Chapter 5

1838 Words
Ellie's point of view Sa dami ng inorder ni Ma'am Summer ay sa susunod na buwan pa nila ito ideliver ang mga iba. May mga damit kasi na kailangan ayusin ayon sa taste ni Ma'am. Pumunta ako sa kusina at tumulong sana pero hindi ako pinatulong lalo na at hindi ko din naman alam kung saan kukunin at ibabalik ang mga gamit pang kusina. Buwan daw muna ang papalipasin ko para makabisado ang kusina. Kaya ang naitulong ko na lang ay mag balat ng mga sibuyas at nag himay ng mga gulay. Napatingin ako sa mga kamay ng mga kasamnahay ng mag merienda na kami. Parang ang kamay ko pa ata mukhang katulong dahil wala man lang kulubot ang kanilang mga kamay. "Tiya bakit ang gaganda ng kamay ninyo?" Nagtatakang tanong ko. "Alaga kami ng mga pampaganda ni Ma'am. Kada buwan ay may para sa amin din. Bibigyan na muna kita dahil sa susunod pa dumating ang mga ito. Hindi bale at marami naman." Sagot ni Tiya. Katatapos lang namin mag merienda at kakain na naman ng pananghalian. Ang mga iba ay naglagay nalang sa mga tupperwear at dinala sa kanilang mga kwarto sa likod ng bahay. Hindi na muna ako kumain, mamaya nalang siguro dahil busog na busog pa ako. Kumain na ang pamilyang Sandoval at napansin ko na isa sa kanila ay may malaking pasa sa mukha. "Tiya bakit may pasa ang isang kambal?" Bulong ko kay Tiya ng nasa likuran kami ng bahay para lang magpahangin. "Si Hunter ba? ay naku ang mga bata na iyan kung mag rambulan sila. Hindi na bago sa kanila kung may magkaroon ng pasa." "Paano mo alam na si Hunter yun Tiya?" Tanong ko pa dahil hirap talaga akong makilala silang apat. Pero yung dalawa na sina Thunder na hindi palangiti at si Dark na palangiti ay nakuha ko na. Sina Light at Hunter nalang ang nagpagpapalit ko. "Ay naku, kahit din ako ay napagpapalit ko parin ang dalawa. Kung hal. isa sa mga kambal ang kinausap mo. Kung hindi binanggit ng kausap mo si Light ay sigurado na si Hunter ang kausap mo. Ganun din ni Light. Mabuti pa nga noong mga bata pa ang mga iyan may mga pangalan ang damit. Nang nagbinata na ay ayaw ng magsuot ng ganun. Kung ang gupit sana nila ay magkakaiba ay madali sana pero yan. Si Dark, maging piloto, si Thunder at Hunter mga pulis at yan si Light sa Navy kaya pare-pareho ang gupit ng buhok." Napahinga nalang ako ng malalim. Kung sino siguro ang manyak kung tumingin ay si Hunter na iyon. Tapos na ata silang kumain dahil may narinig ako na bell. May mga kasambahay nang pumasok para hugasan ang kanilang mga pinagkainan. "Ellie, bakit ka hindi sumalo sa Lunch?" Dinig namin na boses ni Ma'am Summer na dumungaw sa pintuan. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Ma'am, busog pa po kasi ako at nakakahiya naman po." "Mommy ang tawag mo sa akin anak, huwag kang mahiya. Mamayang dinner I am expecting na katabi kita." "Po." Sambit ko at hindi na ako nakatutol pa. Nagpa-alam na siya na aalis daw kaya bumalik na ako kay Tiya. Marami sana akong i kwento kay Tiya sa lugar namin pero naalala ko na may amnesia pala ako. "Tiya, malalaki na ang mga alaga mo. Paano yan?" Tanong ko nalang dahil nalaman ko na tatlong set na quadruples pala ang mga anak ng amo niya. Ang pinaka bunso na apat ay sina Mira, Laurel, Snow at Adam. "Kahit ano nalang ang naitutulong ko, nandiyan yung sasama ako kay Laurel o kaya kay Mira. Kung minsan kasamang manuod ng Sine at mag shopping. Nakakatuwa nga dahil bumabalik ako sa pagka teenager kung kasama ko sila. Ang babait ng mga alaga ko dahil