Chapter 6

1117 Words
Ellie's point of view Handa na ang aking mga gamit para sa unang araw ng pasukan bukas. Pinili ko pa din na isuot ang luma kong damit na isuot, sa susunod na araw pa daw dumating ang aking uniform. Papatayin ko na sana ang ilaw ng may kumatok. Napatingin ako sa aking suot, agad kong kinuha ang roba sa banyo dahil manipis lang ang aking damit. Nang maisuot ko na ang roba ay binuksan ko na ang aking pintuan. Nagdilim ang aking paningin dahil sigurado akong si Hunter ito. "Light ikaw ba yan?" Paniniguro ko. "Yes, I am Light. Sabi ni Mommy sasabay ka na daw sa amin bukas." Napangiti naman ako, mali pala ako. Hindi ang g*gong Hunter ang aking nasa harapan. "Sige salamat." Sabi ko at nag good night na siya. Pagkasarado ko ay ni locked ko na ang aking pinto at ibinalik ang aking roba sa banyo. Pinatay ko na ang mga ilaw at natulog na ako. Pagpikit ko ay naalala ko si Itay, tumawag daw siya kanina kay Tiya at tinatanong kung kasama niya ako. Napahinga ng malalim, alam kong hindi pabor si Itay sa kagustuhan ni Inay pero dahil mahal niya ito ay sumusunod nalang siya para hindi sila mag-away. Kinabukasan, maaga akong nagising at naligo na rin. May ibinigay sa akin si Ma'am Summer na hair blower kaya ginamit ko ito. Nang tuyo na ang aking buhok ay ipinusod ko na. Hindi na ako naglagay ng kung ano-ano sa aking mukha. Kinuha ko na ang aking bag at lumabas na sa aking kwarto. Habang naglalakad ako ay dinig ko na ang ingay sa kusina. Inilagay ko na muna ang aking bag sa sofa , pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina. Memoryado ko na ang aking mga schedules kaya alam kong hindi pa ako malate sa unang subject namin. Pagdating ko ay sinalubong ako agad ni Ma'am Summer at hinalikan sa pisngi. "Umupo ka anak." Utos niya at hiyang-hiya ako sa mga kasambahay na napatingin pa sa akin. Pero saglit lang at pinagpatuloy nila ag kanilang ginagawa. Ilang saglit ay nagsidatingan narin ang mga magkakapatid at huli na dumating si General kaya nagbigay ako ng galang sa kanya. Tumango lang siya at kumain na kami. Halata ko sa kanila na sobrang close ang isang kambal sa maputi nilang kapatid. Si Emerald naman ay laging katabi sa isa ding kambal. Tahimik lang akong kumain na medyo naiilang. Si Ma'am Summer naman ay lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko kaya hindi na ako natatapos. "Mom, busog na busog na po ako. Salamat po." Mahinang sambit ko at ngumiti siya. Pagkatapos naming kumain ay nagpa-alam na ako kay Tiya at sumama sa labas si Ma'am Summer. Napangiti ako dahil kahit nasa harapan sila ng kanilang mga anak ay lips to lips talaga ang halikan. Napansin ko si Simon na kumaway kaya nginitian ko lang siya. Nagpa-alam na kaming lahat kay Ma'am Summer at isa-isa na kaming sumakay sa malaki nilang sasakyan. Napa tampal ako sa aking noo dahil paano pala ang baon ko? Hanggang hapon kami sa paaralan, paano ako kakain? "Aaalis na ba tayo? Pwedeng baba na muna ako magbalot ng pananghalian?" Biglang sambit ko. "Ellie, our food is paid in the canteen." Sagot ng isang kambal. "Ah , ganun ba." Sabi ko may kasamang hiya. Napatingin ako sa aking katabi na umiling. Sigurado ako na si Hunter ako kaya mas lumapit ako sa bintana. Inilagay ko pa ang aming bag sa pagitan namin dahil asar na asar talaga ako sa kanya. Napatingin siya sa bag na inilagay ko sa aming pagitan. "Seriously?" Tanong niya at nginitian ko siya para hindi niya mahalata na inis na inis ako sa kanya. "May space naman. Okay lang ba Light?" Panghuhuli ko. "Light is here!" Sabat ni Light na nasa dulo pala. "Light, palit tayo ng upuan. Mukhang ayaw akong katabi nito." Inis na sambit ng kaupo. "Hindi naman ganun Thunder. Pwede ko naman na alisin ang bag ko." "Ate Ellie, katabi ko po si KuyaThunder." Sabat ng maputing bunso nila kaya sure ball na nang si Hunter ang aking katabi. Inalis ko nalang ang aking bag sa pagitan namin at humingi ng despensa. Pero sa utak ko ay ang sarap ihambalos ang aking bag sa pagmumukha niya. Naramdaman ko ang pagdikit ng aming mga braso, hinayaan ko lang ito hanggang pati hita namin ay magkadikit na. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at patay malisya nalang ako. Hanggang sa huminto na ang sasakyan at pagmulat ko ay nasa parking area na kami ng school. Naunang bumaba ang mga nasa harapan at sumunod na kami. Paglabas ko ay napamangha ako sa ganda ng paaralan. Parang nahihiya tuloy ako sa aking suot. "Ate Ellie, sa high school department kami." Sabi ni Mira na humawak sa aking kamay. "Yung mga signs Ate, sundin mo nalang kasi ibang department din sina Kuya. Sa lunch na lang ulit tayo magkita." "Salamat Laurel." Sabi ko at nauna na akong lumakad. Sinundan ko ang sign ng accounting depart at mas napa hanga ako sa ganda at lawak ng paaralan. May mga studyante na nakatingin sa akin. Yumuko lang ako at hinanap ang aking room. May mga map naman na nakalagay sa bawat likuan. Pindutin lang ang screen at makikita na ang aking lokasyon at ang lokasyon ng aking hinahanap na room. Napangiti ako ng makita ko na ang room 113. Pumasok na ako agad at mukhang dati na silang magkakakilala. "Another, poor scholar is added." Dinig ko na sambit ng isang magandang babae na ang seksi ng damit. Nagtawanan ang mga kasama niya. Hindi ko nalang pinansin at umupo na ako mismo sa harapan. Mahirap na baka pagtripan pa ako sa likuran. "Hi, I am Kael. Hayaan mo na sila, lalo na kung dumating pa si Cindy. " Sabi ng katabi ko na mukhang mayaman. "Okay lang, I am Ellie." Sagot ko at nakipagkamay siya sa akin. Hindi naman uso ang makipagkamay sa amin. Tanguan lang ay okay na. May dumating na babae at napatingin kaming lahat dahil halos kita na ang kuyukot nito. Nagtilian ang sila at nagbatian. Mukhang magkakakilala nga sila. "Girls, you know what! my date ako sa canteen mamaya ang guess who? sabi niya at parang kilala ko ang kanyang mukha. Hanggang sa naisip ko ang ipinakita ni Hunter na larawan noon. Hindi nga ako nagkamali, siya nga ito. "The who?" Sabay-sabay na tanong nga mg kasama niya. "Si Hunter Sandoval!" Malakas na bulaslas niya na parang gustong iparinig sa lahat. "What! how come? hindi pumapansin yun kahit sino?" Tanong ng babaeng nag welcome sa akin kanina. "Maybe, I caught his attention!" Maarteng sagot niya. Napahinga nalang ako ng malalim, bagay silang dalawa mukhang tukmol!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD