha. Three years later… Lumipas ang tatlong taon, hindi naman nagbabago si Raf, pinakita pa rin niya sa akin na mahal niya ako. At dahil graduation na namin next month meron akong surprise sa kanya. Ipakilala ko na siya sa aking parents at bigyan siya ng trabaho sa company namin. Hanggang isang araw tinawagan ko si Raf dahil hindi ito pumapasok sa school at hindi rin nagtext sa akin kaya nagtataka ako. “Raf… sagutin mo, saan ka na!” bulong ko habang tinatawagan siya. Ilang minuto ang lumipas sinagot niya. “Babe, bakit napatawag ka?” tanong niya pero parang lasing. “Saan ka? Bakit di ka pumasok sa school?” nag-alala kong tanong. “Absent ako today kasi dumating ang bestfriend ko! Sige bye!” nagmamadali niyang sagot parang meron siyang tinatago. Dito nagsimula ang hinala ko. Dito nagsimula ang away namin. Nang dumating ang bestfriend niya. Kinabukasan… “Hi, babe! Good morning!” masayang bati ko sa kanya na parang walang nangyari. “Morning too” matamlay niyang sagot. “Bakit? May problema ba?” tanong ko sabay pisil sa ilong niya. “Wala naman” sagot nito sabay kuha ng phone niya dahil merong tumatawag. “Wait lang, tumatawag bestfriend ko.” saad nito sabay alis. Habang tinitingnan ko siya bigla siyang sumigla habang kausap niya sa phone ang bestfriend niya. Biglang kumirot ang puso ko. Ganon ba kahalaga sa kanya ang bestfriend niya? First time ko tong nararamdaman. Ang sakit sobra. Dati ako yong priority niya pero ngayon iba na. Parang hindi na niya ako mahal at namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko. “Hey! Reighn, alis muna ako ha? Ihatid ko pa si Aya sa hospital!” paalam nito sa akin. “Sinong Aya?” malungkot kong tanong sa kanya. “Bestfriend ko nga!” naiinis nitong sagot. “Sama ako!” excited kong sabi. “Nope! Dito ka lang! Meron ka pang klase! Bye!” nagmamadali nitong sabi sabay halik sa pisngi ko. “Tawag ka maya ha?” sigaw ko sa kanya pero hindi na ito nakinig. “Kaya ko ‘to!” paalala ko sa aking sarili. Graduation Day! “Congrats, Babe! Sa wakas graduate na tayo!” masaya kong bati sa kanya. “Congrats too!” sagot niya habang nakatingin sa pintuan na parang may hinihintay. “Bakit hindi ka mapakali? May hinihintay ka ba?” tanong ko pero alam kong pupunta ngayon ang bestfriend niya. “Yes! Yung bestfriend ko!” masaya niyang sabi. “Okay!” tipid kong reply. “Huwag mong kalimutan mamayang dinner ha? Meron akong surprise sayo!” paalala ko sabay ngiti. “Sure!” aniya. Ilang minuto lang, merong sumigaw… “Hi, best! Congrats!” bati nito kay Rafael sabay halik sa pisngi. “Thank you, best! At pumunta ka sa mahalagang araw ng buhay ko.” emotional na sabi ni Rafael. “Di ba promise ko sayo noon, kapag naka-graduate ka nang college. Uuwi ako ng Pinas? Nakalimutan mo na?” malambing nitong sabi. “Of course not!” nakangiting sagot ni Raf. “Okay! Ahm, best bakit di mo ako ipakilala sa girlfriend mo?” sarkastikong sabi nito. “Owwz, by the way, Reighn, this is Aya, my bestfriend!” pakilala ni Raf. “Okay! Nice to meet you, Aya!” simple kong bati sa kanya. Alam kong masungit siya pero tinatago lang niya kay Raf. “Best, sabi ni Mommy punta ka raw sa Mansion namin mamaya. Meron akong surprise sayo!” masaya nitong sabi. Alam kong inaasar niya ako. “Sure!” tipid na sagot ni Rafael habang tumitingin sa akin. Dahil alam niyang ipakilala ko na siya ngayon sa parents ko. Hindi kasi alam ng parents ko na meron akong boyfriend kaya ito na ang perfect time na malaman ni Rafael kung sino ako. “Babe, what about our dinner mamaya with my parents?” tanong ko sa kanya. “Don’t worry, uuwi agad ako. Minsan lang kasi si Tita uuwi dito sa Pinas. Kaya sana maintindihan mo!” hiling niya sa akin. “Okay basta uwi ka kaagad!” sagot ko bilang very supportive gf. Dinner Time… “Reighn, sabi mo ipakilala mo sa amin ang bf mo! Saan na?” tanong ni Mom sa akin. “Wait lang Mom, tawagan ko!” sabay dial sa number ni Raf pero hindi ito sumagot. “Reighn kung mahal ka nang isang tao, hindi yan ma-late sa importanteng event na ganito!” paalala ni Dad sa akin. “Alam ko Dad, sorry.” malungkot kong sagot. “Don’t worry meron akong surprise sayo!” nakangiting sabi ni Dad. “Really? Ano na naman gimik mo Dad!” excited kong tanong sa kanya. “Close your eyes!” utos nito. Kaya pinikit ko ang aking mata. “Congrats!” bati ng isang lalaki. