CLAUDE'S POV
"Arayyy!" daing ni Warren nang hindi sinasadyang tamaan ni Selena ang ilong n'ya nang mapalakas ang pagbukas nito ng swing door.
Humalakhak naman na parang tanga si Zeal dahil sa nakita pero sunod s'yang namilipit sa sakit nang bitawan ni Selena ang handle ng swing door kaya agad ‘yon tumama sa mukha n'ya. May kalumaan na rin kasi ang pinto kaya naman may problema na ang mechanism nito.
"Sorry." usal ni Selena habang tumatawang tinitingnan si Warren na nakahawak sa ilong n'ya ngayon. "Your bleeding Warrenie." akmang hahawakan na sana ni Selena ang ilong ni Warren nang pigilan s'ya nito.
"D-Don't. Ang likot mo Selena. Just sit!" parang tuta naman na sumunod si Selena at agad na naupo sa tabi ni Ryu. Nakita ko ang pagsilay nang ngiti sa labi ni Warren. Para s'yang naiihi at nauutot na ewan. Warrenie kasi ang tawag sa kanya ni Selena noong sila pa kaya for sure ay kinikilig ang gago ngayon. Nakakakilabot ang mukha n’ya kapag kinikilig.
"Ryuuuu!" usal si Selena saka yinakap sa bewang ang kaibigan.
Kanina pa tahimik si Ryu mula ng umalis kami sa party ni Allan o mas tamang sabihin ko na simula nang makausap n’ya ang lalaking ‘yon na hindi pamilyar sa akin ang mukha.
"Can you do something? Parang kiti-kiti yang girlfriend mo." reklamo ni Zeal habang hinihimas ang noo n'yang namumula dahil sa nangyari kanina.
"She's under the influence of alcohol at kaya rin tayo nandito sa Albama ay para mahimasmasan ng bulalo ang isang 'to." sabay turo ni Warren sa katabi n'ya pero muli s'yang napahiyaw sa sakit nang biglang kagatin ni Selena ang daliri n'ya.
"Selena! Ghad!" he exclaimed in frustration.
"G-Galit ka ba sa akin, Warrenie?" nakangusong tanong ni Selena nang alisin ang bibig sa daliri ni Warren saka n’ya ito yinakap sa bewang.
"H-Hindi. Just b-behave." utal na sagot ni Warren habang sunod-sunod na napapalunok. Mukha s'yang manok na papagaspas dahil sa nakaangat n'yang mga braso. Halatang kabado ang tarantado habang iniiwasang mahawakan si Selena.
Mabilis na nabaling atensyon namin ng may biglang mag-flash na ilaw ng camera. Hawak ngayon ni Zeal ang cellphone n'ya habang nakatutok kina Warren at Selena.
"Pang-blackmail." kibit balikat na sagot n'ya bago ibaling ang tingin sa nakuhang picture. "Hahaha! Parang constipated si g*go." tumatawang pangaasar ni Zeal. Nanggagalaiting ibinaling ni Warren ang kamay n'ya sa mukha ni Zeal at pinigyan ito ng f*ck you sign.
“Teka, nasaan nga pala si Paxton?” tanong ni Zeal nang mapansing nawawala ang pinsan n’ya. Kung hindi n’ya pa itinanong ay hindi rin namin mapapansing nawawala pala si Paxton. Saan naman kaya napadpad ang isang ‘yon?
“Sumakay ba s’ya ng sasakyan kanina?” tanong ni Warren.
“I don’t think so.” sagot ko. Para kasing hindi.
“G*go! Naiwan ata natin sa bahay nila Allan. Baka mabalitaan na lang natin bukas na nasa morgue na katawan nun. Lagot ako kay tita.” tarantang pahayag ni Zeal.
“Nakita ko s’yang natutulog dun sa kwartong pinagiwanan ko kay Selena.” saad naman ni Ryu.
“Walang magtatangkang mang-rape dun. Balikan na lang natin s’ya after nating kumain. Nabuburyo na ako kay Selena.”
“Mukha ka ngang nagi-enjoy jan. Gusto mo palit tayo ng pwesto?” tumataas-baba ang kilay na tanong ni Zeal pero agad naman s’yang pinanlisikan ng mata ni Warren.
Nang matapos sa pagkain ng inorder naming bulalo ay inihatid ko muna sina Warren sa bahay ni Selena bago bumalik sa bahay ni Allan para sunduin si Paxton. Pagkatapos kasing kumain ni Selena ay nakatulog na ito sa balikat ni Warren.
“Thanks, bro.” tumango lang ako bago muling paandarin ang sasakyan.
“Claude pustahan tayo. After 2 months mga ninong at ninang na tayong tatlo.” tumatawang saad ni Zeal na nakaupo ngayong sa backseat ng sasakyan. Tiningnan ko ito mula sa rearview mirror at sinamaan ng tingin. “Oh come on, bro. Hindi santo si Warren. Hahaha.” dagdag n’ya pa.
