Hunter's point of view Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa aking tabi. Napamura ako dahil wala si Ellie. Agad akong bumangon at tinignan siya sa banyo, wala siya kaya agad kong kinuha ang aking laptop. Hinanap ko siya at nakita ko na dala niya ang basket na inihanda ko para sa amin. Ang plano ay pagsaluhan naming dalawa hindi yung kakainin niyang mag-isa. Napahinga nalang ako ng malalim ng makita kong pababa na siya at isang bottle na tubig na lang ang natira at kalahati nalang ito. Matakaw din pala siyang kumain. Pagpasok niya ay mukhang pagod na siya kaya ang inis ko ay napalitan ng awa. Namumula ang kanyang mga mata nahalatang napagod sa panunuod. Nawala tuloy ang aking inis at napalitan ng awa. Sa pagod niya siguro ay hindi na siya masyadong nakipag argumento sa akin. Napang