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. At nakita ko ang isang gwapong lalaki at parang familiar sa akin ang mukha niya. “Flowers for you!” sabi nito sabay abot ng bulaklak. “Do I know you? Sino siya Dad?” taray kong taong.. “Nakalimutan mo na ba ang bestfriend mo?” tanong ni Dad sa akin. “Of course not! Don’t tell me si Damien ka! Ang taba mo kaya noon!” sabi ko sabay taas ng kilay. “What if sasabihin ko sayo na ‘Ako to!’ Di ka pa rin maniniwala sa akin “My Reyna?” biro niya sa akin. “As in? Bakit ang gwapo mo na!” nakatawa kong tanong sa kanya. “Aray! Pangit pala ako noon, kaya hindi ako ang pinili! It hurts!” sabay hawak sa dibdib niya. “Baliw ka talaga!” sabi ko sabay hampas sa balikat niya. “By the way, meron ka na bang gf?” biro ko sa kanya. “Of course! Ikaw lang ba merong Rafael?” sabi nito sabay tawa ng mapakla. “Pasok! Princess!” saad nito. At merong lumabas na magandang babae. Ang ganda niya parang Angel kaya di ko maiwasang magselos. “Hi, Reighn! Ang ganda mo pala sa personal! Palagi kang kinukwento sa akin ni Dam!” mahihin nitong sabi. Kaya di ko siya pwedeng awayin kasi ang bait nya promise! “Really? Thank you so much!” sabay hug sa kanya. “At dahil hindi dumating ang boyfriend ni Reighna, Let’s eat na!” sabi ni Mom. Masaya kaming kumakain at nagbibiruan. Nakalimutan ko sandali si Rafael. Bago umalis sila Damien, nag-uusap muna kami. “Kumusta kana Reighn? Masaya ka ba sa piling ni Rafael? Hindi ka ba niya sinasaktan?” seryoso nitong tanong sa akin. “Masaya naman kami dati pero ngayon parang busy na si Raf sa kanyang bestfriend. Pero dahil mahal ko siya, kaya ko siyang intindihin kahit paulit-ulit akong nasasaktan.” malungkot kong sabi sa kanya. “Are you sure? Mahal mo ba Talaga siya? Bakit mahal mo siya?” tanong ni Damien na tumatatak sa isipan ko. Mahal ko ba Talaga si Rafael? “Bakit mo naman naitanong yan?” curious kong tanong sa kanya. “Dahil alam kong ako ang mahal mo!” seryoso nitong sabi. Hindi ko alam kong nagbibiro ba siya o hindi. “Hahaha! You’re so funny! Isusumbong kita kay Princess!” sabi ko sa kanya. “Uy! Nag-blush ang Reyna ko!” sabay pisil sa pisngi ko. “Shut up! Umalis ka na nga!” sabi ko sabay pout. “Don’t worry, aalis na ako bukas papuntang Paris. Kaya ako pumunta dito ngayon, to say goodbye!” malungkot nitong sabi. “Bakit ka pa nagpapakita sa akin kung aalis ka rin lang naman!” malungkot kong sabi. Noong bata pa kami, 10 years old ako that time, umalis sila papuntang Paris. Doon na siya nag-aaral kaya di ko siya nakilala agad. And that was my first heartbreak because he was my first love. I know puppy love lang yon kasi mga bata pa kami pero para sa akin siya ang first love ko. First love na di naging kami, hahaha. So funny! “Nagbakasyon lang ako and I’m not sure if babalik pa ba ako. Dahil wala na kasi akong reason para umuwi pa dito sa Pinas.” saad nito habang nakatingin sa malayo. “Ang Drama naman ng ‘King ko’! Hahahha” sabi ko habang tumatawa pero deep inside nasasaktan ako. Mamimiss ko siya. “Sige Reighn, alis na kami.” sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Mag-ingat ka dito, if sasaktan ka ni Rafael, tawagan mo ako!” paalala niya sa akin sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Paalam, My Reyna! 'Til next time!” sabi nito sabay alis. At tsaka nahulog ang namumuo kong luha. Mahal ko ba talaga si Raf o naaawa lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD