PROLOGUE
Tahimik ang gabi, sa tapat ng salamin muling nakatitig si Reighna sa sariling mata- namamaga, mapula at pagod.
Sa araw na ito, ibigay na niya kay Rafael, ang matagal na nitong hinihintay ang kanyang virginity.
Dahil 4th Anniversary nila, sinuot niya ang mamahaling damit na matagal ng nakatago sa aparador- hindi para magpahanga, kundi para ipaalala sa sarili kung sino talaga siya.
Nagpabook siya ng top makeup artist, dahil gusto niyang magmukhang maganda, at matabunan ang mga bakas ng luha.
Nakaready na ang lahat para sa surprise niya kay Rafael ngunit hindi ito dumating. Tinawagan niya, hindi sumasagot. Kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa bahay nito.
Pagpasok niya sa bahay, ang tahimik parang walang tao.Tinawag niya ito, hindi sumasagot kaya dumiretso nalang siya sa kwarto. Dahan-dahan siyang naglakad, habang papalapit na siya sa pinto, meron siyang narinig na kakaibang tinig ng babae at lalaki. Kinabahan siya, hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Humugot muna siya ng lakas ng loob bago buksan ang pintuan.
Nang buksan na niya ito hindi siya makapaniwala sa nakita.
Kaya napabulong nalang siya...
“Sabi mo, girl bestfriend mo siya! Pero bakit Raf?” umiiyak niyang bulong habang nakatakip sa bibig niya.
Tumakbo siya palabas ng bahay kahit malakas ang ulan.
Umiiyak siya habang naglalakad sa daan kahit basang-basa na siya sa ulan.
“Apat na taon ang sinayang ko…” sigaw niya.
“Ang tanga-tanga ko!” humahagulgol niyang sabi.
“Ayaw ko nang magmahal ulit!” pangako niya sa sarili sabay pahid sa kanyang luha na sumasabay sa patak ng ulan.
Ngayon, habang tumutulo ang huling luha, napangiti siya ng mapait…
“Cried once… never again.”
At dahil sa pagod at puyat, biglang dumilim ang paningin niya at nawalan ng malay.
Pag-gising niya, bumungad sa kanya ang gwapong lalaki na nakatitig sa kanya.
“Ikaw?” kinabahang sambit niya.
Sa kabilang dako, kaya pa bang magmahal muli si Reighna? Kaya pa ba niyang buksan ang puso para sa panibagong pagkakataon?