Chapter 6: Mausoleum

1783 Words
THIRD PERSON'S POV Maingat at dahan-dahan ang ginawang pagbukas ng dalaga sa pinto. Mag-aalas dos na ng umaga nang makabalik ito at ngayon nga ay iniiwasan n'yang makagawa ng maliit na ingay na maaaring magpagising sa kasama n'ya. Naabutan n'yang patay na ang lahat ng ilaw sa loob maliban na lang sa maliit na lampshade sa sala. "Saan ka galing?" seryosong tanong ng babae habang nakaupo sa single sofa at nakatalikod sa babaing kakapasok lang. "Unulit mo na naman ba?" sunod na tanong n'ya bago tumayo at harapin ang babaing kakapasok lang. Halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya. "Hindi." "Kung ganun ay saan ka galing?" Hindi ito kumbinsido sa sagot ng kaharap lalo pa't alam na alam n'ya kung nagsisinungaling ito o hindi. Sa halos dalawang taon nilang pagkakaibigan ay masasabi n'yang kabisado na niya ang bawat kilos nito. "H-Hindi ko pinatay si Mr. Sevillano." bumuntonghiningang saad ng babae. "Kung ganun ay sino?" Hindi mapigilan ng babae ang mapakagat sa kanyang labi habang patuloy na nakikipagsukatan ng tingin sa kaibigan. Ang panginginig ng mga kamay nito, ang sunod-sunod nitong paglunok ng laway at hindi mapakaling mga labi. Sigurado s'yang may napaslang na naman ito. "Gusto lang kitang protektahan." "Alam ko b-but you're doing it wrong!" sigaw ng dalaga. Hindi maipinta sa mukha nito ang matinding pagkadismaya. Nagpagusapan na nila noong mabuti na hindi na mauulit ang gan'tong insidente dahil wala iyon sa plano nila. "Sinisira mo lahat ng plano ko." bulong ng babae sa sarili habang hawak ang kanyang ulo. "H-Hey..." Unti-unting lumambot ang ekspresyong ng kaibigan n'ya bago s'ya nito lapitan. "I-Im sorry, nawala lang ako sa sarili kaya ko nagawa ang bagay na yun." "Yun din ang sinabi mo sa akin last time. Hindi mo na naman ginagamit ang utak mo!" muling asik ng babae bago itulak ang kaibigan. "This time,...s-sino ang pinatay mo?" "Sunshine Lopez." saad ng babae. "I'm sorry if I didn't told you but I secretly checked on her." "A-ano ang mga nalaman mo tungkol sa kanya?" tanong n'ya rito. "Survivor of year 2005. Nagtatrabaho s'ya bilang some kind of secret spy ni Mr. Sevillano and she's been spying on us from the start." pahayag nito. "B-Before she died, she told me something...survivor of 2019 are now here." Unti-unting napaupo ang dalaga ng maramdaman ang panghihina ng kanyang mga binti dahil sa narinig nitong balita sa kaibigan. "M-Matulog ka na. M-May pasok pa tayo bukas." kalmadong utos nito. "P-Per-" "Just go to your room!" asik ng dalaga bago ibaon ang mukha sa kanyang palad. Wala naman nagawa ang kaibigan nito kundi sundin ang ipinaguutos n'ya. Ngayon ay hindi lang ito problemado  dahil sa nagawa ng kaibigan. Iniisip din nito ngayon ang maaaring gawin ni Mr. Sevillano. Kilala na ba sila nito? O nagdududa palang ito sa kanila? Hindi maaaring mabunyag ang totoo n'yang pagkatao, masyado pang maaga. "2019 Survivor," bulong n'ya sa sarili. Totoo nga bang nasa Sevillano Academy na ang survivor? Sino at ilan sila? RYU'S POV Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ni Mr. Sevillano bago tuluyang pumasok. Nakita ko itong nakayuko at para bang malalim ang iniisip. "Sir," tawag ko sa kanya kaya naman mabilis s'yang napaangat ng tingin sa akin. Napansin ko na mas lalong lumalaki ang itim sa ilalim ng mata n'ya. "Ms. Feliciano, may kailangan ka bang mga documents?" tanong n'yan while scanning his table. "Wala po. Ipapasa ko lang po itong mga activities na gaganapin para sa school trip next month." saad ko bago ipatong sa ibabaw ng lamesa n'ya ang puting folder na hawak ko. "Ahh okay. Thank you." Akmang tatalikod na sana ako ng ibalik ko muli ang tingin sa kanya. "Sir, regarding po sa Isla Menterio. Pwede po ba akong makahingi ng details nun? Some students are asking me what kind of island was that. Gusto ko lang po sanang may maisagot sa kanila. Even Ms. Emerald can't give me the information." "Sure, I'll email it to you." nakangiting sagot n'ya bago ibaba ang mata sa folder na ipinasa ko. "And Ms. Feliciano..." "Yes sir." "Pinili ko ang Island Menterio dahil alam kong macha-challenge kayo dun Not just because of the activities your team prepared but also because of the place itself. I think the upcoming school trip will be your escape. Enjoy the place and the trip." nakangiting paliwanag n'ya. "T-Thank you sir." sagot ko na lang bago maglakad papalabas ng office n'ya. Something is off with him. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. "Jasmine." tawag ko sa babaing bumungad sa harap ko paglabas ko ng principal's office. "Oh hi Ryu." "May kailangan ka ba kay Mr. Sevillano?" tanong ko rito pero umiling lang ito. "Nabalitaan ko kasing may upcoming school trip daw tayo next month?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Are you excited?" tanong ko habang magkasabay kaming naglalakad sa corridor. Hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti lang s'ya sa akin. "You don't like it?" tanong ko ulit. "I'm just having a bad feeling about it. Hahahaha. Anyway, saan mga pala gaganapin ang trip? My mom will freakout kapag nalaman n'yang may trip na namang magaganap. So, I'll just explain it to her." "Isla Menterio." sagot ko. "Ang weird naman ng pangalan. Ngayon ko lang yan narinig." "Me too. Mr. Sevillano will email me the details." "Okay. Balitaan mo na lang ako." "Sure." sagot ko. Naghiwalay na kami ng daan ni Jasmine dahil kikitain n'ya pa raw sa room ang pinsan n'yang si Jayce habang ako naman ay nagpasyang bumalik na lang muna sa SC office para kunin ang naiwan kong gamit para sa next class ko. Mula sa corridor na nilalakaran ko ay tanaw ko sa kabilang side ang cafeteria. Mabilis na kumunot ang noo ko ng makita ang ilang mga estudyante na nagsisitakbuhan palabas habang ang iba naman ay sumusuka na sa tabi. Tumalon ako sa mga halaman na nakadisplay sa tabi ng corridor para marating ang cafeteria. "What happen?" tanong ko sa babaing nakaluhod sa damuhan at sumusuka pero mukhang wala itong lakas para sumagot kaya mabilis kong hinablot ang braso ng isang babae na tumatakbo. "F*ck! I just eat a human flesh!" umiiyak na saad ng babae. "They put a human meat on the soup!" dagdag pa nito. Wtf?! Sinong baliw ang gagawa nun? Mayamaya pa ay nakita ko na ang pagdating ng mga awtoridad para imbestigahan ang nangyari. Nilagyan nila ng barricade tape ang buong palibot ng canteen. Hindi ko akalaing magkakaroon ng crime scene sa paaralang 'to. Her name was Sunshine Lopez, assistant cook sa cafeteria. She was chopped to death by some ruthless pyschopath. "What happened?" tanong ni Jayce na nasa tabi ko pala habang nakatanaw sa cafeteria. Hawak n'ya ang isang supot ng chichirya at ngumunguya. "Some psychopath just entered our school peremesis." I answered. "Paano mo namang nasabi pyschopath nga ang pumatay sa kanya?" "Who would chopped a human being ang put it on the freezer? Akala ni Aling Marta karne lang iyon ng baboy kaya sinahog n'ya yun sa macaroni soup. From the start ay yun na ang plano ng baliw na iyon. Only a psychopath who have severe mental