Hunter's point of view Habang kumakain kami ay dumating si Ellie, siniko ako ni Light at napahinga nalang ako ng malalim. Mabilis siyang kumuha ng kanyang pagkain at bumalik din siya sa kanyang kwarto. Parang hindi ko malunok ang aking kinakain kaya hindi ko na inubos pa at bumalik na sa aking kwarto. Nakahiga ako na nag-iisip, parang hindi ko ata kaya na hindi lumapit kay Ellie. Napamura ako at nagpalit ng damit pampaligo. Sabado ngayon at umaambon kaya hindi kami pumunta sa shooting center. Sa exit na ako dumaan at nang makarating ako sa pool ay saktong umulan ng malakas. Parang naiiyak ako at hindi ko na napigilan. Alam kong naging possessive ako kay Ellie pero anong magagawa ko kung hindi ko kayang may ibang tao na makakita kahit tuhod lang niya. Muntik ko pa ngang suntukin si Hear

