Chapter 11: Concerned

1993 Words
THIRD PERSON POV "What happened to you?" tanong ng babae nang maabutan sa kwarto si Victor habang tinatahi ang maliit pero malalim na hiwa nito sa braso. "Nothing serious. I just meet an aggressive cat on my way home." nakangiting sagot ni Victor saka mabilis na hinapit ang bewang ng babae. Yumuko naman ang babae para abutin ang labi n'ya saka s'ya nito siniil ng halik. "W-Wait babe. Tapusin ko lang 'to." natatawang saad n'ya pero imbis na tapusin ang ginagawang pagtahi ay pinutol n'ya lang ang sinulid saka itinuon ang pansin sa babae. "Are you trying to seduce?" nakangising tanong ni Victor nang mapansin ang suot ng babae. Halos luwa na ang dibdib nito dahil sa maikli at manipis na spaghetti top idagdag pa ang napakaikli nitong palda. "No. This is my gift to my so called boyfriend." sagot ng babae. Mabilis na nagsalubong ang dal'wang kilay ng lalaki dahil sa narinig. Inalis ni Victor ang kamay sa bewang ng dalaga at marahas na napahilamos sa mukha. "You f*cked that guy and you want me to that with you without cleaning yourself." dismayadong pahayag ng lalaki. "Then let's take a bath together," she said seductively while removing her top. "Let's go." mabilis na sagot ni Victor saka hinila papasok ng banyo ang babae suot ang pilyong ngiti sa labi. "So, tell me about that cat." saad ng babae habang nakalubog ang parehong mga katawan nila sa bathtub. She's not literally talking about a pet. "I want to play with her." "Sino ba kasi yun?" inis na tanong ng babae. "Don't be jealous. Hahaha. I want to play with her but not in my bed." tumatawang sabi ng lalaki nang mapansin ang pagtaas nang boses ng kasama. "Do I know her?" "Ryu Feliciano. The adopted daughter of Valdez." nakangising pahayag ni Victor habang gumagapang ang kamay sa dibdib ng babae na ngayo'y nakapwesto sa harap n'ya. "Ryu?" gulat na saad ng babae saka mabilis na hinuli ang kamay ng lalaki na kanina pa humahaplos sa katawan n'ya. "You know her?" "Oo naman. She's the SC President in our school." "Interesting." usal ng lalaki bago sakupin ang labi ng babae. "Babe, I want to play with her." he said in between their kiss. "Siguraduhin mo lang na hindi maaapektuhan ang plano ko. You know we've prepare for this a long time ago. Ayokong masayang ang lahat ng mga pinaghirapan natin." Humarap ang babae sa kanya saka ipinulupot ang mga binti nito paikot sa kanyang bewang. Hindi mapigilang mapaungol ng dalawa habang patuloy na pinapaginhawa ang isa't isa. Isang plano ang agad na naisip ni Victor para sa bago n'yang laruan. *** CLAUDE'S POV "Ryu!" sigaw ni Selena nang iluwa ng pinto ang kaibigan n'yang apat na araw missing in action. Mabilis n'yang sinalubong si Ryu at dinambahan ng mahigpit na yakap pero agad din s'yang napabitaw nang mapadaing ito sa sakit. "A-Are you okay? S-Sorry." tarantang saad ni Selena. "A-Ayos lang." sagot naman ni Ryu. Napansin ko ang mabigat na ekspresyon sa mukha n'ya na parang may mabigat na dinadala. Something's wrong with her. Para bang may masakit sa kanya na pilit n'yang itinatago. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip kung napano ka na? Akala ko ay may nangyari nang masama sayo." Akmang yayakap na naman sana ni Selena si Ryu nang mabilis s'yang iwasan nito. "Nagkaroon lang ng emergency sa bahay." narinig kong sagot ni Ryu bago maupo sa pwesto n'ya. "Ryu! Ms. Pres." chorus na tawag ni Zeal at Warren na kakapasok lang din ng silid. "We missed you! Anong nagyari sayo at apat na araw kang wala?" tanong ni Zeal. "Emergency." tipid n'yang sagot. Napansin ko ang maliit na band-aid sa leeg nito. I don't think na big deal iyon. Hindi nga ba? Habang nasa kalagitnaan ng klase ay aksidente kong napansin ang panginginig ng kamay ni Ryu. Nakasimangot s'ya na halatang nahihirapan dahil hindi s'ya makapagsulat nang maayos. What's