THIRD PERSON’S POV
“Hindi ka pa rin ba matutulog?” tanong ng asawa ni detective Ares habang nakasilip sa pinto ng kanyang opisina.
“Susunod ako, hon.” sagot n’ya bago muling ibalik ang tingin sa glassboard habang nakadantay sa kanyang lamesa. Hindi maalis ang tingin ni detective sa mga hawak n’yang kaso. Skyler’s Missing Case, Mr. Dee’s Murder at ngayon naman ay ang Butchered Murder ni Sunschine Lopez. Lumingon ang detective sa katabi n’yang white board at ini-scan ang kaso ng ilang missing in action na mga estudyante 2 years ago.
Nagsinungaling s’ya kay Claude. Ang mga binigay nitong impormasyon ang dahilan nang pag-usad ng kaso hindi lang ng kapatid nito kundi pati na rin nang iba pang estudyanting dalawang taon ng pinaghahanap. Masyadong tuso ang utak sa krimeng ‘to kaya sinisigurado n’yang walang lalabas na impormasyon sa nangyayaring imbestigasyon.
Walang katawan ang natagpuan sa mga litrato ng estudyanting nakadikit sa whiteboard n’ya ngayon maliban na lang sa isa.
Angel May Valdez.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring makipagtulungan ng pamilya Valdez patungkol sa kaso ni Angel. Matapos kasi ang dalawang buwan pagkawala ng unica hija nila ay natagpuan ang katawan nitong nakalagay na sa kabaong sa harap nang mismong mansion ng mga Valdez. Putol ang mga kamay at may tama ng baril sa ulo. Tagapagmana si Angel ng Valdez Intenational School na pagmamay-ari ng mismong ama nito.
Kung pagsasamahin ang mga impormasyon ng mga estudyante ay mula sila sa kilalang private schools sa iba’t ibang distrito. Mga eskwelahan may magaganda at masasamang reputasyon pagdating sa pamumuno ng nakakataas. Kung pagbabasihan naman ang record ng bawat individual ay halo-halo ang personalidad at academic achievement ng mga ito. Mayroong nasa lowest rank at meron naman mga topnotcher sa kani-kanilang eskwelahan.
Mr. Roberto Dee at Mrs. Josehina Alegre na parehas nagmamay-ari ng private school sa magkaibang distrito ay natagpuang pugutan at nakasabit sa pinto ng opisina ang kanilang ulo. Kapwa nawalan din ang mga ito ng estudyante dalawang taon na ang nakakalipas.
Dito pa lang ay sigurado na si Detective Ares na konektado ang lahat katulad ng naging kutob ni Claude. Sa ngayon ay ayaw n’ya munang idamay ang bata sa magulong kaso na hawak n’ya lalo pa’t alam n’ya na delikado ang mga susunod na mangyayari.
CLAUDE’S POV
“Claude!” tawag sa akin ni Jasmine. Saktong kakababa ko lang ng hagdan ng lumabas ito mula sa tinutuluyang apartment. Napansin ko na hindi na s’ya mahiyain kapag kaharap ako, hindi katulad nang dati na bigla n’ya na lang ako tatalikuran o yuyukuan kapag nagkakasalubong kami sa school. “Good morning.” bati n’ya.
“Good morning.” balik kong bati sa kanya.
“Mukhang may lakad ka.” puna n’ya kaya dahan-dahan naman akong tumango.
Nag-aya na naman kasi ng basketball sina Warrern. “May basketball kami nina Warrren.” sagot ko sa kanya. “Ikaw, saan ang lakad mo?” tanong ko ng mapansing mukhang may lakad din ito.
“Kung saan lang mapadpad.” nakangiting sagot n’ya habang nila-lock ang pinto.
“Wala ba si Jayce?”
