SHELEVY POV
Nagising sya sa isang black and white theme color, nakita nya ang isang malaking larawan ng magka sintahan. Sobrang saya ng lalaki dun habang nakatingin sa babaeng nagpapa habol sa kanya.
Ikakasal na sana si Theo at ang ate nya pero nalaman ng ate nya sa huling buwan nila na hndi nya pala mahal si Theo, tapos nalaman nyang may gusto ako kay Theo kaya sa huling araw bago ang kasal nila may pinapirmahan sya saken na tungkol daw sa ibibigay nyang properties saken regalong hndi ko daw malilimutan. Pagkatpos ng ceremony ng kasal nila, nakita ko may iba sa ate ko, sa pisngi lang sya nag pahalik. At habang nasa reception at nagkakasiyahan sila, nagpaalam syang masama ang pkiramdam kaya si Theo at ako lang ang humarap sa mga bisita. Akala nila ako un bride kaya panay ang papuri na natanggap ko. Wala kaming kaalam alam na sa papel kami pala talaga ang kinasal. Nalaman na lang namin nung hapon at d namin mkita si ate. Sobrang sakit nun kay Theo. Kaya tinanggap ko lahat ng kondisyon nya. Hindi ko inasahan bababuyin nya ako. Lahat ng hirap dinanas ko tuwing uuwe sya, minsan syang naging mabait pero hndi na naulit nung kinuwestyon ko ang wallpaper nya sa picture na bata. Hindi ako marunong mag patalo kaya minsan nagkakasakitan na kami physically. Lahat ng sinabi ng ate ko nangyre hndi ko sinadya ang lahat pero ako ung nagdudusa.
Habang nakatingin ako sa larawan naramdaman ko ang pag pasok ni Yana. Ang babaeng pinag selosan ko ng matagal na panahon. Pero nung umuwe sya dito kasama ang anak nila ni Theo, nakita ko sobrang ganda nya, nagpanggap ako katulong. Pero mas mabait pala sya saken. Dun ko nalaman na kaibigan lang sya ng magkapatid na Theo at Thea.
" Gising ka na pala Vy, pasensya ka na sa nagawa ni Theo sayo. Kung pinaniwala ka nyang anak nya si Kelly. Nakausap na namin ni Thea ang asawa mo, wag ka ng mabigla dahil ang daddy ni Kelly ang nagsabi sken na may asawa sya. Hindi ko din alam kaya Sorry kung nasaktan din kita ng di ko alam" pag hingi nya ng tawad saken na hindi naman dapat.
" Si Theo ang may kasalanan saken, kaya d mo na dapat pa gawin yan. Gusto ko lang sa ngayon makalaya na sa kamay ni Theo. Napapagod na ako, gusto ko ng mawala sa mundo pero hndi ko naman kaya magkasala sa Diyos. Pinabayaan ako ng kapatid ko sa stwasyon na binigay nya saken, at akala ng magulang ko at ni Theo gusto ko to pero hndi talaga. Y-Yana, wala akong alam sa plano ni ate, hndi ko to gusto, pagod na ako" sabi ko habang umiiyak.
Lingid sa kaalaman nila nakikinig si Theo sa nakaawang na pinto.
" Minahal ko talaga si Theo simula ng magkita kami, simula ng tinulungan nya ako magdala ng gamit ko papasok sa skul. Pero nalaman ko pag uwe ni ate nagkagustuhan sila. Hinayaan ko lang sila Yana" niyakap ako ni Yana
" Hindi ko alam na ganito ang gagawin ni ate, Yana tulungan mo ako. Ayaw ko na dito, mababaliw ako dito kung sakaling mag tagal pa ako, Please tulungan mo ako makatakas kay Theo" pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak na kami pareho.
Yana POV
Matapos ko patulugin at kausapin si Shelevy, Bumaba na ako sa salas kung san nag hihintay si Thea. Ganun din si Kiel
" Masaya ka ba Theo? Alam kong nakinig ka sa usapan namin. Nakita mo ba ang ginawa mo sa kanya. Kalimutan mo na ang pagkakaibgan naten, patawarin mo ako dahil sa ayaw at sa gusto mo kukunin ko si Shelevy sayo dahil wala kang pinag kaiba sa taong nag bigay saken ng frustration." Panunumbat ko kay Theo.
Wala syang imik na umalis na ng bahay sakay ng kotse nya. Dahil sa gabi na din, napagkasunduan namin ni Thea na ialis si Shelevy sa puder ni Theo. Nag iwan sya ng sulat at lahat ng alaala niya sa lalaking minahal nya kasama ang singsing na binigay ng kapatid nya ay iniwan niya sa office table niya sa masyon ni Theo. Umuwe kami sa mansyon ni Thea, dun nakita ko un liwanag ng mukha nya. At alam ko aalalayan sya ni Thea. Nakita ko mahilig din sya sa bata. Sinabi ko na ipa check up sya dahil napansin ko dalwang umaga syang nag duduwal at kung anu anung kinakain. Dun namin nalaman na buntis nga sya. Binigyan sya ni Thea ng pamimilian sa magiging desisyon kaya iginalang na lang namin yun.
Sa ngayon pauwe na kami ni Kiel, namiss ko bigla si Kelly siguro eto na yun panahon para kausapin ko si Kiel. Pinagmasdan ko sya, sobrang laki ng pinag bago ng hitsura nya, mas lalosyang gumwapo. Habang bukas ang bintana ng kotse, at pinapawid ng hangin ang buhok nya. Napapangiti sya. Simula ng makita ko sya ngayon ko lang ulit nakita un ganung ngiti na nagpaaliwalas sa mukha nya.
"Mahal na mahal pa rin pala nya si Kiel. Nakakatawa lang na hiniling ni Kiel na sya na lang samantalang sya lang naman talaga ang minahal nya" bulong ng isip nya .
" Bakit nangingiti ka?" Tanong ni Kiel sa kanya.
" Hmmmn ikaw nga dyan e! Saka naalala ko lang un mga sinabi ni Thea sken. Wg k mag assume n ikaw ang iniisip ko!" Pangangatwiran nya dito.
" Wala ako sinabing ganyan!. Ikaw nag sabi nyan " sabi nya na may kasamang tawa.
" Whatever!! " Pag susungit nya dito pero my kasama ngiti
" Balik tayo resort Kiel, bago tayo bumalik ng Manila. Diba may gusto kang malaman" ngiting sabi nya dito pero nakaharap sya sa labas ng bintana. At pinikit ang mata kaya di nya nakita kung gaano ka liwanag ang mata ni Kiel dahil sa sinabi nya.