Hunter's point of view continues Naunang pinalabas ko si Light dahil hindi ko pa nalimutan ang biglaang pagsampal siya sa akin. Pinatay ko na ang sasakyan at lumabas na rin ako. Napalingon siya sa amin at salubong ang kanyang mga kilay. "Sino sa inyo si Hunter?" Tanong niya dahil sinabi ko kay Light na mag seryoso siya. Mahirap na baka pasalubungan ako ulit ng masakit sa sampal. "Siya po!" Agad na turo sa akin naman ni Light. Napahinga ako ng malalim at hindi ko alam kung paano siya babatiin. Lumapit siya sa akin at bigla nalang niya akong niyakap. "Sorry sa pagsampal ko saiyo noon at maraming salamat pagbili mo ng lupa namin." Sabi niya pagkatapos niya akong yakapin. "Si Ellie po?" Agad na tanong ko. "Umalis sila saglit ng Itay niya, si Dark nasa kwarto niya kasama si Ems." Sabi niy

