Ellie's point of view Inis na inis akong bumaba sa sasakyan, pati ba naman unang halik ko ay nakuha ng tukmol na iyon. Pagdating ko sa room namin ay nakatingin sila sa akin. "Oh my God, bakit ganyan ang suot niya?" Maarteng sambit ni Cindy. Hindi ko siya pinansin at umupo na ako sa tabi nina Heart at Kael. "Ellie, okay ka lang?" Tanong ni Heart. "Oo okay lang ako." Sagot ko at may dumating nga mga organizers daw ng school. "Sino ang gustong sumali sa a counting department for miss campus?" Sabi niya na nasa harapan. Hindi na ako nagdalawang isip pa na itaas ang aking kamay. Kung mananalo ako ay aalis nalang ako sa mansion. Gagamitin ko nalang yung limang Milyon sa pag-aaral ko ng public at bibili ako kahit maliit na bahay lang hindi na talaga ako makatagal kay Hunter. Nagtawanan