“Pumunta s’ya sa hospital for check up.” nakita ko ang biglang pagguhit ng lungkot sa mukha n’ya. May malubha bang sakit ang pinsan n’ya? Mukha naman mas malakas pa yun kesa sa demonyo. “Baka iniisip mo na may taning na ang buhay ng pinsan ko. Hahaha. L-Lumalala lang ang migrane n’ya nitong mga nakaraang araw kaya naman pinilit ko s’yang pumunta muna ng hospital.” natatawang pahabol n’ya.
“Gusto mo bang sumama sa court?” tanong ko kay Jasmine kaya mabilis s’yang napaangat ng tingin sa akin. Makikita sa mukha n’ya ang gulat at excitement. Hindi ko alam kung anong nakakagulat dun but her expression is kinda cute.
“Pero hindi ako marunong mag-basketball.” saad n’ya.
“Okay lang yan. Pwede ka namang manood lang.” sagot ko.
Habang naglalakad kami papuntang court ay walang tigil ang kwentuhan namin ni Jasmine. Hindi ako madaldal na tao pero napapasagot na lang ako kapag maraming tanong ang kausap ko. Mukhang mali ang mind reading ko tungkol sa personality ni Jasmine. Akala ko, dahil sa pagiging mahiyain n’ya ay hindi s’ya ganun kadaldal at ka-jolly. Hindi ko alam kong nakainom lang ito ng enervon ngayon o sadyang ngayon lang s’ya nag-open up ng sarili n’ya. I don’t find her irritating, natutuwa nga ako dahil she’s being herself.
“M-May nakatawa ba?” kunot noong tanong n’ya sa akin. “My winky tickle died.” nakasimangot ng saad n’ya.
Winky tickle? Sino ulit yun.
”My cat died last year because someone slit her throat.”
“What? Sino namang walanghiya ang gagawa nun sa pusa mo?”
“Hindi ko alam ang dahilan pero may kutob na ako kung sino,” seryosong sagot n’ya.
“Sino?”
“Secret. Hahaha.” saka s’ya tumawa. “Ayoko nang pagusapan ang pagkamatay ni Wincky tickle dahil nalulungkot lang ako.” dagdag n’ya pa.
Pagdating namin sa court ay naabutan namin sina Selena at Warren na nagaaway na naman na parang aso’t pusa. Tahimik lang na nakaupo si Ryu sa bench habang may binabasang libro samantalang si Zeal naman ay mukhang stress na stress habang ginigising ang natutulog na pinsan.
“Kung makaasta ka parang sayo ‘tong court ah. For your information kami ang naunang dumating ni Ryu kaya bakit pinagbabawalan mo kaming tumambay dito?” mataray na pahayag ni Selena.
“Ang ingay mo kasi kaya hindi kami makapag-concentrate sa paglalaro. Tingnan mo yung nangyari nung nandito ka! Natalo tuloy kami ni Zeal!” sigaw naman sa kanya ni Warren.
“Huh! Wala ka na bang ibang maidahilan sa pagkatalo n’yo? Aminin mo na lang kasi na hindi ka talaga marunong maglaro. Sa susunod kasi kumampi ka sa magaling para naman matakpan ‘yang kabobohan mo.”
Ohhh. Ang sakit nun.
Nanggigigil na napasabunot si Warren sa kanyang buhok saka malakas na sumigaw. Kulang na lang ay hampasin n’ya ang dibdib n’ya para magmukha s’yang si Kingkong habang sumisigaw.
“Hindi ba natin sila pipigilan? Baka hindi makontrol ni Warren ang sarili n’ya at masaktan n’ya si Selena. Para na s’yang papatay oh.” alalang pahayag ni Jasmine.
“Don’t worry ganyan lang talaga maglambingan ang dalawang yan. Masasanay ka rin. Tsaka hindi nananakit si Warren ng babae kahit wala sa mukha n’ya.” natatawang sagot ko. Nakita ko naman ang mahinang pagtawa ni Jasmine sa tabi ko.
“Ryu!” tawag ni Jasmine kay Ryu kaya nabaling ang tingin n’ya sa amin. Naalala ko bigla ang mausoleom na binisita n’ya kahapon.
Angel Mae Valdez
2001-2019
Isa s’ya sa mga estudyanting nawala dalawang taon na ang nakakalipas. Ano ang relasyon ni Ryu sa babaing yun?
“Claude!” tawag sa akin ni Zeal kaya naman naglakad na ako papalapit sa kanila. Kasama ngayon ni Jasmine si Ryu. Hindi na ito mao-OP dahil may mga kasama na s’yang mga babae.
“Nakakabwisit ‘tong si Paxton. Nakatulog na naman! Idiretso ko na kaya ‘tong ilibing? Para kasing talo pa ang patay, hindi magising-gising.” inis na saad ni Zeal habang nakapatong ang paa n’ya sa bewang ni Paxton at niyuyugyog ito.
“P*tangina! Sarap isako ni Selena at ipatapon sa kangkungan!” magkasalubong ang mga kilay ni Warren ng makalapit s’ya sa amin. “Tinatamad na akong maglaro. Ayokong nandito ang babaing yan!” dagdag n’ya pa.
“Grabe! Ang tagal n’yo ng break ni Selena pero parang hindi pa rin kayo makapag-move on sa isa’t isa.” saad ni Zeal.
“Kinikilabutan ako sa tuwing naaalalang s’ya ang first kiss ko. P*ta kung may time machine lang ako ay iniwas ko sana s’ya nung una.”
“Wow ah! May pa time machine time machine ka pang nalalaman. Pero pre ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa? Okay naman kayo nung una ah! Sa sobrang pagka-sweet n’yo nga noon ay kulang na lang ay maumay kami at masuka kapag nakikita namin kayong magkasama.”
Tama si Zeal, halos isang taon ding magkasintahan sina Warren at Selena. Nagulat na lang kami ng malamang break na pala sila. Ang saya-saya naman nila noong una. Mukhang sa una lang pala talaga masaya ang isang relasyon.
‘’Ayoko nang pagusapan ang babaing ‘yun. Kumukulo lang ang dugo.” aniya nito bago itulak nang malakas si paxton at naupo sa bench.
“Mga p*tangina kayo!” namamaos na sigaw ni Paxton nang nauna na namang tumama ang mukha n’ya sa semento.
”Sa wakas! Akala namin ay patay ka na!” saad ni Zeal. “Tara laro na.” agad na aya pa n’ya.
“Sa ibang court na lang tayo.”
“Wala ng ibang court guys.” sagot ni Zeal kay Warren. Halatang ayaw n’yang mapanood s’ya ng ex-girlfriend n’yang maglaro.
“G*go, meron pa. Nandyan lang din sa kanto kaya lang hindi s’ya ganun kalawak at kaayos gaya nito.” sagot naman ni Warren.
Nagpaiwan si Paxton dahil matutulog pa daw s’ya habang kaming tatlo naman ay nagpasyang silipin ang kabilang court. Wala pang labing limang minutong paglalakad ay narating na naman iyon pero nang makitang may ibang grupo na ang naglalaro ay nagpasya kaming bumalik na lang ulit.
“Pinagod mo lang kami Warren. Lintik ka!” reklamo ni Zeal habang pinupunasan ang pawisang noo.
“Oh f*ck!” malutong na mura ni Warrren. Sinundan naman naming pareho ni Zeal ang tinitingnan nito. Saktong pagtingin ko ay ang pagbagsak ng katawan ni Paxton semento. Isang malakas na suntok kasi ang pinakawalan nang kaharap n’yang lalaki na nakasuot ng violet na jersey. Ganun din ang tatlo pa nitong kasamahan na hindi pamilyar sa amin ang mukha. Nakita kong hinablot nang isa sa mga lalaki ang bewang ni Selena saka ito ilinapit sa kanya. Pinagtulakan ni Selena ang lalaki pero masyadong mahigpit ang kapit nito sa kanya. “Motherf*cker!” mura ni Warren kaya patakbo na rin kaming pumasok ng court.
Isang malakas na uppercut ang nataggap ng lalaki mula kay Ryu dahilan para mabitawan nito si Selena at mamilipt sa sakit habang hawak ang babang natamaan. Narinig ko ang pagmura ni Zeal sa tabi ko nang makita rin ang ginawa ni Ryu. Akmang aatakihin na sana ng isa pang lalaki si Ryu nang saluhin ni Jasmine ang braso ng mukhang grasshoper na lalaki. Saktong pagharap ni Ryu sa lalaki ay binigyan n’ya ito ng malakas na suntok sa ilong. Nag-thumbs up naman si Jasmine sa kanya saka tumango si Ryu bilang tugon.
“Hoy!” sigaw ni Warren na parang naghahamon na nang away sa mga lalaki pero mukhang hindi naman ata kailangan ng mga babae ang tulong naming tatlo.
Pinaghahampas ni Selena ang lalaking humawak sa kanya ng highheels n’ya samantalang may isa nang na knockout si Ryu kaya lumipat ito sa isa pa para tulungan si Jasmine na halatang marunong din sa self-defese. Si Warren naman ay nakikipagsuntukan na sa isa pang lalaki.
“Tumawag na lang tayo ng brgy. tanod. Sigurado naman na tayo kung sinong mananalong grupo.” natatawang saad ni Zeal. “Walang kwenta talaga si Paxton kahit kelan.” dismayang dagdag n’ya pa.
***
“Ahhrayyy!” reklamo ni Warren saka n’ya hinampas ang kamay ni Zeal dahilan para mabitawan nito ang hawak na bulak na may betadine.
“Sabihin mo lang kung si Selena ang gusto mong gumawa nito. Pumili ka! Ako o si ex?” panghahamon ni Zeal kay Warren. May ilang mga sugat at galos kasi si Warren sa mukha at leeg dahil sa ginawa n’yang pakikipagbuno kanina.
“Ba’t narinig ko na naman ang pangalan ko?” mataray na tanong ni Selena na napalingon sa gawi namin habang ginagamot ang hiwa sa ilong ni Paxton.
“Ito kasi---Ahhhhhh!” sigaw ni Zeal nang pingutin ni Warren ang tenga n’ya.
Lumapit ako kay Ryu nang mapansing nahihirapan itong lagyan ng benda ang sugatan n’yang kamao.
“Ako na.” saad ko. Wala naman itong nagawa ng kunin ko sa kanya ang hawak n’yang benda at simulang ipaikot yun sa kamay n’ya. “Nasaan nga pala si Jasmine?” tanong ko sa kanya ng mapansing nawawala ito.
“Buying drinks.” tipid n’yang sagot.
“Ryu,” sambit ko sa pangalan n’ya. Nagdadal’wang isip ako kung itatanong ang tungkol kay Angel. “N-Nevermind.” buntonghinigang saad ko.
Hindi ito ang lugar at tamang pagkakataon para itanong sa kanya ang bagay na ‘yun. “Ano iyon?” walang emosyong tanong ni Ryu. Umiling na lang ako bago bitawan ang kamay n’ya.
“Wala,” sagot ko. “Susundan ko muna si Jasmine. Baka kung ano na ang nangyari dun.” paalam ko. Katulad ng inaasahan ay nakatanggap kaagad ako ng panunukso sa dalawa kong abnormal na mga kaibigan.
Ako ang nagimbita sa kanyang sumama sa akin kaya responsibilidad ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa court nang matanaw ko itong naglalakad bitbit ang isang paperbag pero agad itong napatigil nang makita ako.
Skyler.
Hindi ako sigurado kung iyon nga ang lumabas sa bibig n’ya pero nakita ko ang tuluyang pagpatak ng luha sa kaliwa n’yang mata.
“C-Claude.” Mabilis n’yang pinunasan gamit ang braso n’ya ang nagtutubig na mata saka ngumiting lumapit sa akin.
Baka imahinasyon ko lang iyon. Tama! Madaming Skyler sa mundo hindi lang ang kuya ko.