Ellie's point of view continues Dumating si Mayor at agad ko siyang itinulak ng biglang yakapin niya ako. Mabuti at nasa loob pa si Dark na itinatali ang kanyang manok. "Ellie, para namang hindi tayo magka klase noon at muntik na kitang naging lola." Sabi niya na nakangisi. "Hindi naman tayo close." Masungit sa sagot ko, lumabas na si Dark at agad akong humawak sa kanyang braso. "Sino siya?" Agad na tanong niya. "Ako ang gwapong boyfriend niya bakit?" Agad na sagot ni Dark. "Gwapo ka nga maitim ka naman, magsasaka din siguro ang ikinabubuhay mo ano?" "Ah, Mayor isa po siyang Sandoval." Sabat ni Inay. "Ikaw Sandoval? Baka kaapilyedo mo lang ang Heneral, g*go din ang General na iyon dahil hinayaan niyang bugbugin ang Lolo ko ng mga anak niya. Ellie naman alam kong tumira ka sa mga

