Ellie's point of view Pag-alis ni Tiya sa kwarto ko ay napaisip ako sa ibinigay ni General sa kay Mayor. Sa laki ng halaga na iyon, kahit na magtrabaho ako ng habang-buhay sa kanilang bahay ay hindi ko mababayaran ang pera na iyon. Tumunog ang aking telepono at si Nick ang nagpadala ng mensahe. Ibinigay ang telepone number ko sa kanya para lagi kong makukumusta si Itay. Nick: Ellie, nagsisisi ako kung bakit hindi kita naipagtanggol kay Inay. Natakot lang kasi ako dahil bata pa tayo at hindi ko alam kung kaya kitang buhayin kung nagtanan tayo. Me: Okay lang yun naintindihan ko. Nick: Tayo parin ba? Tanong niya at hindi ko alam ang aking isasagot. Me: Hindi ko alam. Nick: Hindi naman tayo nag break hindi ba? Me: Pero may tampo ako saiyo. Pag-aamin ko dahil talagang hindi na siya tu

