Hunter's point of view Sumakit na ang aking ulo kakaisip kung sino ang lanie na tinutukoy ng aking mga kapatid. Lumipas ang mga araw at buwan ay kung ano-anong pangalan na ang sinasabi nila lalo na kung malapit sa amin si Ellie. "Pinagseselos ba ninyo si Ellie?" Seryosong tanong ko sa tatlo at nagkatinginan sila. "Oo pero parang hindi ata apektado si Ellie." Sagot ni Light at napahinga ako ng malalim. "Hindi ba sinabi ko sa inyo na wala siyang gusto sa akin?" Malungkot na sagot ko. "Eh bakit noong nagkasakit ka? Nagt*like ata kayo." Sabat ulit ni Light at nagsalubong ang aking kilay. "Nagtal*k, paano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko. "Ganito kasi yun bro, dumating si Ellie na mahimbing ang tulog mo. Sinabi ko sa kanya na siya muna ang papalit sa pwesto ko dahil pawisan na ako. Pa