wrong with her? Aksidente n'yang nahulog ang ballpen na gumulong sa tabi ko kaya naman pinulot ko iyon at iniabot sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay n'ya at mukhang napansin n'ya ang pagtitig ko kaya mabilis n'yang hinablot ang ballpen bago muling ibalik ang tingin sa harapan. Nang matapos ang dalawa naming klase ay agad kong tinungo ang SC office para kausapin si Ryu. Hindi pa napapansin ni Selena at nang iba pa ang weird na mga ikinikilos n'ya. I just want to make sure na maayos ang lagay n'ya. She's been acting weird. Pagkatapos kasi ng unang klase ay hindi na ito pumasok sa sunod na klase which is PE class. Tanging si James lang ang naabutan ko sa SC Office na abala habang pumipindot sa scientific calculator n'ya. "Pumunta ba rito si Ryu?" tanong ko. Nakita ko ang paglaki ng dalawa n'yang mata na halatang gulat na gulat. "B-Bumalik na si Ms. Ryu?" excited na tanong n'ya. Hindi ko s'ya sinagot at isinara na lang ang pinto. I'll take that as a No. "Claude!" tawag sa akin ni Selena. "Have you seen Ryu?" tanong n'ya. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. "Okay thanks." I've already checked the SC office, rooftop and clinic pero wala akong nakitang Ryu. Saan naman kaya napadpad ang babaing 'yun? Hindi n'ya ba napapansin na may mga tao ring concern sa kanya. Masyado n'yang pinagaalala si Selena. Where will she go? Ayaw n'ya sa matatao at maiingay na lugar. Anong parte ng school ang pupuntahan n'ya o may access s'ya. Auditorium. Nang maiisip yun ay agad ko yun tinungo. Kung tama ang hinala ko ay baka inaayos n'ya ang presentation para sa next week orientation. Nang tuluyang makapasok ay agad kong nilibot nang tingin ang malawak na kwarto pero wala akong nakita kahit anino ni Ryu. Akmang paalis na sana ako nang mapansin ang pamilyar na laptop na nakapatong sa speech table na nasa stage. Kay Ryu ang laptop na 'yun. Iyon ang lagi n'yang bitbit sa SC office. Bumababa ako papunta sa stage at doon ko nakita si Ryu na nakaupo at nakatago sa speech table habang yakap ang mga binti at nakabaon ang mukha sa tuhod nya. "Ryu." tawag ko sa kanya pero hindi s'ya mag-angat ng tingin sa akin. I heard her whispering something kaya naman mas lumapit pa ako sa kinauupuan n'ya. "I should just let him die." paulit-ulit na bulong ni Ryu. "Ryu." muling tawag ko sa kanya. "H-Hey. Are you okay?" "I should just let him die." paguulit n'ya. Lumuhod ako sa harap n'ya at niyugyog nang mahina ang balikat n'ya. Mukhang nagtagumpay naman ako dahil dahan-dahan n'yang iniangat ang tingin n'ya sa akin. Parang may humaplos sa dibdib ko ng makita ang mapupungay at mugto n'yang mata. Kanina pa ba s'ya umiiyak? Kilala ng lahat si Ryu as the Ice president of Sevillano Academy. Nakaka- intimidate ang presensyang ipinaparada n'ya sa tuwing naglalakad na s'ya sa campus but now, I'm witnessing her weak side. Maraming umiidolo at naiinis sa kanya dahil sa ugaling ipinapakita n'ya but now I fully understand why she's been building a wall around her. She don't want to reveal her soft side. Ang pagligtas at pagkaibigan n'ya kay Selena at ang ginawa n'yang pagsalba sa orphanage. I can totally tell that she's a softy. Muli n'yang ibanaon ang mukha sa kanyang tuhod. "G-Go away!" pagtataboy n'ya sa akin pero imbis na sundin s'ya ay umupo ako sa harap n'ya. "You can't order me around." saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "So what happened?"tanong ko. Umaasang mago-open up ito sa akin but I doubt it. She don't want to trust anyone except herself but still, I'll try to befriend with her. "Sino ang tinutukoy mo na 'I should just let him die?" tanong ko pa. Mabilis itong tumayo at kinuha ang laptop n'ya. Akmang aalis na sana ito nang agad kong hawakan ang kamay n'ya pero dahil sa ginawa kong yun ay napaharap ito sa akin. "B-bakit?" puno ng pagtatakang tanong ko nang magtama ang mata namin. Para itong naiiyak na naman. Ibinaba ko ang tingin sa kamay n'ya ng maramdaman ang malagkit na bagay na nahawakan ko. Dugo. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa braso n'ya papunta sa kamay n'ya pero nang iangat ko ang tingin sa kanya at nakita ko ang pagtagos ng dugo sa suot n'yang uniform. "F*ck! Ryu! May sugat ko!" tarantang saad ko. "I-I'm fine." giit n'ya. "No your not! Let me see!" pinaupo ko s'ya sa sahig at hinarap s'ya. "I'm not a pervert. Titingnan ko lang ang sugat mo." depensya ko. Bigla n'ya kasing hinawakan ang kamay ko nang alisin ko ang unang butones sa uniform n'ya. "Anong nangyari sayo?" kunot noong tanong ko ng tumambad sa akin ang nakabenda n'yang balikat. Mukhang hindi lang ordinaryong sugat ang meron s'ya. Umiwas ito ng tingin sa akin at inayos ang naka-unbuttoned n'yang blouse. "Mas makakabuting wala kang alam." mahinang saad n'ya bago tumayo. Ang sugat n'yang yun ang dahilan kung bakit nanginginig ang kamay n'ya mula pa kanina. Hinubad ko ang suot kong blazer at ipinatong sa balikat n'ya para matakpan ang duguan n'yang blouse. Para s'yang nakapatay ng tao kapag naglakad s'ya sa hallway ng ganun ang itsura. "Halika sa clinic. " "No!" "Your bleeding to death!" "Then so be it! Stop pestering me! Bumalik ka na sa room!" Ang tigas ng ulo n'ya! Gusto n'ya ba talagang mamatay? Mukha na rin s'ya multo dahil sa pamumutla ng mukha n'ya. "You gave me no choice." saad ko bago s'ya sapilitang buhatin. "Ano b---Ahhh." biglang daing n'ya dahilan para mapatigil s'ya sa panlalaban. "W-Wag sa clinic. Ayokong tumawag sila sa bahay." iwas tinging pakiusap n'ya. "Sure." "A-And, don't let anyone see my face. Ayokong ma-issue." pahabol pa n'ya. Ipinatong n'ya sa ibabaw ng ulo n'ya ang blazer ko bago kumapit nang mahigpit sa leeg ko. I saw some students staring at us pero hindi ko yun pinansin at malalaki ang hakbang na tinungo ang parking lot. Mabuti na lang at dinala ko ang kotse ko kaya hindi na namin kailangang mag-commute papuntang hospital. Habang nasa loob ng kotse ay tahimik lang sa tabi ko si Ryu habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay kating-kati pa rin akong tanungin s'ya kung saan n'ya nakuha ang sugat n'yang yun. "Gangster ka ba?" wala sa sariling tanong ko. Gustong kong iuntog ang sarili ko sa steering wheel. Anong klasing tanong yun? "I was shot."  Mabilis kong naipreno ang sasakyan dahil sa sinabi ni Ryu. "What?" tanong ko saka mabilis na napalingon sa kanya. "I was shot." paguulit n'ya habang nakatingin pa rin sa bintana. "M-May nagtatangka ba sa buhay mo?" "Hindi ko alam." halos pabulong na saad n'ya. Muli kong pinaharurot ang sasakyan hanggang sa makarating kami ng hospital. Halos kalahating oras din akong nagantay kay Ryu. She's been shot! Sinong walanghiya ang gagawa nun sa kanya? Baka nga pamilya ng gangster ang umampon sa kanya. "Claude!" tawag ni Ryu na nakatayo na pala sa harapan ko. "Let's go. Ihahatid na kita sa inyo." I offered. Ayokong iwan lang s'ya kung saan. Mas makakabuting ihatid ko na s'ya diretso sa kanila para masiguradong ligtas s'ya. "Ayoko ng bumalik sa bahay na yun." tiim bagang na saad n'ya. "S-Sila ba ang may gawa n'yan sayo?" hindi ko mapigilang tanungin yun sa kanya. "Ryu!" inis na sigaw ko nang hindi s'ya sumagot sa akin. "No. M-May dahilan ako kung bakit ayoko nang umapak sa pamamahay na yun." she said tearfully. I tried to controlled my anger. Huminga ako ng malalim bago s'ya muling harapin. "So, saan mo balak pumunta ngayon?" I asked. Siguro naman ay may back up plan s'ya sa plano n'yang paglalayas. "Hindi ko pa alam." sagot n'ya. "You can leave me here." "No! You can stay in my place." without even thinking I uttered those words. Bahala na. She needs a safe place to stay. Konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD