THIRD PERSON’S POV
“Minsan ay hindi ko talaga alam ang tumtakbo jan sa utak mo.” saad nang lalaki. Humiga ito sa kama saka hinayaan ang babaing kasama n’ya na pumatang sa kanyang ibabaw.
“Hindi mo kailangang malaman Victor at isa pa, umaayon naman lahat ang plano ko.” sagot ng babae saka sinimulan ang muling pakikipagtalik sa lalaki. Tanging ang ungol lang ng dalawa ang maririnig sa buong kwarto habang pinapaginhawa ang isa’t isa. Matapos ang ilang session ay agad na nagmadaling magbihis ang babae habang nakatitig lang sa kanya ang lalaking nagngangalang Victor.
“Hinahanap ka na ba ng boyfriend mo?” tanong ni Victor sa babae.
“Yup.” tipid na sagot ng babae.
“You don’t even love him so why just stay here with me.”
“So you love me?” nakangising tanong ng babae. Nang tuluyang makapagayos ng sarili ay lumapit s’ya sa lalaki at muling hinagkan ang labi nito. “No attached feelings, only sex.” bulong ng babae bago tumayo at lumabas ng kwarto ni Victor.
Napako na lamang ang tingin ni Victor sa kisame habang nagiisip ng malalim. Mayamaya pa ay tumayo ito mula sa pagkakahiga at kinuha ang nakatabing kaha ng sigarilyo saka lumabas sa balcony ng kwartong kanyang tinutuluyan. Tanaw n’ya ngayon ang kaninang babae na may kahalikan na ibang lalaki.
Alam n’yang kasama iyon sa plano na gamitin ang lalaking ‘yun pero hindi n’ya pa rin mapigilang magalit kapag may iba itong lalaking kahalikan.
Kinuha n’ya ang maliit na paso na may nakatanim na cactus saka iyon ibinato sa direksyon ng dalawa pero dahil malayo ang kinatatayuan ng mga ito ay hindi yun umabot. Kahit ang pagbagsak ng paso sa semento ay hindi naging dahilan para matinag ang mapusok na halikan ng dalawa.
“F*ck!” malutong na mura ni Victor bago padabog na pumasok ng kwarto. “I’m going to kill that guy!” inis na dagdag n’ya pa.
Isang nakatuping papel ang umagaw sa atensyon ni Victor na nakapatong sa bedside table n’ya. Hindi n’ya na kailangang hulaan kung kanino iyon galing dahil tanging ang babaing lang yun ang nakakapasok ng condo n’ya. Agad n’ya iyong tiningnan at binasa.
“Isla Menterio? Anong klasing pangalan naman ‘to?” isang pilyong ngisi ang gumuhit sa labi ng lalaki. Agad n’yang tinungo ang kinaroroonan ng laptop at nagsimulang magsaliksik. “Ang mga demonyong ‘yun.” saad n’ya nang mabilis na malaman ang patungkol sa isla.
“Mukhang mauulit na naman,” bulong n’ya sa sarili bago tumalon sa malambot na kama at muling makipagtitigan sa kisame. Sa taas ay makikita ang mga litrato ng mga tao na hindi lalagpas sa sampu. Tatlo sa kanila ang may ekis na marka sa mukha. “Sino naman kaya ang susunod? Enimine mini mo sinong demonyo ang isusunod ko? Ikaw… o ikaw…how about you?” pakanta-kantang saad ni Victor hanggang sa mabaling ang mga mata nito sa isang lalaki. “Alfredo Valdez, Jr.” nakangising usal n’ya.
***
“Lalaki ang nakita sa CCTV.” saad lalaki habang pinagmamasdan ang pigura na kuha sa CCTV malapit sa pinto ng opisina ni Mr. Dee.
“Hindi.” usal ni detective Ares. Hiniram nito ang hawak na mouse ng lalaki saka zinoom ang larawan. “Hindi lalaki kundi isang babae. Pagmasdam mong mabuti ang hugis ng katawan nito.” saad ng detective. Hindi nagtaggal ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. “Review the CCTV footage, hindi lang ang mga nasa loob ng paaralan kundi pati na rin ang ibang malapit na establishment.” utos ng detective bago lumabas ng opisina at sagutin ang tawag ng kaibigang detective na si Carlos.
