Hunter's point of view Handa na kaming pumunta sa training ground, nang lumabas na ako sa elevator ay napatingin ako sa daan patungo sa kwarto ni Ellie. Humakbang na ako par silipin sana siya ng tinawag ako ni Mommy. "Hunter, come here son may sasabihin ako saiyo." "Coming!" Sagot ko at pagkatapos ay napahinga ng malalim. "Anak, paki buhat nga ito sasakyan." Utos niya at napakamot ako dahil nasa sofa lang ang tatlo kong mga kambal. Magreklamo sana ako pero binuhat nalang ang bag na malaki. Papasok na sana ako sa bahay ng lumabas na sila kaya hindi ko na nasilip pa si Ellie. Nakita ko ang mga sumama na kasambahay. Wala si Ellie, bakit kaya hindi sumama ang babae na iyon. Walang ganang pumasok ako sa sasakyan at inilagay na ang aking headset. Baka mas pinili niyang matulog kaysa sumama

