YANA POV
. At the resort..
Nagising si Yana na nakapang tulog na, Napahawak sya sa katawan nya. At napaisip s nangyre naalala lang nya na kumakain sila ni Kiel habang tahimik sila. Bigla na lang sya nakaramdam ng hilo at dun ay unti unti ng dumilim ang paligid. Naisip nya kagagawan to ni Kiel. Naisip din nya si shelevy. Siguradong hinahanap na sya nito. Kaagad syang bumangon at hinanap ang gamit nya. Pero hindi nya makita ang gamit nya tinangka nyang buksan ang pinto pero naka lock to sa labas. Wala syang magawa kundi ang maupo at maghintay sa taong may kagagawan nito. Nakaramdam din sya ng takot.
Bumukas ang pinto at nakaramdam sya ng galit dahil si Kiel na may ngiti sa labi ang nakita nya. May dala dala eto pagkain na hinanda nya para saken.
" My Princess you're awake" pag bati sa kanya ni Kiel na parang wala lang ngyre.
Sinalubong nya to ng blankong mukha. " Ano to? Bakit andito tayo, bakit mo ako ni lock dito? Anong ibig sabihin nito? Hindi mo ba alam na may importanteng tao na nag aalala saken? " Sunod sunod nyang tanong pero mahinahon.
"Wala ka naman uuwian dahil wala si Theo dito sa Pinas, alam ko yun. Masaya ka ba sa kanya, masaya bang maging karelasyon ang taong kasal na, bakit ganyan ang ginawa mo sa buhay mo. Alam mo kung gaano ka bawal ang pkikipag relasyon sa taong kasal na." May pag tataas na boses na sabi ni Kiel kay Yana.
" Anong ibig mong sabihin?" Naalala nya si Shelevy. Siguro sya ang tinutukoy ni Kiel na asawa ni Theo. Naalala nyang may bakas ng mga pasa at sugat si Shelevy at minsan ay nahuli nyang mag kausap ang dalawa ni Theo.
.. Flashback..
"Please sir Theo, palayain nyo na lang ako" pagmamakaawa niya sa kaibigan. Kasunod ang pag patay ng kausap sa cellphone at umiyak n lang ng umiyak si Shelevy habang nakayakap sa unan.
End of Flashback
Mas lalo nyang gusto makaalis sa lugar na pinagdalhan ni Kiel sa kanya. Dahil siguradong uuwe ngayon si Theo dahil hndi sya nakauwe kagabi. Naisip nyang pinahihirapan nito si Shelevy kaya marami syang pasa.
Nagbalik ang ulirat nya dahil nakarinig sya ng nabasag na bote. Nakita nyang duguan ang kamay ni Kiel habang puro bubog ng baso. Bahid sa mukha ni Kiel ang galit niya pero kung ano man ang ikinagagalit nito wala syang panahon ngayon. Ang gusto niya ay makauwe para kay Shelevy.
" Nag mamaang maangan ka pa talaga, Yana hindi ikaw yan wag mong hayaan n masira ka ng tuluyan dahil sa pakikipag relasyon mo kay Theo. Im sorry kung dahil sa nagawa ko ng gabing yun nag simula kang lumayo saken. Hindi ko sinasadya ung nangyare. Umalis ako nung umaga para umamin kay Vince dahil sobra akong nagagalit sa sarili ko. Kung di ko sana hinayaan na makuha mo un inabot ni Tasha hndi sana tayo mawawala sa sarili, hndi ko din alam na may drugs ung drinks na un, sobra ko syang kinamuhian dahil s ginawa nyang pagiging desperada, nagawa ko sayo un bagay na ikinagalit mo. Patawarin mo na ako. Itigil mo na tong gngwa mo. Ako na lang un mahalin mo, tatanggapin kita, kahit may anak ka na kay Theo-_____"
Hindi na napigil ni Yana ang sarili, bigla na lang umigwas ang kamay nya at nasampal ito. Nasasaktan sya dahil iniisip nyang nakipag relasyon sa iba. Anong karapatan ng lalaking eto. Palibhasa ay napaka babaero kaya't akala niya siguro ay kung sino sino na lang din ang nagiging lalaki ko katulad ng mga babae niya. Nakaramdam ako ng galit pero mas nangibabaw saken ang mapuntahan si Shelevy.
" I-Ihatid mo n ako sa mansyon ni Theo, kelangan ako ni Shelevy. Siguradong uuwe sya dahil hndi nya ako natawagan kagabi. Baka kung anung gawin ni Theo. Baka may mangyaring masama sa asawa nya dahil sa tingin ko buntis si Shelevy, Ngayon na. Saka mo na ipag patuloy ang pag husga saken, Kelangan ko na talaga umuwe, Please" pakiusap nya sa dating kaibigan. Habang nangangatal ang boses dahil sa pag pigil nya ng kanyang luha.
Mabilis naman kinuha ni Kiel ang mga gamit nya, tinatawagan nya si Theo at Shelevy dahil nasa 400 miss call at 100 message ang natanggap nito mula sa dalwa pero mas lamang ang kay shelevy, na puro pag mamakaawa umuwe na sya. Mukhang tama ang hinala nya. Nasisiguro nyang sinasaktan ng kaibigan si Shelevy.
" How dare you Theo? Anung karapatan mo sa kanya. Ang bait mo smen ni Kelly at Thea at sa anak nitong si Katie pero sarili mong magiging anak at asawa, hndi mo inalagaan" nadinig ni Kiel na sinabi ni Yana sa sarili. Naguguluhan man din sya pero sinunod na lang nito ang sinabi ni Yana bilisan.
At dahil wala naman traffic,mabilis silang nakarating dahil nasa parteng Batangas din ang Bahay ni Theo na sinasabi ni Yana. May narinig sila nag aaway kaya madali silang pumasok.
" Please Theo pakawalan mo na ako. Hindi ko na din kaya to. Lahat ginawa ko na para sayo. Pero ganito pa rin un turing mo sken, isang basahan" umiiyak na pag mamakaawa ni Shelevy kay Theo.
"At sinong may sabi pwede kang lumaya. Ginusto mo lahat ng nangyare na ito kaya pwede ba wag ka magpanggap na nahihirapan ka." galit na sigaw ni Theo.
Hindi ko akalain na ganito kalupet si Theo. Dahil puro pagtawa, pag lalambing at pagbibigay ng kabaitan lang ang ipinakita niya saken.
Bago pa man dumapong muli ang mga kamay ni Theo kay Shelevy ay tinawag ko na siya sa pangalan niya na nagpalingon kay Shelevy. Malaki ang mga naging sugat niya. Akala ko ay magiging okay lang ang lahat pero mukhang nahuli na ako. Nasaktan ng mabuti si Shelevy ng dahil lang sa akin. Nakita kong napahawak siya sa kanyang tiyan at bakas ang sakit na nararamdaman sa kanyang mukha.
Mabilis ko siyang inalalayan dahil mukhang matutumba na siya pero huli na na ang lahat. Mabilis din ang pangyayari sa pagbagsak niya sa sahig.