“Kailangan ko ng magandang balita.” bungad n’ya sa kaibigan.
“Mukhang kailangan mo na namang magpuyat. May natagpuan na naman patay na katawan. Katulad na katulad kung paano pinatay sina Mr. Dee.” pahayag ni detective Carlos sa kabilang linya. “Sa Parallel International ang crime scene. Ipapadala ko sayo ang mga nakalap namin.”
“Magaling ang babaing ‘yun.”
“Babae?” tanong ng kausap n’ya.
“Oo. Mukhang babae ang gumagawa ng pagpatay. Batay na rin sa CCTV na kuha sa eskwelahan ni Mr. Dee. Kolektahin n’ya ang lahat ng CCTV footage para maikumpara ko ang dalawang kaso.”
“Sige.” sagot ng lalaki sa kanya.
Marahas na napasapo sa mukha si detective Ares ng madagdagan na naman ang sakit n’ya sa ulo. Hangga’t hindi nila nahuhuli ang may gawa ng mga pagpatay ay dadagdag lang dadagdag ang kaso hanggang sa matambakan na naman s’ya.
CLAUDE’S POV
Matapos ang dalawang araw na suspensyon ng klase ay bumalik na ulit ang lahat sa academy. Makikita pa rin ang barricade tape sa palibot ng canteen at halatang hindi pa natatapos ang pangangalap ng ebidensya.
“Saan na tayo n’yan kakain? Ayokong kumain sa labas nagtitipid ako.” saad ni Zeal habang pinupunasan ang pawisan n’yang mukha. Kakatapos lang kasi ng P.E namin.
“Wala tayong ibang choice. Kita mo namang sarado pa rin ang canteen. Tsaka sino pa ang kakain jan kung lagi mong maaalala ang macaroni soup na may secret ingredients na katawan ng tao.”
“Cannibal na ba ang tawag sa mga estudyanting kumain ng karne ng tao?” inaantok na tanong ni Paxton na kasama naming naglalakad papuntang banyo.
“Oo naman!” sagot ni Warren. “Cannibalism na ang tawag dun kapag kumain ka ng laman ng tao. Intentional man yun o hindi.” pagmamarunong n’ya.
“Ang talino mo sa part na yun, Warren. Sana rin makasagot ka kapag nabunot na ni sir Robert ang index card mo. Hahahah!” pangaasar ni Zeal kaya nagsimula na namang maghabulan sa hallway ang dalawa.
“Look. Mukhang nagkakainitan ang magpinsan.” sambit ni Paxton kaya naman sinundan ko kung saan s’ya nakatingin.
Nakita ko si Jasmine at Jayce na mukhang nagkakasagutan. Kalmado lang ang mukha ni Jasmine habang nagsasalita samantalang kabaliktaran naman nito si Jayce na marahas na napapasuklay ng buhok. Mabilis na tinalikuran ni Jayce ang pinsan saka sinipa ang trashcan na malapit sa kanya bago maglakad papalayo. Nagtama ang mata namin ni Jayce pero halos magsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng pilyo itong ngumiti sa akin. She’s creeping me out. Parang mas malala pa ata ito kaysa kay James.
“Opps. Sorry, bro.” saad ni Allan nang mabangga n’ya ako. Saktong paglabas kasi n’ya sa banyo ay s’ya ring pagpasok ko. Mabilis n’ya akong inakbayan saka sumabay sa amin sa pagpasok ng banyo. “Guys! I’m having a big party on Saturday. You should all come.”
“Gusto ko yan!” Warren beamed with excitement. Mukhang nakalimutan n’ya atang tatapusin namin ang mga assignment ang activities sa subject ni professor Brown.
“Madami ka bang chicks na inimbitahan?” tanong naman ni Zeal habang shina-shampo-han ang buhok n’ya.
“Syempre hindi yan mawawala.” pagmamalaki ni Allan. Hindi na ako magtataka kong isang araw ay mabalitaan na lang namin na may sakit na s’yang HIV dahil sa iba’t ibang babae na pinapatos n’ya. May girlfriend na s’ya pero hindi pa rin ito makapirmi sa isa.
“Asahan ko kayo sa sabado lalo ka na Claude. Hindi ka pa nakaka-attend sa mga party ko. Magtatampo na talaga ako.” pahayag nito bago tuluyang lumabas.
“Claude, come on! Sumama ka naman kahit ngayon lang.” Inalis ko ang braso ni Warrren nang akbayan ako nito saka pumasok sa isang shower room.
“Tambak na nga tayo sa mga pinapagawa ni sir brown ay naisipan n’yo pa talagang umattend ng party.”
“Minsan lang naman ‘to tsaka isa pa meron pa naman tayong Sunday para gawin yun.” giit ni Zeal.
“Sa tingin mo ba ay sapat ang isang araw na gawin yun lahat?”
“Lets pull an all-nighter then.” suhestyon ni Warren.
“No! Bawal akong mapuyat!” sabat naman ni Paxton na nasa kabilang shower room.
“Who invited you to join us?” tanong ng pinsan n’yang si Zeal.
“I’ll just tell tita na inuna mo ang party kesa sa mga school works mo. How about that?” pagbabanta ni Paxton.
“Don’t you dare! H*yop ka talaga!” asik ni Zeal.
“Don’t you dare too.”
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga kalampag sa loob ng shower room na kinaroroonan ni Paxton. Mukhang sinugod na s’ya ni Zeal.
***
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Jasmine ng makita itong mag-isa habang nakaupo sa tabi ng watertank sa rooftop at nakatanaw sa kawalan.
“Saasabihin ko ba sa parents ko na ampon lang ako o I’ll just let them keep guessing?” tanong n’ya na ikinakunot ng noo ko.
“What?”
“Kapag ba kinagat ng bampira ang zombie ay magiging bampira ito or vice versa?” muling tanong n’ya kaya naman hindi ko na mapigilan matawa. Ang seryoso n’ya rin kasi habang tinatanong iyon. Sa huli ay sabay na kaming tumatawa. “Nabasa ko lang ‘yun sa internet at ngayon nga ay hindi na ako matahimik dahil sa mga nakakabobong tanong na yun. Hahahah.” she added.
“What brought you here?” tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan na rin ang asul na kalangitan.
“I was just wandering around and the next thing I knew, I was already here.”
“Did something happen between the two of you?” tanong ko. Ngumiti lang s’ya habang nakatitig pa rin sa kawalan. Iisang tao lang naman ang tinutukoy ko kaya sigurado akong kilala n’ya na iyon.
“Sinabi ko sa kanyang bumalik na lang s’ya sa probinsya. Nagalit s’ya nang sinabi ko iyon.” sagot n’ya saka ibinaba sa kamay n’ya ang kanyang tingin. “She gave me this.” Nang buksan n’ya ang kamay n’ya ay nakita ko ang isang pendant na may disenyong bala. Hindi iyon ordinaryong kwentas lang dahil isa iyong maliit na foldable knife.
“Don’t worry, magkakaayos din kayo. Sina Zeal at Paxton nga ay palagi rin namang nag-aaway but at the end of the day nagkakaayos din sila.”
“I hope so.” bulong ni Jasmine. “Thank you Claude.” saka n’ya ibinaling ang tingin sa akin. Wala sa sariling hinawakan ko ang kabila n’yang pisngi saka pinunasan ang luha nito.
***
Mula sa powerpoint ay pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan ng Isla Menterio. Hindi maitatanging maganda nga ito sa kabila nang kakaiba nitong pangalan.
“Wow.” bulaslas ni Kelsey habang nakapako ang mga mata sa monitor. “Nasaan ang resort?” tanong n’ya nang matapos ang slideshow.
“We need to divide the class. 4 members each tent.” pahayag ni Ryu.
“What? Walang hotel resort?" dismayadong saad ni Kelsey na napapadyak na lang.
“Obviously wala.” walang emosyong sagot ni Ryu. “This will be a camping trip. We only have 2 weeks before the trip kaya naman magkakaroon tayo ng orientation next week. Attendance is a must. Please be a responsible leader. Hikayatin n’yo ang lahat na mag-participate sa gaganaping orientation dahil kung hindi ay mapipilitan kaming alisin sila sa listahan.” dagdag pa n’ya habang masamang nakatitig sa akin.
Ako ba ang pinapatamaan ni Ryu? Mukha ba kong bad influence sa mga kaibigan ko? Para ngang baliktad ang sitwasyon ko. Sila Warrren itong mga demonyo sa buhay ko.