Hunter's point of view continues Bumangon na ako at mabilis naligo, habang naliligo ako ay medyo kinusot ko na rin ang aking boxer para hindi nakakahiya sa mga taga laba ng aking damit. May mga asawa pa man din sila kaya sigurado ako na alam nila kung bakit lukot at may tumigas ito. Pagkatapos kong naligo ay nag-ahit na muna. Kapag linggo ay may may kanya-kanya kaming lakad na magkakapatid. Ito ang aming free day na kahit ano ay pwede namin gawin. Sinigurado ko na maging gwapo ako sa paningin ni Ellie. Nagdamit lang ako ng pambahay at kinuha ang aking laptop. Paglabas ko sa aking kwarto ay sobrang tahimik ng second sigurado ako na mahimbing ang tulog ng aking mga kapatid. Pagbaba ko ay tahimik din sa kusina. Kumuha ako ng basket at nilagyan ko ng kung ano-anong pagkain. Naglagay na ri

