Chapter 13: The Deal

2394 Words
RYU'S POV "You're drunk! Umuwi na tayo." saad ko habang inaakay patayo si Selena na halos maglupasay na sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. "No I'm not." she giggled. She cupped my face and kissed the tip of my nose. Napangiwi na lang ako ng maamoy ang alak sa bibig n'ya. "Cutie Riyuiiiii!" dagdag n'ya pa habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin. Sabi ko na nga ba at magkakaganto ang isang 'to. Mabuti na lang at hindi ko s'ya iniwan kasama ang iba pa naming kaklase. Kung nagkataon na hindi n'ya ako kasama kanina habang pinipilit s’ya ng ibang SC members na dumalo sa party ay baka sa kangkungan s'ya matagpuan kinabukasan. Wala akong tiwala sa mga taong nandito. Hindi lang kasi ang section namin ang imbitado kundi may iba pa na hindi pamilyar sa akin ang mga pagmumukha. Parang mga kawala sa hawla ang mga estudyanteng nagiinoman habang sumasayaw at sumasabay sa malakas na tugtog na nagmumula sa malaking speaker. Samantalang ang iba naman ay halos lapain na ang isa’t isa habang nakikipaghalikan. Iba ang nagagawa ng alak kapag pumasok na ito sa sistema mo. Para itong druga na unti-unting magpapakawala nang wild side mo. "Presidennnnttt! You're leaving already?" tanong ni Kei, kaklase namin. Pagewang gewang itong naglakad papalapit sa amin hawak ang isang disposable cup na may lamang alak. "Come on, hindi pa nagsisimula ang totoong partyyyyy!" sigaw na dagdag n'ya pa na ngayo’y sumasayaw na sa harap namin. Bigla namang napaayos nang tayo si Selena at sumabay kay Kei sa pagsayaw. Gusto kong sipain si Kei sa mukha pero hindi ko pweding gawin. Hinablot ko ang braso ni Selena saka sinimulan s’yang hilahin papalabas ng bahay pero agad din akong napatigil sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalaki na nakatayo sa hagdan hawak ang isang wine glass. Itinaas n’ya ang hawak na braso na parang nakikipag-toss sa akin. Mabilis na napakunot ang noo ko ng makita ito. Anong ginagawa n’ya rito? Muli kong hinila si Selena pero hindi palabas ng bahay kundi papunta sa nakita kong kwarto. Nang masiguradong walang ibang tao ay pinahiga ko s’ya doon. “Dito ka lang.” bulong ko sa kanya bago ito iwanan. Babalik din kaagad ako, gusto ko lang masapak ang lalaking ‘yun. Nagpalingalinga ako sa paligid nang hindi ko na makita ang lalaki sa hagdan. “Looking for me?” mabilis akong napalingon ng may magsalita sa likuran ko. S’ya nga! Hindi ko pinansin ang ibang estudyanteng nakapaligid sa amin. Kinuwelyuhan ko ang damit n’ya gamit ang isa kung kamay dahil hindi ko pa kayang pwersahin ang kabila kong balikat.  “Hindi ko sinasadya. Bigla ka kasing humarang nun.” depensa n’ya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Ano pang ibang nalalaman mo sa pagkawala ng iba pang estudyante 2 years ago?” “Gusto mo ba talagang dito natin yan pagusapan?” tanong n’ya habang sinusundan ng tingin ang ilang estudyateng nakatingin sa amin. Marahas ko s’yang binitawan bago maglakad paakyat nang second floor ng bahay. Nakita kong walang tao sa balcony kaya doon ako nagtungo. Naramdaman ko naman ang pagsunod n’ya sa akin. “Wine?” tanong n’ya habang may hawak nang isang bote nang mamahaling wine. “Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo.” “Don’t be to excited. Marami pa tayong oras para pagusapan ‘yan.” natatawang pahayag n’ya habang nagsasalain ng wine sa baso n’ya. Umigting ang panga ko dahil sa sinabi nito. Pinaglalaruan n’ya ba ako? Mabilis kong kinuha ang bote ng wine sa maliit na mesang pinagpapatungan nito at binasag ang pwetang bahagi nito saka itinutok sa leeg ng lalaking kaharap ko. “Speak!” maawtoridad na saad ko. “Woaahh!” usal n’ya. Parang mas nanghihinayang pa s’ya sa wine na nagkalat sa sahig kesa sa buhay n’ya. “Relax babe, parang hindi ka naman mabiro.” dagdag n’ya pa. “Magsasalita ka o gigilitan ko ang leeg mo gamit ang boteng ‘to?” banta ko saka humakbang papalapit sa kanya na dahilan para dumikit ang matalim na bahagi ng bote sa leeg n’ya. Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng dugo mula sa sugat n’ya ngayon. “Ito na nga. Ibaba mo muna yang hawak mo.”Imbes na sundin s’ya ay tinapunan ko lang ito ng masamang tingin. Nakita ko ang pagbuntong hininga n’ya bago seryosong ibalik ang tingin sa akin. “Tulad ng sinabi ko sayo noon, it all started with a bloody game. Hunger game, battle royal if you know those movies ay parang ganun ‘yun. They’ll give you weapons. Depende sa'yo kung gagamitin mo 'yon for your protection without harming others or go with the flow, kill to survive.” Hindi ko alam kung pinatitripan lang ako nang isang ‘to pero base sa pananatila n’ya ay seryoso ito habang nagkukwento. Talaga bang gumawa sila ng laro para pagsabungin ang mga kawawang biktima nila? “Pinaglaban-laban nila ang mga estudyante para pagkaperahan. Kung ako rin naman ang nasa kinauupuan nila, I would enjoy watching them tearing their opponent apart pero sa kasamang palad ay naging kalahok ako which is a hell experience for me.” dagdag pa ng lalaki. Nanghihina ang mga braso kong naibagsak ang hawak kong bote. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaan ni Angel habang nasa islang ‘yun. Ako dapat ang nasa kinalalagyan n’ya. Ako dapat ang kasaluyunang nakahimlay sa kabaong at hindi s’ya pero dahil sa isang pagkakamali ay s’ya ang nakuha imbes na ako.   “Ryu, I’m really sorry. Hindi ko talaga alam na gagawin ‘yun ni dad. I’m really sorry.” Angel said tearfully while holding both of my hands. “Ano ka ba okay lang ‘yun.” nakangiting saad ko kahit ang totoo ay hiyang-hiya ako para sa sarili ko. I should be the one apologizing. Last night should be the best night for Angel but I ruined everything. Pagkatapos kasi nang program ay agad kong tinungo ang kwarto ni Angel para personal s’yang batiin. Mayroon pang party sa ibaba kaya naman alam kong nagpapalit s’ya ng panibagong dress. I was on my way to her room when someone grabbed my arms. Parang mababali ang mga buto ko dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa akin. “You thief!” asik ng ama ni Angel. “You stole my watch.” bintang n’ya sa akin na hindi ko naman ginawa. Matinding takot ang bumalot sa akin dahil sa masamang tinging ipinupukol n’ya sa akin. “H-Hindi po sir.” nangingining ang mga labing saad ko. “Stop lying! Guard!” dumagundong sa buong hallway ng 2nd floor ang malakas na boses ng ama ni Angel. Mayamaya pa ay patakbong lumapit sa amin ang dalawa sa mga bodyguard n’ya. Sinimulan akong kapkapan nang dalawa at nang walang makitang relo na ibinibitang n’ya sa akin ay hindi pa rin ito kumbinsidong wala akong kinuha sa kanya. “Kaladkarin ang babaing yan palabas sa