THIRD PERSON POV
”Hanna,” tawag ng babaing kakababa lang ng hagdan nang makita ang kaibigang nagngangalang Hanna. “L-Let’s talk.” mahinahon ang boses na pakiusap n’ya.
“Let’s talk tomorrow. Pagod ako.” sagot nito sa kanya saka tumayo mula sa kinauupuang sofa at naglakad papuntang hagdan pero bago pa naman ito makaakyat ay mabilis n’ya itong hinawakan sa braso.
“Let’s talk.” paguulit ng babae habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaibigan.
Isang mapangasar na ngisi ang kumurba sa labi ni Hanna nang makita ang matatalim na tingin sa kanya ng kaharap na babae. “Ikaw na ba yan Torrence?” tanong n’ya.
“It’s always me, Hanna.” matigas na saad ng babaing nagngangalang Torrence. “Alam mo kung gaano kaikli ang pasensya ko kaya kapag sinabi kong mag-usap tayo ay maguusap tayo. Ayoko nang paulit-ulit.” pahayag ng dalaga bago bitawan ang braso ng kaibigan.
“Simula ng pumasok tayo sa Sevillano Academy ay talagang pinandigan mo na ang katauhan mo bilang Jasmine Romero.” nakangising pahayag ni Hanna.
“Gusto kong patayin gamit ang sarili kong mga kamay ang lalaking yun.” bakas sa boses ng dalaga ang matinding galit sa tuwing naaalala ang mapait na sinapit ng lalaking mahal n’ya sa isla. Dahil sa pagprotekta nito sa kanya ay tuluyan itong nawala sa tabi n’ya kaya naman ng makalabas s’ya sa impyernong ‘yun ay napagpasyahan n’yang ipaghigante ito.
“Bakit hindi pa natin gawin ngayon? Let’s bring the hell to that motherf*cker!” excited na pahayag ni Hanna. Para itong bampira na sabik na makalanghap at makakita ng dugo.
“Hindi. Susundin natin ang plano. Gusto ko munang malantad ang baho ng lalaking ‘yun bago ko s’ya patayin.”
“Torrence, hindi mo ba na narinig ang sinabi ko noon? Nandito na ang ibang survivor, paano kung maunahan ka nilang patayin ang lalaking yun o ‘di naman kaya maunahan pa tayo ni Mr. Sevillano. Tuso ang demonyong ‘yun. Alam na n’yang nandito tayo.” giit ni Hanna.
Sandaling napaisip si Torrence dahil sa sinabi ni Hanna. Tama s’ya baka maunahan nga sila pero ayaw n’yang mamatay ang lalaking ‘yun ng may malinis na pangalan. Gusto n’yang kamunghian ito ng marami hanggang sa wala ‘ni isang tao ang umiyak sa libingan n’ya.
“Let’s kill him the day before the school trip.” pahayag n’ya.
“Bakit hindi na lang ngayong gabi? Bakit kailangan mo pang patagalin? Hindi kita maintindihan!” dismayadong pahayag ni Hanna. “Dahil ba yun sa kapatid ng lalaki mo?” isang matalim na tingin ang muling natanggap ni Hanna mula kay Torrence. May pagbabanta sa mga mata nito na dahilan para mapatikom ng bibig ang dalaga.
“Don’t question my decision.” seryosong saad ni Torrence. “Ang gaganaping school trip ang magiging patibong sa aming mga survivor. Gusto n’yang bumalik ulit kami sa impyernong ‘yun kasama ang mga bago n’yang mga biktima.” paliwanag ng dalaga.
“M-Magsasagawa s’ya ng bagong laro?” gulat na tanong ni Hanna.
“Hindi pa ako sigurado pero yun ang nakikita ko. Hindi ko hahayaang maulit na naman iyon. We need to stop him, Hanna.”
“I’m with you.” sagot nito. Hindi maalis sa labi ni Hanna ang matinding excitement nang marinig ang balitang iyon sa kaibigan. Mukhang hindi magtatagal ay mababahiran na naman ng maraming dugo ang kanyang mga kamay.
***
“Ryu?” mabilis na napalingon si Ryu ng may pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan n’ya bago pa man s’ya makatapak sa pangalawang palapag ng hagdan papuntang apartment ni Claude.
“Jayce. I-Ikaw pala.” hindi akalain ng dalaga na makikita n’ya ito rito. Kung nandito si Jayce ay siguradong nandito rin ang pinsan nitong si Jasmine. Paano na lang kung malaman ng mga ito na nakatira sila ni Claude sa iisang apartment. Napakuyom ng kamao ang dalaga dahil sa inis. Wala kasing nabanggit sa kanya si Claude na sa partment building din na ito nakatira ang dalawa sa kaklase nila.
“Dito ka rin ba nakatira?” tanong sa kanya ng kaklase. Napansin ni Ryu ang hawak nitong sigarilyo.
“Stress reliever.” saad ni Jayce saka muling hinithit ang sigarilyong hawak. “Don’t tell anyone. Hehehe.”
Tumango na lang ang dalaga bago maglakad paakyat pero muli s’yang napatigil ng magsalitang muli ang kaklase. “It’s nice to see you, Ryu.” Hindi alam ng dalaga kung sincere o sarkastiko ang sinabing iyon ng kaklase may iba kasi sa tono ng pananalita nito.
“Salamat.” sagot n’ya na lang bago tuluyang umakyat ng hagdan. Mula sa periphaeral vision n’ya ay ramdam n’ya ang pagsunod ng tingin sa kanya ni Jayce.
Malakas ang ginawang pagbagsak ni Ryu sa pinto nang makapasok sa apartment ni Claude. Bakas ang inis ngayon sa mukha ng dalaga. “Why didn’t you tell me?!” asik n’ya.
“Ang alin?” takang tanong naman ng lalaki kaya naalis ang tingin nito sa hawak na cellphone.
“Jayce and Jasmine!”
“Ohhh. Sorry, nakalimutan ko.”
“This will not work. Babalik na lang ako ng bahay.” mabilis na tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ng backpack pero bago n’ya pa man makuha ang gamit ay mabilis naman humarang sa harap n’ya si Claude. “Alis!” asik ng dalaga.
“Hindi ka na babalik sa bahay na ‘yun.”
“Who are you to order me around!” muling asik ng babae saka tinitigan nang masama ang lalaki. “Ayokong ma-issue sa school.”
“Same here, miss.”
“Iyon naman pala. Just give me back my things nang makaalis na ako rito.”
“Mas mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa sarili mong kaligtasan? Muntik ka nang mamatay tapos ngayon gusto mo pang bumalik sa masasamang taong umampon sayo? Hindi mo ginagamit ang utak mo, Ryu!” dismayadong pahayag ni Claude.
Tuluyang nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa narinig mula sa lalaki. Paano nito nalamang ampon s’ya? Isa iyon sa ayaw n’yang malaman ng mga tao patungkol sa kanya. Ang pagiging ulilang lubos n’ya. Parang bumalik sa alaala ng dalaga ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga tao sa tuwing malalamang wala na s’yang mga magulang. Hindi n’ya ikinahihiya ang pagtira sa bahay ampunan, ayaw n’ya lang kaawaan at maliitin s’ya ng mga tao.
“P-Paano mo nalaman?” mangiyak-ngiyak na saad ng dalaga.
“Ryu,” malumay na sambit ni Claude. Napansin nito ang panginginig ng kaharap. Akmang lalapitan n’ya na sana ang dalaga nang bigla itong umatras papalayo sa kanya. “Paano mo nalaman!” sigaw nito sa kanya. Tuluyan nang pumatak ang pinipigilang luha ng dalaga. Ayaw n’yang umiyak sa harap ng binata pero hindi n’ya na napigilan ang sarili.
“Hinanap ka namin nina Selena, Warren at Zeal kahapon. Ibinigay ni Ms.Emerald ang address mo kaya naman pinuntahan namin ‘yun. We met an old lady from the orphanage and told us about you.” paliwanag ng binata. “Ryu, look wala kaming pakialam sa nakaraan mo dahil mas importante ang ngayon. Please don’t go back to that house.”
“B-Bakit? Bakit ba masyado kang nagaalala sa kaligtasan ko? Hindi naman tayo magkaibigan kaya bakit kung makaasta ka ay parang napakaimportante kong tao sayo. Dahil ba sa nalaman mong ulila ako kaya kinaaawaan mo ako?” tuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga.
“It’s not like that.”
“Yun yun!”
“I like you!” sigaw ng binata. Again, he’s not thinking clearly and just uttered some stupid words. Wala na s’yang ibang maisip na palusot kaya yun na lang ang sinabi n’ya para hindi umalis ang dalaga. Hindi n’ya alam kong kakagat ito pero sa nakikita n’yang ekspresyon sa mukha nito ngayon ay siguradong magtatagumpay s’ya.
Pulang-pula na ngayon ang mukha ni Ryu hindi lang dahil sa pag-iyak kundi dahil sa sinabi ni Claude. Bakas din dito ang matinding gulat. “I want to kill you.” nanggigigil na saad n’ya.
Hindi mapigilang matawa ni Claude dahil sa narinig mula sa babae. “Is that ‘I like you too, Claude.’ pangaasar n’ya pa dahilan para mas mapangiwi sa pandidiri si Ryu.
“You don’t like me.”
“Yes I do.”
“Kung ginagawa mo ‘to para hindi ako umalis ay sige, papayag na akong tumira rito but in one condition.”
“Fine. Ano yun?”
“D-Don’t say those words again. Kinikilabutan ako.”
Muling tumawa nang malakas ang lalaki dahil sa narinig nito. Ngayon n’ya na lang ulit natagpuan ang sarili na tumawa nang malakas dahil sa babaing kaharap n’ya. “Okay. Deal.”
“Also, ‘wag mo rin sasabihin sa mga kaibigan mo na nakatira ako rito sa apartment mo.”
“Ayoko rin naman. Alam mo namang mga siraulo ang mga ‘yun.” nakangiting sagot n’ya sa dalaga.
Ryu Feliciano, she really is a softy. Now, Claude finds her adorable like a teddy bear but kinda deadly.
***
“Hoy! Bakit nakangiti ka jan mag-isa?” pagpukaw sa kanya ni Warren. Nasa bahay s’ya ngayon ng kaibigan dahil napagusapang tatapusin ang mga assignment sa ilang mga subject bago ang school trip next week. “Nasaan na sila Zeal at Paxton?” paglihis n’ya ng usapan.
“Ewan ko dun. Baka pinagpalit na tayo sa party ng mga walang hiyang ‘yun.” Ngayong araw din kasi ang party ng kaklase nilang si Allan. Imbitado sila pero mas pinili nilang tapusin ang nakatambak na mga gawain sa eskwela.
Mayamaya pa ay dumating din ang magpinsan na halos dalawang oras nang late sa pinagusapamg oras. “P*tangina ka talaga!” asik ni Paxton kay Zeal.
“Anong nangyari dun?” puno ng pagtatakang tanong ni Warren nang sumalubong ang nakakunot noong si Paxton at minumura ang pinsang si Zeal.
“Naabutan ko kasing nanonood ng porn. Hahaha. Inagaw ko yung cellphone n’ya saka ibinigay kay tita. Hahaha!” tumatawang kwento ni Zeal. “Ayon na confiscate cellphone n’ya. Walang pornhub nang 1 week.” dagdag pa nito.
“Nice bro.” saka nag-aper ang dalawang magkaibigan.
Napailing na lang si Claude habang tinitingnan ang dalawa na para na namang tanga. Iniisip n’ya tuloy kung may matatapos sila ngayong gabi kahit isang subject lang.
Habang abala sa mga ginagawang paperworks ay sabay-sabay nag-ring ang cellphone nang tatlo.
“Si Allan.” bulong ni Zeal.
“Don’t ans---” huli na dahil tuluyan nang sinagot ni Warren ang tawag ng kaklase.
“Guys, where are you?” tanong ni Allan sa kabilang linya. Halatang may alak na sa sistema ng lalaki dahil sa tono ng pananalita nito.
“Sorry bro, school works muna.”
“Oh come on! You should all come here. Tsaka nandito rin si Selena.”
“What? Nandyan si Selena?” paguulit ni Warren na halatang naiinis na.
“Yup! She’s with Ryu.”
Mabilis na ibinaba ng binata ang tawag saka tumingin sa mga kaibigan. “Let’s go!”
“Inaantok ako.” sagot sa kanya ni Paxton na sarap na sarap sa paghiga sa kama n’ya. Hindi naman tumanggi si Claude na ikinagulat ng katabi nitong si Zeal dahil sa mabilis nitong pagtayo sa kinauupuan.
“I’ll drive.” alok pa ni Claude dahilan para bigyan s’ya ng thumbs up ng kaibigang si Warren. Wala na ring nagawa si Paxton nang sapilitan s'yang buhatin nina Warren at Zeal papasok ng kotse.