Hunter's point of view
Siniko ako ni Light at muntik ko nang natapon ang aking kapeng hinihigop.
"Bakit ka naniniko?" Mahinang tanong ko at ngumuso siya sa paparating.
"Simple but beautiful." Sambit niya at napailing ako.
"Tsk! beautiful ang tingin mo diyan?" Ipinagpatuloy kong kumain at hindi pinansin si Ellie. Nang sumakay na kami sa sasakyan ay nagsalubong ang aking kilay dahil sa harapan siya umupo. Dapat sana ay sa tabi ko dahil naglaan ako para sa kanya. Hindi ko nalang ipinakita na naiinis ako kaya inilagay ko nalang ang aking headset at nakinig ng rock music.
Pagdating namin sa school ay nauna na siyang lumabas, dahil nasa likuran ako ng sasakyan at nakita kong kinausap niya si Mira. Nauna nang lumakad sabagay siya ang may pinakamalayong department. Lumabas na rin ako sasakyan at lumakad na kami ni Hunter. Hawak ko ang aking telepono ng biglang may bumangga sa akin at nabitawan ang aking telepono.
"F*ck!" Malakas na mura ko.
"Oh my God. I am sorry!" Sambit niya at natigilan ako dahil maganda at makinis ang katawan dahil na sleeveless lang siya at nakita kong walang buhok ang kanyang kilikili.
"It's ok." Sambit ko at nagkatinginan kami.
"I am sorry, palitan ko nalang."
Ngumiti ako dahil may itsura siya, ang kapatid ko ay nauna na sa room namin.
"No, worries. You are?"
"I am Heart Buenavista." Sagot niya na may dimple pa siyang lumabas.
"Nice to meet you! Hunter Sandoval, ngayon lang kita nakita ah." Sabi ko sabay nakipagkamay.
"Nice to meet you as well. Oh yeah hindi ako nakapasok kahapon dahil kakarating ko lang galing sa ibang bansa." Sagot niya at nalaman ko din na pareho sila ni Ellie ng kursong kinukuha. Kahit ma late na ako ay inihatid ko siya sa room niya dahil siguradong mawawala ito.
"Thank you very much Hunter, you are so sweet!" Pasasalamat niya at niyakap pa ako. Niyakap ko naman siya pabalik at napatingin ako loob ng room. Si Ellie ang nasa harapan at may kausap na lalaki. Mukhang kahit may amnesia ay malandi din ang babae na ito dahil halos magkadikit na ang kanilang pisngi sa nakatingin sa cell phone na hawak niya.
"I have to go." Paalam ko na at kumalas na sa pagkayakap sa kanya.
"Hunter!" Sigaw ni Cindy at nakuha ang atensyon ng lahat. Pati si Ellie ay napatingin na sa akin kaya hinapit ko ang baywang ni Heart at binulong na ma late na ako.
Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis at hindi ko pinansin ang mabuhok na babae. Mabilis akong lumakad, hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa akin na mga babae.
Pagdating sa room ay late na ako, nakatalikod ang guro kaya dahan-dahan akong lumakad na halos walang yabag na marinig habang nagsasalita siya na naka harap sa white board. Mabuti at naaral namin ito na turo ni Tito Greg. Umupo na ako sa tabi ni Thunder hindi na siya nag-abala na magtanong tungkol kay Heart. Hindi siya gaya ni Light at Dark na may pagka chismoso.
Lunch break at nagpa-alam ako kay Thunder na susunduin ko si Heart sa kanilang department. Habang naglalakad ako ay naka salubong ko si Ellie na kasama ulit ang lalaking katabi at kausap niya kanina. Umigting ang aking mga panga dahil parang hindi niya ako nakita at nilampasan lang ako.
Nakita ko si Heart na naglalakad kaya agad ko siyang tinawag.
"Heart!" Malakas na sigaw ko.
"Ohhh, akala ko si Cindy ang susunduin. Naku may bago agad siya." Dinig ko na bulungan ng mga studyante.
Nilampasan ko sila at nakangiting sinalubong niya ako.
"Hunter! why you are here?"
"Taking you for lunch baka maligaw ka." Nakangiting sagot ko at kinuha ko ang kanyang bag para buhatin.
"Thank you." Nakangiting sabi niya at ibinigay naman ang kanyang bag.
Napatingin ako kay Cindy na masama ang tingin, hindi ko siya pinansin at napailing nalang ako ng itinaas niya ang kanyang braso. Wala na siyang buhok pero ayoko na sa kanya. Patay malisya lang ako at habang naglalakad kami ni Heart ay marami siyang ikinuwento sa akin.
"Mabuti at magaling kang magtagalog?" Tanong ko dahil laking Germany pala siya.
"Tagalog talaga ang ginagamit namin sa bahay. " Nakangiting sagot niya na lumabas ulit ang dalawang dimples sa kanyang mga pisngi. Bagay ito sa kanya lalo na at mapuputi ang kanyang mga ngipin.
"Can I ask you something?" Tanong niya.
"Yeah sure?"
"Ex mo ba si yung si Cindy?"
"No why?"
"Masama ang tingin niya sa akin kanina sa room namin at parang pinaparinggan ako."
"Huwag mo nalang siyang pansinin, alam mo gwapo." Sagot ko sabay tumawa at napangiti din siya.
Pumasok kami sa canteen at dinala ko siya sa table namin. Ipinakilala ko ang aking mga kapatid at kilala niya si Ellie na sa kanya pa tumabi.
"Kapatid mo si Hunter?" Tanong niya na parang wala na ako sa kanyang tabi.
"Hindi, pinapa-aral ako ng kanyang mga magulang." Sagot naman ni Ellie at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Oh, I see. What are you eating Ellie?" Tanong naman niya ulit, napailing nalang akong kumuha na ng pagkain ko dahil gutom na rin ako. Hindi ko na tinanong si Heart kung anong gusto niyang kainin dahil parang mas interesado siyang kausapin si Ellie.
Pagdating ko sa mesa ay tumayo na rin siya at kumuha ng kanyang pagkain at pagdating niya sa aming mesa ay kaparehong ulam ni Ellie ang kanyang kinuha.
"Pustahan tayo, lesbian yan." Bulong ni Light at napatingin ako kay Heart na patay titig kay Ellie. Pati ang aking mga kapatid ay napapatingin kay Heart na kay Ellie naka focus.
"Ellie, nanliligaw ba saiyo ang ka klase natin?" Tanong niya na parang lumaki ang butas ng aking tenga para marinig ang sagot ni Ellie.
"Si Kael ba?"
"I don't know his name but yung katabi mo sa klase kanina."
"Si Kael nga, hindi siya nanliligaw. Mabait lang." Sagot naman niya pero iba ang tingin ko kanina. Halatang may gusto sila sa isa't-isa kulang lang na magka-aminan sila.
"Bakit mo tinatanong? Kursunada mo si Kael?" Tanong naman ni Ellie at lumabas ang mga dimples ni Heart.
"No way." Mabilis na sagot niya.
"Tama ako, lesbian ito." Bulong ulit ni Light.
"Ano naman kung lesbian, eh di gawin kong babae." Sagot ko at pagkatapos namin kumain ay sinabi ko na ihatid ko na siya pero hindi na raw dahil kasama naman daw niya si Ellie. Wala na akong nagawa pa kundi hinayaan ko lang.
"Paano mo gawing babae kung ayaw niya ng lalaki?" Natatawang sambit ni Light.
"G*go!" Sagot ko nalang at bumalik na kami sa kanya-kanya naming building.
Pagkatapos ng klase ay hindi na ako nag-abala pang puntahan si Heart. Hindi ko naman siya kursunada dahil bakit pa ako magpapakahirap sa isang lesbian. Maraming babae diyan na kahit hindi ako maghirap ay titihaya at mag-aalok ng s*x gaya ni Ellie.