hindi Yaya ang turing nila sa akin kahit nasa labas kami. Kaya eto kahit malalaki na sila ay hindi ako umaalis. Ang sabi ni Summer ay dalawa daw kaming mag-aalaga sa kanyang mga apo. Eh paano yan ang pangatlong set niya na Quad ay mag katorse palang. Dito na talaga ako tatanda." "Nasaan pala ang mga panganay na Anak Tiya?" "May kanya-kanya na silang pamilya, yung dalawang babae ay maagang nagsipag-asawa at may mga anak na pero si Sander ay sinundan si Lovely sa hindi ko alam na bansa. At si Tine ay naka distino sa liblib na lugar. Mag mamadre naman iyon. Masasalimoot ang buhay ng mga panganay na alaga ko. Parang susunod din itong mga apat na bulog." Matagal pa kaming nagkwentuhan ni Tiya tungkol sa pamilya Sandoval. Hanggang sa nagutom na rin kami at kumain ng sabay. Ilang saglit lang ay magluluto na naman sila para sa hapunan. Napailing nalang ako sa dami nilang niluluto. Kasali na kasi ang mga kasambahay, drivers, bodyguards at mga security guards nila. Ako na ang nagtapon ng basura dahil yun lang naman ang maitulong ko ng may lumapit sa akin na gwapong bodyguard ni General. "Hi, ako na. Mukhang mabigat yan." Bati niya na lumabas ang dalawa niyang dimples kaya pati ako ay napangiti. Ibinigay ko naman sa kanya ang black plastic bag na puno ng basura. Medyo padilim na pero kitang-kita ang maganda niyang katawan. Hinintay ko na muna siyang pumasok at nagpasalamat. "Ako nga pala si Simon, bodyguard ni General." Pagpapakilala niya na nakipagkamay pa. "Ellie naman ako." Nakangiting sagot ko. "Ang ganda mo Ellie." Agad na sambit niya na alam kong ikinapula ng aking mga pisngi. Nag-usap kami saglit at nalaman ko na isa pala siyang scout ranger at bago lang din siya kina General. Nagpa-alam na ako dahil kailangan ko pang maligo. Nakakahiya naman kay Ma'am Summer na tatabi ako sa kanya na amoy pawis. Sa likuran na ako dumaan at pagpasok ko sa loob ay hinarang ako ng isa sa mga kambal. "Inalok mo din ba ang sarili mo sa kanya?" Tanong niya na ikinabilis ng t*bok ng aking puso sa galit. Napansin ko ang kanyang pasa kaya alam kong si Hunter ito. Sa galit ko ay nasampal ko siya. "Bastos!" Inis na sambit ko. "Bakit ko naman iaalok ang sarili ko sa kanya? ano ako pokpok! virgin pa ako!" Sambit ko na kunwaring may amnesia pa. Kahit nasampal ko siya ay natawa lang siya at pumipito pa na mas ikinaiinis ko. Malaki talaga ang aking pagkakamali na ibinigay ko ang aking sarili sa kanya. Sana nagpasagasa nalang ako agad para hindi ko na siya nakilala pa. Sana ay hindi ganito kababa ang tingin niya sa akin. Naiiyak akong pumasok sa loob at yumuko nalang. Mabilis ang aking lakad na pumasok sa aking kwarto. Masakit parin hanggang ngayon ang aking kas*lan lalo na kung umihi ako. Napatingin ako sa orasan, ilang minuto lang ay kakain na sila kaya agad na akong naligo. Isang malaking t-shirt na pambahay ang aking suot at jogging pants. Ipinusod ko na ang basa kong buhok at lumabas na sa aking kwarto. Paglabas ko ay paparating si Ma'am na halatang pupuntahan ako sa aking kwarto. "Let's go anak, naku huwag mong itali ang buhok mong basa. Masisira ang buhok mo." Sabi niya na inalis ang aking malaking clip. Kaya bumagsak sa balikat ko ang mahaba kong buhok. "Naku, bagay na bagay saiyo ang wet look." Napangiti tuloy ako at medyo nahiya. Hinawakan niya ang aking kamay at pumunta na kami sa hapag kainan. Nginitian ako ng mga tatlong bunso na kambal na babae at si Adam ay kausap si General na biglang tumigil nang papalapit na kami. Napatingin ako sa apat na bulog at masama kong tinignan ang bwesit na Hunter na naka ngisi sa akin na parang sinasabi niya na natikman na niya ako. Huminga ako ng malalim at mag focus sa aking pangarap. Kailangan na makapagtapos na muna ako bago bumalik sa amin at sana ay patay na ang mayor sa amin pagbalik ko para mabuhay na ako ng tahimik. Matagal-tagal din ang aking pag papanggap na may amnesia sa bahay na ito. Hunter point of view Natawa nalang ako ng sinabi niya na Virgin pa siya. Hindi niya lang alam na sa laki ng naipasok sa kanya ay sirang-sira na ang kanyang hymen. Masama ang tingin niya sa akin pero nginisian ko lang siya. Hindi ko lang kasi na kontrol ang aking sarili kanina nang makita kong masaya siyang nakikipag-usap sa bagong bodyguard ni Daddy. Kaya kung ano na ang nasabi ko. Kumain nalang ako ng tahimik at panaka-naka ko siyang tinitignan na parang isa siyang anak ni Mommy. Asikasong-asikaso siya ni Mommy, boto talaga sila sa losyang na babae na ito. Pagkatapos naming kumain ay niyaya pa siya ni Mommy sa sala. Eto na ang routine namin pagkatapos naming kumain. Ang mag-usap kami kasama ang aking mga kapatid at aming magulang sa sala. After dinner lang talaga ang time ng bonding namin. Unang nagsalita si Emerald na nakayakap kay Dark. Kung mag-ayos sana si Ellie gaya ni Emerald ay baka papasa pa siya sa akin. Halos dito na rin tumira ang bata na ito na patay na patay kay Dark. Mabuti at ninong niya ang aming mga magulang at ninong din namin ang mga magulang niya kaya okay lang na dito siya matulog. Nang turn ko na ay ipinagmalaki ko na hinahabol ako ng isang seksi at magandang cheerleader at magkikita kami sa school. "Kuya, not all cheerleaders are beautiful." Sabat ni Mira na ang sarap niyang batukan. Pati na rin si Laurel ay sumang-ayon din. Tas nagtawanan ang aking tatlong mga kakambal. Sa inis ko ay ipinakita ko ang larawan ni Cindy na naka two piece. Kanina ay siya ang unang nagkumusta sa akin at cheerleader din siya ng LaSalle. Napatingin ako kay Ellie na tahimik lang at palihim akong napangiti dahil napakalayo niya kay Cindy. "So kayo na ba?" Tanong ni Mommy. "Mom, she can be mine if I wanted too. Babae ang lumalapit sa amin." Pagmamalaki ko pa. "G*go huwag kang mandamay." Sabat ni Light. Napailing nalang si Daddy at napatingin Emerald na parang nasaktan sa aking nasabi. Napamura nalang ako sa aking isipan dahil hindi ko naisip si Emerald. T*ngina lang paano kung atakihin sa sakit sa puso. Siniko ako ni Thunder kaya tumahimik na ako. Ang huling nagsalita ay si Daddy. "I just want to welcome Ellie bilang bagong membro ng ating pamilya. Tratuhin ninyo siya bilang kapatid." Seryosong sabi ni Daddy at isa-isang niyakap si Ellie maliban sa akin. Ayokong yumakap sa kanya. Mahirap na baka bumalik ang kanyang ala-ala ay maisip na kursunada ko siya kaya ko siya pinatulan. Kumaway nalang ako at siniko ako ulit ni Thunder. "Bakit ayaw mong lapitan?" Bulong niya. "No way." Sagot ko naman. "She smells so good." Mahinang sambit ni Light kaya na kuryus ako. Lalapit na sana ako pero hinila na siya ni Mommy pabalik sa kanyang kwarto. Lumapit sa akin si Daddy at binulungan niya ako. " Next time bunga-nga mo na ang wawasakin ko." Seryosong sabi niya at malakas akong binatukan. Nagtawanan ang aking tatlong kakambal kaya sa inis ko ay hinabol ko sila at susuntukin sana pero mabilis akong napagsarhan ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD