Ellie's point of view continues May mga tinawagan si Dark na tutulong sa mga magulang ako, halos araw-araw ay lagi kami nasa bayan. May malaking lote na nabili ang mga magulang ko. "Ellie, anak ikaw na ang pumirma nito." Sabi ni Inay at napasalubong ang aking kilay. "Bakit ako ang pipirma Nay?" Agad na tanong ko dahil ang lote at ang ipapatayo nilang grocery ay nakapangalan sa akin. "Syempre ikaw lang naman ang anak namin, mas maganda na deretso na ang mamanahin mo kaysa ang dami mo pang ilalakad pag namatay kami ng Itay mo." Sagot ni Inay, masungit man ang pagkasabi pero masaya ako hindi dahil sa mamanahin ko kundi naramdaman ko na importante din pala ako sa aking Ina. May pinapirmahan pa silang franchise na isang gasolinahan at 7 million ang bayad nito. Aabutin daw ng 10 million