mansyon ko. Ayokong may pagala-galang magnanakaw dito.” utos n’ya na agad namang sinunod ng dalawa. Gusto kong takpan ang mukha ko habang kinakaladkad ako palabas ng mansyon. Nabaling kasi sa akin ang mga tingin ng mga guest ni Angel pero hindi ko magawang takpan ang mukha ko dahil hawak nang dalawang lalaki ang magkabila kong braso. Nang makarating sa malaking gate ay malakas ako nitong itinulak dahilan para mapasubsob ako sa semento. Mangiyak-ngiyak akong napatayo at tiningnan ang damit na nirentahan ko pa sa kapitbahay ko. Napabuntonghininga na lang ako ng maalala ang nakakahiyang nangyari sa akin ng gabing ‘yun. “What can I do to make it up with you?” tanong ni Angel na halatang nakokonsensya pa rin sa ginawa ng tatay n’ya sa akin. Bigla akong napangisi nang maisip ang sagot sa tanong n’ya. “No more wishes.” “Minus 1 wish na lang.” nakasimangot na pakiusap n’ya. Dahil birthday n’ya naman ay pagbibigyan ko na lang s’ya since wala rin akong naibigay na regalo sa kanya kagabi. “Okay.” pagsuko ko. “Anong last wish mo?” “I’ll be you for the whole day! I want to experience your incredible life.” she said with excitement. Napangiwi akong tinitigan s’ya. Hindi ko kasi matukoy kung aling parte ng buhay ko ang exciting sa kanya. “Come on, Ryu. Life is like a roller coaster. It has an ups and downs, all you have to do is scream and enjoy the ride.” she smiled. Inabot n’ya ang name tag na naka-pin sa kaliwang dibdib ko at tinanggal iyon. “Let’s skip the afternoon class.” bulong n’ya na ikinalaki ng mata ko. “No. Alam mo namang scholar ako.” pinanlakihan ko s’ya ng mata dahil sa plano n’ya. “Please?” aniya nito na nagsisimula na namang pakitaan ako nang pagpapa-cute n’ya. “I can’t risk my scholarship.” giit ko. “For me? Isang beses lang tapos after this ay magpapakabait na tayo.” “Ikaw lang. Matagal na akong mabait na estudyante, alam mo yan.” natatawang saad ko. “But not for today!”   Wala na akong nagawa sa pagpupumilit ni Angel sa akin. Sinuot n’ya ang name tag ko at yun din ang ginawa ko sa name tag n’ya. Pinagpalit namin ang name tag naming dalawa. “Let’s go to your house.” aya n’ya kaya naman dinala ko s’ya roon. Ito ang unang beses na pupunta s’ya sa maliit kong apartment na nirerentahan ko. I don’t think na magugustuhan n’yang magtagal dun. “This is where you you live?” tanong n’ya habang nililibot nang tingin ang maliit kong space. “Yahh. So, gusto mo pa rin bang ipagpatuloy ang pagiging ako?” tanong ko sa kanya saka s’ya inakbayan. “Your so cool, Ryu.” usal n’ya na ikinakunot ng noo ko saka napalingon sa kanya. Cool? Ako? Paano n’ya naman nasabi ‘yun? “I also want to live with my own kaya lang ayaw ni papa. Haist! Gusto ko rin maging independent kagaya mo.” Kahit sobrang yaman ng pamilya ni Angel ay sobrang down to earth n’ya. Hindi s’ya kagaya ng ibang tao na namimili ng kaibigan dahil lang sa may kaya sila sa buhay. Angel is truly an Angel. “Atleast you have a family.” bulong ko na lang. “You have me.” saka n’ya yinakap ang bewang ko. Sobra ang pasasalamat ko dahil nakilala ko si Angel. S’ya ang nagsilbing pamilya ko at tagapagtanggol sa mga taong humuhusga sa akin dahil sa pakikipagkaibigan ko sa kanya. Hindi ko alam kung deserve ko nga ba ang isang perpektong anghel sa buhay ko pero ibinigay pa rin s’ya sa akin ng Diyos na habang buhay kong pasasalamatan. Napuno ng asaran at kulitan ang apat na sulok na kinaroroonan namin ni Angel. Hindi ko akalaing magugustuhan n’yang tumambay sa apartment ko. “I hate her. Ang ganda sana ng name n’yang Jessabel kaya lang yung ugali n’ya naman pang-chukoy. Jessabil-bil is more appropriate name for her.” mangiyak-ngiyak na tawa ni Angel habang tinitingnan ang latest IG post ng isa sa mga bully sa school namin. “Your horn is growing. Isa ka na ring alagad ni Lucifer.’’ I joked. “My demonic side is empowering me. Hahaha. Sorry naman. Nakakinis kasi yung mga bully sa school.” “Wait bibili muna akong kwekkwek sa kanto. Stay here.” paalam ko. “Okay. I’ll wait for you, my friend.”   Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang naglalakad dahil sa mga katarantaduhan namin ni Angel habang pinaguusapan ang mga ka-schoolmate naming bully. “Sa 40 pesos nga po na kwek-kwek.” sabi ko kay manong. Isang itim na van ang umagaw ng pansin ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang kaba ng makita yun pero winakli ko na lang ang kutob ko at itinuon sa nilulutong kwek-kwek ang atensyon ko. “Maanghang ba yung sauce ne?” “Opo.” sagot ko. Mayamaya pa ay napansin ko ang pagbalik ng van. Nang maibigay sa akin ni manong ang order at sukli ko ay malalaki ang mga hakbang ko na bumalik sa apartment pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng salubungin ako ng landlady ko. “R-Ryu! Yung k-kaibigan mo! Na-kidnap!” humahangos na saad n’ya. Nabitawan ko ang hawak kong pagkain at dali-daling tumakbo papasok ng apartment. “Angel!” sigaw ko. Nadatnan ko ang mga nagkalat na gamit sa kwarto ko. Halatang sapilitan nilang kinuha si Angel. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling araw na makikita kong buhay ang kaibigan ko.   *** “I know what your thinking.” saad ng lalaki na ngayo’y nakatanaw na sa madilim na kalangitan. Isa na ba s’yang mind reader ngayon? “You wanted to kill that man with your own hands kaya mo sinalo ang bala na para sa kanya.” dagdag na saad pa n’ya. That’s may plan at hindi yun ang kaninang iniisip ko. “You have the guts to be a killer.” “He’s mine. ‘Wag mong gagalawin si Mr. Valdez.” I almost whispered while looking at my trembling hands. “Do you think you can kill him?” tanong n’ya. “He tried to put me on that game but instead he killed his only daughter. I will kill him.” walang pagaalinlangan kong pahayag. “Here’s the deal. Kapag nagawa mong patayin si Mr. Valdez bago matapos ang buwang ‘ito ay sasabihin ko sayo kung sino-sino pa ang sangkot sa paggawa ng laro na dahilan nang pagkamatay ng bestfriend mo.” “At bakit naman ako makikipag-deal sayo? Papatayin ko si Mr. Valdez kung kelan ko gusto.” pagmamatigas ko. “Hahahahahaha! Hindi ako tanga para ibunyag sayo lahat nang nalalaman ko nang libre, Ms. Ryu.” tumatawang pahayag n’ya na ikinakunot ng noo ko. “Kapag hindi mo yun nagawa ay ako ang mismo ang papatay kay Mr. Valdez… at isusunod kita.” dagdag pa n’ya habang seryosong nakatitig sa akin. “Ryu!” tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon. “Pag-isipan mo Ms. Ryu.” sabi pa ng lalaki bago ito tuluyang mawala sa harap ko.  Ginamit n’ya ang galit ko saka ibinigay sa akin ang mga impormasyong kailangan ko para sa huli ay magamit n’ya ako. Ang walanghiyang ‘yon!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD