Ellie's point of view Pagkagising ko ay agad akong naligo, mukhang tulog pa si Dark. Sa umaga kasi ay malamig sa amin mabuti at nakakatulog siya kahit ang lakas ng tilaok ng kanyang manok. Pagkatapos kong naligo ay pumunta kami sa bayan ni Itay, para tignan ang aming gasolinahan at ang pinapatayong malaking grocery. "Anak, ingat ka kapag sa kasasakay ng tricycle ma lubak ang daan baka mapaano ka. Naku sayang ang Sandoval na apo ko." Sabi ni Inay at napangiti ako dahil alam kong paglabas ng kanyang apo ay maging paborito niya ito. "Si kapitan sana idulog kay Mayor ang problema natin para masemento na ang ating mga kalye." "Alam mo naman si Kapitan, bahag ang buntot kay Mayor." Napailing nalang ako sa sinabi ni Inay. Pagkatapos naligo ni Itay ay hindi na kami nagsalita pa kumain na kam

