Chapter 9: Slap of Truth

2098 Words
RYU’S POV Someone’s been following me. Nagsimula iyon matapos ang pagpaslang sa assistant cook ng cafeteria. Hindi ko alam kong guni-guni ko lang yun pero ramdam ko ang parehas ng mga matang nakamasid sa akin. Hindi ako empath o psychic pero iyon talaga ang nararamdaman ko. This mother f*cker is an expert in playing hide and seek. Alerto ako habang naglalakad sa madilim na hallway ng paaralan. Kakatapos ko lang gawin ang powerpoint para sa orientation kaya hindi ko napansing alas-otso na pala ng gabi. “Naku. Anong oras na. Magiingat ka ija.” saad ni manong guard kaya tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Nang makasakay ng taxi ay agad kong sinilip ang likurang bintana para tingnan kung may nakasunod nga ba sa akin at hindi nga ako nagkamali, nakita ko ang isang pigura na nakatayo sa madilim na bahagi ng daan. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa taxi na sinasakyan ko. Hindi ko mapigilang kabahan. Normal impression lang iyon lalo pa’t mukhang may nagbabanta sa buhay ko. Pagkarating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Hindi na ako nagabalang kumain dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Agad kong kinuha mula sa bag ang laptop ko at tiningnan ang huling update sa balita ng pagkamatay ni Sunshine. Sa ngayon ay pinaghihinalaan ng mga pulis ang lalaking ka live-in nito. Nasa impluwensya ng droga ang lalaki at bukod pa dun ay may nahanap ding mga critical evidence ang pulisya. Hindi pa nailalabas ng crime lab ang mga impormasyon kung tugma nga ba sa DNA ng lalaki ang mga ebidensyang nakalap ng mga awtoridad pero kong positive ang lumabas ay may kapangyarihan na ang mga pulis na hulihin at sampahan ng kaso ang lalaki. Sa ngayon ay pinagdidiinan pa rin ng boyfriend ni Sunshine na inosente s'ya. “Wala po akong kinalaman sa pagkamatay ng Shine. Ilang ulit ko ba yung uulitin sa inyo!” umiiyak ng pahayag ng lalaki mula sa balita. Pinapanood ko kasi ang updated local news patungkol sa kaso. “Hindi ko yun magagawa sa kanya. M-Mahal na m-mahal ko s’ya.” dagdag pa ng lalaki habang nakaluhod sa semento. Makikita sa video ang mga tao sa paligid na minumura ito at binabato nang kung anu-ano. Kahit papaano ay hindi ko mapigilang maawa sa lalaki. Gusto ko itong paniwalaan pero hindi pweding manaig ang awa sa gan’tong kaso lalo pa’t hindi mo alam ang totoong pagkatao nito. Inilapag ko sa tabi ang laptop bago ipahinga ang likod ko sa malambot na kamang kinaroroonan ko. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay doon na ako tuluyang nilamon ng matinding antok. *** Isang malakas na ingay mula sa bintana ang mabilis na nagpamulat ng mga mata ko. Nakita ko mula sa labas ang pagsayaw ng mga sanga habang hinahangin ito ng malakas. Madilim na ang buong paligid. Binuksan ko ang lampshade na nakapatong sa bedside table para bigyang liwanag ang kwarto ko pero laging gulat ko nang makita ang pigura ng isang tao na nakatayo sa paanan ng higaan ko. Mabilis akong napasigaw dahil sa matinding gulat pero kasabay nun ay ang pagsunggab nito sa akin. Muli akong napahiga sa kama nang pumatong ito sa ibabaw ko at sinimulan akong atakihin nang matulis na bagay na hawak nito. Bumwelo s’ya sa planong pagsasksak sa akin pero mabilis kong naiiwas ang ulo ko dahilan para dumaplis ang talim sa leeg ko. Buong lakas ang ginawa kong pagtulak sa kanya dahilan para bumagsak s’ya sa sahig. Kinuha ko ang lampshade saka iyon ibinato at tumama sa tiyan n’ya. Dali-dali ang ginawa kong paglabas ng kwarto at hinanap ang bodyguard sa bahay pero laking gulat ko nang pagbaba ko ay tumambad sa akin ang katawan ng limang bodyguard na wala ng buhay at may mga saksak sa dibdib. Naagaw ang atensyon ko sa kakaibang tunog mula sa kusina kaya sinundan ko iyon. Maingat at alerto kong tinungo ang kusina pero mabilis akong napatakip ng bibig nang makita ang ginagawang pagsaksak ng lalaki sa dibdib ng katulong namin. Hindi tulad nang unang umatake sa akin sa kwarto na halos matakpan ang buo katawan at mukha ay kabaliktaran naman ito sa lalaking kaharap ko ngayon. “Masyadong malaki ang bahay na ‘to para