disorder could do that." "I agree." sagot ni Jayce bago tuluyang maglakad palayo sa akin. Dahil sa nangyari ay suspended ang lahat ng klase. Nagpasya ang board na pauwiin muna ang mga estudyante hangga't wala pang sunod na abiso. This is a serious case for the board. Hindi lang ang mga estudyante ang maapektuhan kundi pati na rin ang pangalan ng academy. "Lets go?" tanong ni Selena habang bitbit na ang kanyang bag. "Mauna ka na, may gagawin pa ako sa office." pahayag ko habang inaayos ang mga gamit ko. "You sure? Hindi ka ba natatakot na matira rito mag-isa? Someone just died, Ryu." "I can handle myself." sagot ko bago tuluyang lumabas ng room. Aside, ayoko rin naman umuwi ng maaga ngayon sa bahay. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Claude ng makasulubong ko ito. Namumutla ang mukha n'ya. "You looked like hell." saad ko dahilan para mapakunot s'ya ng noo. "Bakit lagi ko na lang naririnig ang comment na yan sa akin?" tanong n'ya. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong n'ya. "You should go home also." aniya nito bago ako lampasan. Magkaklase kami simula pa Grade 10 pero ngayon lang ata humaba ang pag-uusap namin. I decided to go somewhere, not home. Ayokong ako naman ang matagpuan nila kinaumagahan na brutally chop chop.    "Saan ka miss?" tanong ng tricycle driver na pinara ko. "District cemetery po." sagot ko. I just need to visit someone. Halos ilang taon na rin. Pumunta lang ata ako para bisitahin s'ya nang araw ng burol n'ya at simula nun ay hindi na ako bumalik. Pagdating ko ng sementeryo ay nakita ko na kaagad ang mausoleum na kinahihimlayan nito. Nangingibabaw ito sa lahat. Wala kang makikitang ligaw na mga damu sa paligid at kupas na mga pintura. Halatang alagang-alaga ito. Makikita rin ang iba't ibang kulay ng bulaklak na nakapaligid dito. "Angel," usal ko habang nakatayo sa harap ng Mausoleum. Hindi ako pweding makapasok sa loob dahil may security lock ang pinto nito. "It's been a long time. How are you? I missed you." I just wish she can answer me right now. Inilapag ko ang hawak kong bulaklak sa harap ng pinto nito bago tuluyang maglakad papalayo. Imposible ang hinihingi ko, patay na s'ya. "Ryu," agad akong napaangat ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Claude. "Bumisita lang ng buhay." walang emosyong sagot ko bago muling maglakad papalayo sa kanya. I'm not crying but my face is saying something and I don't want anyone to see it. "Joker ka rin pala." saad n'ya. "I visited my brother's grave kahit ang totoo ay wala namang nakalagay na katawan sa kabaong n'ya." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya. Nakatalikod pa rin sa akin si Claude while facing an old mausoleum na katabi lang ng kay Angel. 'Skyler V. Sevillano' 2002-2019 "Insane right?" dugtong pa n'ya. "Y-Yahh." usal ko na lang. "Hindi ka pa rin ba tumitigil sa paghahaanap sa kanya?" tanong ko. Ang alam ko kasi ay halos dalawang taon nang nawawala ang kuya n'ya. Kaunti lang ang nakakaalam nun and isa na ako dun sa kaunting iyon. "No. I'm still hoping that he'll comeback alive." "J-Just prepare yourself for the worst." "Hindi ko ata kaya." he whispered. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao n'ya. Tumalikod na ako saka naglakad papalayo sa kinatatayuan ni Claude. He needs space and I don't think na kailangan n'ya ng makakausap ngayon. Hindi rin naman ako marunong mag-comfort so why stay there. 'Skyler V. Sevillano' 2002-2019 Same year. Angel also died in the same year. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD