Hunter's point of view continues Nakatulog na ako sa sofa at pakiramdam ko ay nasa loob ako ng refrigerator. "Kuya Hunter, ang init mo." Dinig ko na boses ni Laurel. Dumapa lang ako para maibsan ang panlalamig na nararamdaman ko. "Kuya Thunder! si Kuya Hunter inaapoy ng lagnat!" Sigaw ni Mira. Hindi ko na alam ang nangyari pa dahil kahit naririnig ko sila ay parang wala akong lakas n tumayo o imulat man lang ang aking mga mata. Naramdaman ko na kinumutan nila ako ng makapal na kumot at dinig ko na tinawagan nila si Mommy. Bakit ganito ang nararamdaman ko parang mahina ang aking mga buto at kahit sobrang kapal ng kumot ko at nilalamig parin ako. Ramdam ko pa na parang may nakayakap sa akin ng mahigpit. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at ang g*gong si Light. "F*ck you get off