“Any death wish Zeal?” tanong ni Ryu kaya mabilis akong napasilip sa kanya na nasa tabi ko lang bago ibalik muli sa kalsada ang tingin. Para akong inihipan nang malamig na hangin sa tenga dahil sa tono ng pananalita n’ya. Kahit si Zeal ay nakita ko ang paglunok ng laway dahil sa takot.
“N-No Ma’am.”
Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Zeal. Napasiksik na lang kasi ito sa may bandang pinto habang nakanguso.
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa bahay ni Allan. Bumaba si Zeal ng sasakyan para hanapin ang pinsan n’ya. Samantalang nanatili lang kami ni Ryu sa loob ng sasakyan. Nabalot nang katahimikan ang loob ng sasakyan. Gusto kong basagin iyon kaya lang ay mukhang wala sa mood ngayon si Ryu na makipagusap. Imbes na si Zeal ang maunang mamatay sa amin ay baka ako pa.
Ano kaya ang iniisip n’ya ngayon? Kanina pa s’ya gan’to.
Lagi naman s’yang tahimik pero mapapansing mas malalim ang iniisip n’ya ngayon.
“Kamusta ang balikat mo?” Sa huli ay napagdesisyon ko nang magsalita. Para kasing hindi ako mapakaling malaman ang bumabagabag sa kanya ngayon.
“May bagong update na ba sa kaso ng kapatid mo?” balik n’yang tanong sa akin ng lingunin n’ya ako.
“W-Wala pa. Wala pang ibinabalitang bago sa akin si detective Ares.” sagot ko. Ibinalik n’ya sa labas ng bintana ang tingin n’ya bago tumango. “Why’d you ask?”
“I heard that he’s been missing for 2 years.” sagot n’ya.
Gusto kong tawagan si detective Ares nitong mga nakaraang araw para kamustahin ang kaso ng kapatid ko pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin iyon. Siguro ay natatakot akong makatanggap nang masamang balita mula sa kanya. Hihintayin ko na lang ito na magkusang tumawag sa akin.
“Sorry guys kung natagalan. G*go kasi ‘tong si Paxton. Kung saan-saan nagsususuot.” inis na saad ni Zeal habang tinatanggal sa ulo n’ya ang mga kumikinang na mga confetti.
“Bobo ka lang talaga maghanap.” humihikab na ganti naman ni Paxton. Hindi ko alam kung may sakit itong Narcolepsy dahil sa pagiging antukin n’ya o sadyang lagi lang s’yang pagod. Pagod saan?
“Tarantadong Kei ‘yon! Pasabugan ba naman ako sa mukha ng confetti. May nalunok pa nga ata ako.” reklamo pa ni Zeal. “Lagot talaga s’ya sa akin sa lunes!”
***
Naunang umakyat si Ryu sa apartment samantalang nandito pa rin ako sa loob ng kotse. Isa kasi iyon sa kondisyon n’ya. Ayaw n’yang magkakasabay kami sa pag-akyat ng apartment para daw maiwasang ma-chismiss kami. Tiningnan ko ang relo ko bago isandal sa backrest ang likod ko at ipatong ang likuran ng ulo ko sa kamay ko.
5 minutes. After 5 minutes daw ako umakyat. Tsk.
Naka-park lang ang sasakyan ko sa harapang building ng apartment kaya kitang-kita ko ang ilang mga kapitbahay naming lumalabas-pasok dito. Napansin ko ang pagbukas ng pinto ng apartment nina Jasmine at iniluwa nun si Jayce. Sumandal s’ya sa pinto bago kunin sa bulsa ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha s’ya ng isa at sinindihan iyon. Wala akong pakialam kong masunog ang baga n’ya pero hindi n’ya ba nakikita yung malaking signage sa tabi n’ya na ‘No Smoking’?
Hindi ko inaasahan ang pagbaling ng mga mata n’ya sa akin. Napakunot na lang ako ng noo nang ngumisi s’ya sa akin na hindi n’ya naman ginagawa noon. Itinaas n’ya ang kamay n’yang may hawak na yosi at kumaway sa akin. Nagpasya na akong bumaba ng kotse saka naglakad patungong hagdan. Hindi ko pinansin si Jayce dahil nawi-wierd-duhan ako sa kanya pero napatigil ako sa paghakbang ng tawagin n’ya ang pangalan ko.
“Claude, excited ka na ba sa gaganaping school trip this week?” nakangising tanong n’ya.
“Hindi naman.” seryosong sagot ko.
“ You should be since hindi s’ya ordinaryong outing.”
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad paakyat. She’s creeping me out. Para kasing may mali sa kanya. Her eyes, the way she looked at me is like she is thrilled to snap my neck to pieces. Pagpasok ko sa loob ng apartment ay agad na hinanap ng mga mata ko si Ryu pero hindi ko ito nakita. Napansin kong nakaawang ang pinto ng kwarto ko kaya agad ko iyong sinilip. Nakita ko si Ryu na nakatayo sa harap ng study table ko kung nasaan nakalagay ang ilang mga impormasyon sa kaso ni kuya.
Marahas kong hinila ang braso n’ya nang makita ang ginagawa n’ya. Nang mapaharap s’ya sa akin ay nakita ko ang litrato ng isang babaing hawak n’ya. Angel Mae Valdez. Mabilis ko yung kinuha sa kanya bago iyon ibagsak sa mesa ko. Hinila ko s’ya papalabas ng kwarto. Hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Ayoko sa lahat ay yung pakialamera.
“Bakit pumasok ka sa kwarto ko nang walang paalam?!” hindi ko mapigilang pagtaasan s’ya ng boses. Napakaimportante sa akin ng mga impormasyong iyon at ayokong guluhin at pakialaman lang iyon ng kung sino. Sa ngayon ay tanging si detective Ares lang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba. Hindi namin kilala ang tunay na kalaban kaya hindi pweding pagkatiwalaan ang kahit na sino.
Hindi s’ya sumagot bagkus ay tahimik lang s’yang naglakad papasok sa kwarto n’ya. Katulad nang dati ay blangko na naman ang ekspresyon n’ya sa mukha. Ang hirap talaga basahin ng babaing ‘yun. Napabuntonghininga na lang ng makapasok sa kwarto. Kinuha ko ang litratong hawak kanina ni Ryu. Natatandan ko na, s’ya rin ang babaing binisita n’ya sa sementeryo. Angel Mae Valdez.
Kilala n’ya ba ang babaing ‘to?
Nagising akong alas-onse na ng umaga. Madaling araw na rin kasi ako nakatulog dahil nag-research at nagbasa pa ako ng ilang dokumento patungkol kay Angel Mae Valdez pero wala akong nakitang impormasyon na nag-uugnay sa kanya kay Ryu. Hindi ko mapigilang mapaisip patungkol sa totoo nilang relasyon. Sigurado akong ang mausoluem ni Angel ang binisita nun ni Ryu. Nasa likuran n’ya lang kasi ako ng mga oras na ‘yon. Ayoko s’yag istorbuhin nun kaya dumistansya muna ako sa kanya ng kaunti bago lapitan ang mausoleom ng kapatid ko.
Napagpasyahan kong magluto na nang pananghalian dahil magaalas-dose na. Ramdam ko na rin ang matinding gutom kaya naman pangmabilisang putahe ang inihanda ako. ‘Pritong ham, egg and hotdog’. Akmang kakatukin ko na sana ang pinto ng kwarto ni Ryu para imbitahan s’ya sa pagkain nang maagaw ang atensyon ko sa katok na nagmula sa harapang pinto. Naglakad ako papunta roon at pinagbuksan ang bisita ko.
“Good morning Claude.” bati sa akin ni Jasmine. “Para sayo nga pala.” abot n’ya sa akin ng isang tupperware. “Nagluto kasi ako ng chicken curry baka kako gusto mo.” nakangiting dagdag n’ya pa.
“Thanks.” sagot ko.
“Can I see your place?” Bigla akong kinabahan dahil sa tanong n’ya. Paano na lang kung biglang lumabas ng kwarto si Ryu? Siguradong yari kami nito pareho.
“S-Sorry. Ang gulo kasi ng loob ngayon. Maybe next time.” pagdadahilan ko.
“It’s okay ganun din naman sa amin kahit pareho pa kaming babae ni Jayce. Para kasing mas maluwag dito sa 4th floor ang mga kwarto kesa sa baba.”
Wala na akong nagawa ng itulak n’ya papabukas ang pinto. Agad nitong inilibot ng tingin ang loob ng apartment. Kabado man ay pilit ko pa rin itong kinakausap at isinasagot nang natural.
“May kasama ka ba rito?” tanong ni Jasmine nang mapansin ang dalawang platong nakalagay ibabaw ng kitchen counter top kasama ng iba ko pang niluto.
“W-Wala. Nasanay lang akong maglagay ng extra.” palusot ko at mukha namang naniwala s’ya. “Wait. May kukunin lang ako sa kwarto.” paalam ko kay Jasmine pero imbis na pumasok ng kwarto ko ay dire-diretso kong tinungo ang kwarto ni Ryu.
Isang kamao ang nakita kong papa-landing sa mukha ko pero agad ko 'yon nasalo gamit ang isa kong kamay. I was shocked when I saw Ryu looking at me angrily. Parang handa na s’yang tirisin ako ng buhay.
“I’m going to kill you.“ madiin ang mga salitang bulong n’ya. That’s when I notice that she’s only wearing her towels wrapped around her body. Mabilis kong tinakpan ang bibig n’ya nang akmang magsasalita na sana ito ng malakas.
“Nasa labas si Jasmine.” pabulong na saad ko. Marahas n’yang inalis ang kamay ko sa bibig n’ya saka itinuro ang pinto n’ya kaya naman naglakad na ako papalabas ng kwarto n’ya.
F*ck! I’m so dead.