isaisahin ko ang lahat ng kwarto. Haist! Kung sinagot mo na lang sana kaagad ang tanong ko hindi sana gan’to ang kinahinatnan mo.” saad ng lalaki habang ipinupunas ang kutsilyo sa damit ng katulong namin. Dahan-dahan akong naglakad papaatras. Ginagamit ang pagkakataon na nakatalikod ito sa akin para makatakas sa kanya. Kinuha ko ang hawak na baril ng isa sa mga bodyguard na wala nang buhay saka patakbong tinungo ang hagdan. I wanted to die but not like this! Getting stabbed multiple times or shot right through my skull is a big No for me. "Lintik!" mahinang mura ko. Ngayon ko lang napansin ang lintik na hagdan 'to. Bakit kailangang gan'to kahaba at kadami ang steps nito? Wala pa ako sa kalagitnaan ng hagdan ng may nagsalita sa likuran ko."Hi there!" wika ng boses ng lalaki kaya naman mabilis akong napalingon dito. "I guess you're the adapted daughter. Ryu Feliciano." panimula ng lalaking may pakana ng mga pagpatay. Mukhang nag-background check na rin ito pero kung anong file man ang nabasa n'ya ay mali ang impormasyong laman nun. "Wait, kung adopted ka, bakit Feliciano pa rin ang apilyido mo?" tanong n'ya pa. Humakbang ito papunta sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana kaya naman kitang-kita ko na ang pagmumukha n'ya. "I can clearly see your face." saad ko habang nakatutok ang hawak kong baril sa kanya. Mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin. Matangkad ito na sa tingin ko ay aabot ng 5'9 ang taas. Payat ang pangangatawan at kulot ang kulay abo nitong buhok na bumagay sa maputla n'yang balat. "Ahhhh. I guess you're not legally adopted." saad pa n'ya habang inaapakan ang dibdib nang isa sa mga nakahandusay na bodyguard. "Alam mo ba ang tamang paggamit ng baril?" nakangiting tanong n'ya sa akin. "Kung hindi mo aayusin ang porma nang tindig mo ay baka ikaw pa 'tong masaktan. Alam mo Ms. Ryu, wala naman akong balak na masama sayo. Si Mr. Valdez lang naman ang pakay ko." pagamin n'ya. Masyado s'yang madaldal para sa isang kriminal. "B-Bakit?" humahangos na saad ko habang hindi pa rin inaalis ang nakatutok na baril sa kanya. "Sabi nila past is past, meaning what happened in the past make no sense now but not for us who painfully suffered. Past is our haunting present. Hindi kami matatahimik hangga't hindi namin nakukuha ang katarungang para sa amin." Kahit nakangiti ito ay kabaliktaran ang nararamdaman kong emosyon nito ngayon. I'm not a so called empath but I can sense his rage right now. He's not doing it for nothing, his doing it for revenge. "Let me tell you a story on how I got my first kill. Bago yun, have you watched Hunger games? Of course you do, it was one of the most popular movies baka nga dun sila na inspired gawin game na yun." natatawang saad ng lalaki. "I never thought that I've become a tribute on that f*cking game!" "W-What do you mean?" kunot noong tanong ko. "I'm one of the most deliquent student and well-known fraternity leader in Parallel International School. Hindi ko akalain na ang behavior ko na yun ang magiging dahilan para ipatapon ako sa mala-impyernong islang yun. This happened 2 years ago Ms. Ryu." bulong n'ya sa akin. Hindi ko napansin ang ginawa n'yang paglapit sa kinatatayuan ko. Masyado akong nadala sa kwento n'ya. At isa pa, parang sasabog ang puso ko sa kabang nararamdaman ko habang pinapakinggan ito. Hinawakan nito ang kamay ko at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak ko sa baril. "I know what you've been up too. Naghahanap ka rin ng mga kasagutan sa mga nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Angel Mae Valdez wouldn't die if you didn't gave her your student nametag." Para akong binuhusan ng timba timabang balde ng yelo dahil sa sinabi ng lalaking katabi ko. Paano n'ya yun nalaman? "I have my source Ms. Ryu. Hindi ko rin akalaing may malalaman akong interesanting kwento sa pagkamatay ng unica hija ng pamilya Valdez." pahayag pa n'ya habang tinitingnan ang laman ng magazine ng hawak n'yang baril. "Don't worry. Hindi ikaw ang dahilan ng pagkamatay n'ya kundi ang may gawa ng madugong larong 'yun and here's a hint. One of them is sleeping tightly inside his room tonight." "M-Mr. Valdez?" hindi makapaniwalang saad ko. "Correct. Katulad ko ay isa ka ring Katniss Everdeen, a tribute pero sa kasamaang palad ay nahablot nila ang kaibigan mo sa pag-aakalang ikaw ay s'ya." paliwanag pa nito habang naglalakad paakyat ng hagdan. "Ako na ang tatapos kay Mr. Valdez para sayo. Ayokong mabahiran ka ng dugo dahil once na nagawa mong pumatay ay nakaka-addict na." Mabilis akong napakapit sa railings ng hagdan dahil sa panghihina ng mga binti ko. Isang rebelasyon ang sumampal sa akin ngayong gabi mula sa isang misteryosong lalaki na hindi ako sigurado kung makakapagkatiwalaan ko nga ba. Tama s'ya. Matagal na akong naghahanap ng kasagutan sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Angel. Kung bakit ganun katindi ang mga sinapit n'ya pero hindi ko akalaing kasabwat ang ama n'ya. Kung ganun una palang ay plano na akong patayin ni Mr. Valdez. Nanghihina man ay agad kong inihakbang paakyat ang mga paa ko. Kinuha ko mula sa wall display ang isang baseball bat. Gusto kong saktan at patayin si Mr. Valdez dahil sa ilang taon n'yang pagpapahirap sa akin. Naging impyerno ang buhay ko dahil sa kanya. He killed her own daughter! He killed my bestfriend! Ilang taon kong sinisi sa sarili ko sa pagkamatay ni Angel. Halos dalawang taon kong pinagbayaran ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Tinungo ko ang sekretong daan papunta sa kwarto ni Mr. Valdez. Masyadong mahal ng matandang 'yun ang buhay n'ya kaya gumawa s'ya ang mga tagong pinto sa kwarto n'ya. Katulad ng inaasahan ay mahimbing ang tulog nito. Hindi ko mapigilan ang tuluyang pagpatak ng luha ko dahil sa matinding galit. Kailangan n'yang mamatay! Kung yun ang magpapagaan sa dibdib ko ay gagawin ko. Iniangat ko ang hawak kong baseball bat pero bago ko pa man iyon maihampas sa matanda ay bigla namang dumating ang lalaki. Itinutok nito ang baril sa matanda at bago n'ya pa makalabit ang gatilyo ay iniharang ko na ang katawan ko para saluhin ang bala. Sa akin ang buhay ng matandang yan. Ako ang papatay sa kanya! Tumama ang bala sa balikat ko. Ramdam ko ang pagbaon nito sa laman at buto ko. "Ryu!" tawag ni Mr. Valdez. May pinindot itong kung ano para balutin nang malakas na wangwang ang buong paligid. Nakita ko ang mabilis na pagalis ng lalaki. Hindi magtagal ay tuluyan ng nandilim ang paningin ko. "Hahahaha! Natalo ka na naman!" halakhak ni Angel habang sumasayaw na parang tanga sa harap ko. Natalo kasi ako sa pustahan naming dalawa. Kapag nakahanap daw ako ng ka-date this upcoming homecoming ay may 3 wishes daw ako sa kanya pero pagnatalo naman ako ay may 3 wishes s'ya sa akin. "Ready ka na ba sa first wish ko?" tanong n'ya habang tumataas-baba ang kilay n'ya. "My first wish is dapat mag-attend ka ng sweet 16 party ko this Saturday. "Per-----" agad akong naputol nang biglang akong akbayan ni Angel at takpan ang bibig ko. Pasaway talaga kajit kelan. Hahahah. "No buts. Kapag hindi ka pumunta sa party ko ay friendship's over na tayo. Hmmp!" kunwaring pagtatampo n'ya. Lagi n'ya na lang akong pinapakonsensya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Angel. I have no other choice. Titiisin ko na lang ang masamang tingin ng tatay n'ya sa akin sa sabado. Kapag pumupunta kasi ako sa kanila ay laging ipinapamukha ni Mr. Valdez ang pandidiri n'ya sa akin. Alam kong ayaw n'ya ako bilang kaibigan ng unica hija n'ya dahil hindi ko ka-level ang yaman nila but for Angel, I'm her little sister, an unreplaceable bestfriend. Ganun din ang turing ko sa kanya. Lagi s'yang nandyan sa tuwing malungkot ako at nagiisa. She's all I have. I grew up in an orphanage at nang tumuntong na ako sa edad na kaya ko na ang sarili ko ay saka lang ako umalis dun at namuhay ng mag-isa. Sinwerte akong makapasok sa schoolarship ng Valdez International kaya naman naipagpatuloy ko ang pagaaral ko hanggang sa makilala ko si Angel. Magkaibang-magkaiba ang personality naming dalawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit walang makapaghiwalay sa amin. Ngunit isang araw isang masamang balita ang gumimbal sa aming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD