Chapter 8

2033 Words
Ellie's point of view Madali na nahanap ko ang canteen, napangiti ako ng kinawayan ako ni Mira. "Ate dito!" Tawag niya sa akin at medyo nahihiya ako dahil ang ganda na bata ang tumatawag sa akin. Bagay sa kanya ang kanyang naka tirintas na buhok. Simple lang ang kanyang damit pero litaw na litaw ang ganda. Napatingin ako kina Laurel, Emerald at Snow na ngumiti din sa akin. May kambal daw si Emerald pero sa ibang school siya nag-aaral. Parang ang swerte ko na makakaupo sa kanila dahil halata naman dito sa canteen na sila ang tinitignan lalo na ang kanyang mga kuya ma magkakamukha. Isa sa kanila ang kulang at hindi ko alam kung sino. Pero sa mga galaw nila ay mamimili nalang ako, si Tukmol o si Light ang wala. Si Emerald kasi ay naka yakap sa braso ng isang kambal at sigurado na si Dark ito. Si Snow naman ay malambing sa kanyang kuya, kaya si Thunder na ito dahil halos salubong ang kilay. Napatingin ako sa isang kambal, pangiti-ngiti lang siya na nakatangin sa kanyang cellphone. "Light, go get your food. Kanina ka pa diyan sa cellphone mo." Masungit na pagkasabi ni Thunder. "Wait, pinapanuod ko lang ang baby ko. First day of school niya din. She is so cute." Sagot niya na namumula pa ang kanyang mukha na parang kinikilig. "G*go, literal na baby naman niyan." Sabat naman ni Dark. Sumilip ako ng bahagya sa kanyang cell phone at may bata nga siyang pinapanuod na may kausap na lalaki. Ama niya siguro ito dahil kamukha niya. Ewan ko ba, sa mga galaw ng mga ito ay na weweirduhan ako, si Thunder kung makayakap kay Snow parang may malisya ang tingin ko. Si Dark, ayaw yung lagi niyang niyayakap pero kapag hindi siya niyayakap ay nagpapayakap naman siya kay Emerald. Napatingin ako sa lalaking papasok at sigurado na si Hunter ito. Nilapitan niya ang grupo nina Cindy at patay malisya lang ako ng umalis sila. Ganun pala ang tipo ng tukmol na iyon, kamukha din niya. Maputi lang naman ang babae at maiksi ang damit pero ang dugyot tignan. Tama ang mga bunsong kapatid niya. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi-dumi ko dahil sigurado ako na iba-ibang babae na ang pinasukan ng tt niyang maitim gaya niya. Sa galit ko ay pinanggigilan kong kainin pati buto ng manok. Nginat-ngat ko talaga ito hanggang sa magkadurog-durog. Nang ilabas ko ay pino na at napatingin sa akin si Emerald. 'Wow, ang galing mo naman Ate Ellie. I want to try." Sabi niya na kinagat din ang buto ng manok pero napangiwi siya. "It's hard." Sambit niya na hindi na itinuloy. Napangiti tuloy ako dahil kahit ang yayaman ng mga kasama ko ay magaling silang makisama maliban kay tukmol. Halos trenta minuto din silang nawala at naunang bumalik ang lalaking dugyot. Patay lisya nalang ako sa mga naririnig ko at tinapos ko na ang kumain. Bumalik na rin si Cindy na hindi man lang niya inalalayan dahil nahihirapan itong maglakad. Ako nga na parang kinse minuto lang ay halos manginig ang aking mga hita sa sakit sila pa kaya na double time. Mas lalo nang nadagdagan ang aking inis dahil mahilig pala siya talaga sa babae dahil narinig ko na naka blocked na si Cindy pagkatapos niyang matikaman. Mabuti nalang pala dahil akala niya ay may amnesia ako, sigurado ako na mas mamaliitin lang ako nito na isa ako sa mga natikman niya. Napag-usapan namin ang tungkol sa miss campus. Gusto kong sumali dahil dati naman akong sumasali sa amin at nanalo ako. Kailangan ko ang limang milyon dahil kahit hindi ako makatapos sa pag-aaral ay may maiuuwi akong pera na ibibigay sa Nanay ko para hindi na niya ako pilitin pa na maikasal sa matandang mayor na iyon. Wala na akong balita pa dahil kinuha na nila ang aking telepono. Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong bumalik sa aking room dahil ako ang may pinakalayo. Pagdating ko sa loob ay tumabi na ako kay Kael. Ang maganda sa school na ito ay pinupuntahan kami ng aming guro, sa physical education lang kami lilipat dahil sa gym ito. Dinig na dinig parin ang kwentuhan nina Cindy, hindi pa tapos sa canteen at ipinagpatuloy nila dito. Mabuti nalang talaga at hindi ako nagpahalik sa tukmol na iyon. Siya naman ang naka una sa akin pero sisiguraduhin ko na hindi siya ang first kiss ko. Kung gaano kadumi ang tt noon ay sigurado akong mas madumi ang labi at laway niya. Natapos ang klase namin at huli akong nakarating sa parking dahil nahirapan akong hanapin ang sasakyan. Sobrang dami kasi ang nakaparada at nakalimutan ko na kung saan sila nag park. Wala naman kasi akong celphone na pagtawag sa kanila. "Muntik na kitang sunduin Ate, akala ko kung napaano kana." Nag-aalang sabi ni Laurel. Naantig tuloy ang aking puso dahil mag-isa lang akong anak at wala tumatawag sa akin na Ate sa bahay. "Nahirapan akong hanapin ang sasakyan." Sagot ko na nakangiti na may halong hiya. "I will give you a phone Ate Ellie may celphone akong hindi ginagamit." Sabat ni Emerald kaya nagpasalamat ako agad. Cellphone na iyon, tatanggi pa ba ako. Mabuti at sa harapan na ako sumakay, may nakalaan sa akin sa likuran pero mas pinili ko sa harapan. Medyo nahihirapan ako dahil puro English sila magsalita. May mga word na hindi ko alam kaya isinulat ko nalang kanina. Para mamaya pagdating ko sa bahay ay sa library ako magbabad. Matalino na ako sa aking pagkaka-alam pero iba pa din pala kung sa kolehiyo na at puro Englisado ang mga ka klase ko. Masasabi kong behind na ako masyado kaya kailangan kong maghabol. Pagdating namin sa bahay ay naghihintay na si Ma'am Summer sa amin, swerte ng magkakapatid na ito dahil mapagmahal ang kanilang ina. Sa akin pag dating ko sa bahay ang malakas na bunga-nga ni Nanay ang bubungad sa akin na pinapagalitan si Itay. Huli akong bumaba at pinanuod ko kung paano halikan at yakapin ni Ma'am Summer ang mga anak. Ako hindi ko matandaan kung kailan ako niyakap ni Inay. Baba na sana ako ng pumasok ang isa pang sasakyan at ang sasakyan ni General. Si Ma'am na mismo ang tumakbo na parang bata at sinalubong ng asawa ng lips to lips. Pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi ng bumahatin pa siya na General. Mapap sana all ka lang. "Ellie, come anak!" Sigaw pa ni Ma'am na buhat siya ng asawa at dahan-dahan na ibinaba. Mabilis na akong lumabas sa sasakyan at agad niya akong niyakap. "How's your first Day anak?" Malambing na tanong niya habang nakahawak siya sa kamay ko at si General ay naka akbay sa kanya na papasok na kami sa loob ng kanilang mansion. "Okay naman po." Nahihiyang sagot ko dahil ang bango-bango ni Ma'am. "Dumating na pala ang ilan sa mga damit mo, ready na use na. Yung mga pinili mo na muna ang dumating at yung mga pinili ko para saiyo ay sa susunod pa na araw." "Salamat po." Nahihiyang sagot ko ulit. "O sige anak, aakyat na kami ng Daddy mo." Paalam niya at tinunguan ako ni General. Napangiti ako dahil bigla na lang siyang binuhat ng asawa papasok sa elevator. Napangiti ako, sa bahay kung naglalambing si Itay kay Inay ay puro mura ang naabot niya kay Inay. Mali man na ikumpara mo pero sana pagmagka-pamilya ako ay ganito din. May tatanggap naman siguro ay magmamahal sa akin ng tapat kahit hindi na ako malinis. Pumasok na ako sa aking kwarto, naligo na muna ako at tinignan ang mga dumating na damit. Malinis na raw ang mga ito kaya inilagay ko na sa lagayan ng damit ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa library. Sinabi ko kay Tiya na hindi na muna ako sasalo sa pamilya dahil kailangan kong mag-aral. Nagbaon na rin ako ng aking kakainin sa library. Nang sumakay ako sa elevator ay nakasabayan ko si Emerald na galing sa kanilang bahay at agad na ibinigay ang telepono na hindi niya ginagamit napa nga-nga ako dahil ito ang latest na Iphone. "Emerald, sigurado ka?" Nagtatakang tanong ko ng lumabas na kami sa Elevator dahil ang celphone niya ay hindi Smartphone. "Yes, Ate. Ayaw mo ba may isa pa ako doon sa bahay." "NAku, naku, naku gustong-gusto pero ang mahal nito." Ngumiti lang siya at niyakap ako. Minsan ang bata na ito ay maldita pero sweet din pala. Sinamahan niya pa ako sa library at pagkatapos ay iniwan na niya ako. "Wow!" Sambit ko nalang dahil ang laki ng library nila. Agad akong umupo sa kanilang computer at nag google ng mga meaning ng mga salita na hindi ko alam. Isinulat ko ang mga ito at inintindi ng mabuti. Nag advance study na rin ako habang kumakain. Ang sarap ng maging mayaman, masipag ka lang mag-aral ay nasa iyo na lahat ang kailangan mo. Sa amin kailangan pa akong pumunta sa bayan para mag rent ng computer at kailangan na bilisan ko pa dahil 25 pesos ang singil nila per oras. May mga nasearch ako na ipinirint ko para basahin ko mamaya sa aking kwarto. Nang mag alas diyes na ay pinatay ko na ang mga ilaw at lumabas na ako sa library. Tahimik na ang buong bahay kaya dahan-dahan ang aking paghakbang. Sumakay na ako sa elevator at pagdating ko baba ay nadatnan ko si Tiya naparang hinihintay ako. "Kumusta Ellie?" "Agad na tanong niya na nilapitan ako at sinamahan niya ako sa aking kwarto." "Eto, Tiya okay lang naman po." "Sige anak, magpahinga ka na. Unang araw mo palang ay mukhang pagod na pagod ka na." "Medyo huli po kasi ako sa mga vocabulary Tiya kaya kailangan na magbasa-basa ako." "Tama yan, hindi ka ba gutom?" "Hindi, Tiya marami po yung binaon ko kanina. Eto nga po ubos ko na." "Akin na yan at huhugasan ko na. Good night anak." Paalam ni Tiya at lumabas na siya sa aking kwarto. Sana ay kasing bait ni Inay si Tiya. Ang nasa isip ko nalang nang lumabas na siya sa aking kwarto. Nagbanyo na lang ako saglit at pagkatapos ay pinatay ko na ang mga ilaw. Kinabukasan ay nag suot ako ng fitted jeans na malambot ang tela at tinernuhan ko ng blouse na pinili ko. Puti ito at hindi masyadong fitted sa aking katawan para makagalaw ako ng maayos na kahit uupo ako ay hindi makikita ang aking likuran. Tapos ay may sneakers din na puti kaya medyo maaliwalas akong tignan kaysa kahapon na parang tagalinis na ako sa canteen sa aking itsura. Malaki ang aking balakang at matampok ang aking pwet kaya hindi na nakakahiya kung mapansin nila. Napatingin ako sa aking harapan, halata ng bahagya ang aking malaking harapan, mabuti at medyo maluwag ang blouse na suot at mahaba ang manggas. I tuck in ko sana pero hindi na lang. Inayos ko na ang aking buhok , itinali ko nalang ito at lumabas na ako dala ang mga iprinint ko kagabi para basahin habang break time namin. "You look beautiful anak!" Agad na bati sa akin ni Ma'am Summer. "Salamat po." Nahihiyang sagot ko at inakay na ako papunta sa aming upuan. Maganda ang ngiti nila sa akin maliban sa isang quad na lalaki na parang masama ang tingin sa akin. Siguro ay si Hunter ito kaya inirapan ko din siya. Akala lang niya ngiti nalang ako ng ngiti. Hindi ko pa nabubuksan ang phone na ibinigay sa akin ni Emerald, kay Kael nalang ako siguro magpapaturo. Kumain na kami at gaya ng dati ay inihatid kami ng mag-asawa sa sasakyan. Pinili ko nang umupo sa harapan para tahimik ang buhay ko. "Ate, bagay saiyo ang damit mo. You looks simple but at thesame time your hot." Sabi ni Laurel na nasa aking likuran. Nilingon ko siya at pinasalamatan. Pagdating namin sa parking ay nauna na akong lumabas. Nagpa-alam na akong mauna dahil ako ang may pinkalayo na room. Hindi ko na pinansin pa ang apat sa mga bunso nalang ako nagpa-alam. Habang naglalakad ako ay pansin ko ay tingin nila sa akin. May narinig pa akong sumipol na ikinahinga ko ng malalim. Wala naman akomng balat na ipinapakita. Mga manyakis lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD