Ellie's point of view Kahit mukha akong basahan sa suot ko ay parang tumatak na sa kanila ang itsura ko noong sumali ako na maging miss campus. Hindi na sana ako sumali dahil mas lumaki ang utang na loob at utang na pera sa mga Sandoval tapos magulo na ang pag-aaral ko dahil kahit on going ang pagtuturo ng Prof. namin ay may nagpapadala ng bulaklak. Nahihiya na ako sa Prof namin lalo na nang isinarado na niya ang pintuan na kahit may kumatok ay hindi niya pinagbubuksan. Ang nasa isip ko lang naman kasi noon ay ang premyo na pera. Napatingin ako kay Hunter na parang balewala lang ang nangyari sa amin sa kwarto niya. Hindi niya ako pinapansin mula kaninang umaga at kahit ang daming umaligid sa akin na mga lalaki sa school. Parang siya na tuloy ang may amnesia. Napasimangot akong puma

