Chapter 1: The Newcomers

1567 Words
"P-Please d-don't do this! K-Kailangan mo ba ng pera? 1 million? 5 million? N-Name the price! M-Magbibigay ako kahit magkano h-huwag mo lang ako p-patayin!" pagmamakaawa ni Mr. Dee sa babaing bumitag sa kanya. Kasalukuyang nakahiga ang matanda sa kanyang malaking office table habang nakagapos ang mga kamay at mga paa nito. Duguan din ang ulo n’ya dahil sa ginawang paghampas sa kanya ng babae ng manlaban s’ya. Malalim na ang gabi at tanging s'ya at ang misteryosong babae na lamang ang nasa loob opisina ng paaralang pagmamay-ari n’ya. Hindi n'ya kilala ang babae pero alam n'yang nakita n'ya na ito noon ngunit hindi n’ya matandaan kung saan. "M-ma-awa k-ka...’w-wag mo kong p-patayin." Muling pagmamakaawa ng matanda. Halos maligo na s’ya sa sariling dugo at pawis. Napapalunok na lang ito ng laway dahil sa matinding kaba. "Hindi pa ako nagsisimula kaya mag-relax ka lang d’yan," sabi ng babae habang nililinisan ng puting panyo ang talim ng itak na hawak nito. "P-pag-usapan n-natin 'to nang m-maayos. Hindi mo k-kailangang gawin ‘to, " garalgal ang boses na pakiusap ni Mr. Dee ngunit nginisihan lang s'ya ng babae saka ibinaon ang itak sa mesa malapit sa leeg n’ya. Napahagulgol na lamang sa takot ang matanda dahil sa ginawa ng babae. "M-maawa ka! Wala akong ginawang masama sa ‘yo." Humalakhak nang malakas ang babae. Maya-maya pa ay napatigil din ito at muling hinarap ang naguguluhang matanda. “Hindi ka pa naman gano’n katanda para kalimutan na lang nang basta-basta ang laro na pumatay ng mga inosenteng estudyante. Hindi lang buhay ang kinuha n’yo, pinagkaitan n’yo rin kami ng kalayaan na mabuhay pa nang normal sa mundong ‘to.” "S-Sino ka ba t-talaga? A-Anong alam mo tungkol laro?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Dee. Muling narinig ang malakas na halakhak ng dalaga na halos mabaliw na sa kakatawa. "Sino ako? Tinatanong mo kung sino ako?" "I-Imposible! P-patay k-ka na!" "Ako lang naman ang pinadala mo sa isla para makipaglaro kay kamatayan," nakangising saad ng babae. Halos manlaki ang mga mata ng matanda dahil sa narinig n’ya. "P-Patay ka na! Patay ka na!" sigaw n’ya habang nagpupumiglas sa pagkakagapos. “Sa kasamaang palad ay buhay pa ako. Hindi ako titigil hangga’t hindi n’yo napagbabayaran ang ginawa n’yong kademonyohan!” Iniangat ng babae ang hawak nitong itak saka ito mabilis na itinaga sa leeg ng lalaki. Hindi alintana ang mga dugo at laman na tumatalsik sa kanyang mukha dahil sa patuloy na pagtaga rito. Hindi nagtagal ay tuluyan ng humiwalay ang ulo ng lalaki sa katawan nito. Nagpagulong-gulong paibaba sa paanan ng babae ang ulo Isang nakapangingilabot na ngisi ang gumuhit sa labi ng babae habang pinagmamasdan ang wala ng buhay na si Mr. Dee. Pinulot nito ang ulo ng matanda. Nang lumabas ito ay saka nito isinabit ang ulo sa pinto ng opisina ng lalaki. Bago tuluyang umalis ay mayroon itong isinulat sa pinto gamit ang dugo ng kanyang biktima. - You’re Next 1/6   CLAUDE'S POV "Ang lalim ng iniisip natin, ah. Hulaan ko, tungkol na naman ‘yan sa kapatid mo, noh?" Napabuntonghininga na lang ako at walang ganang lumingon kay Warren na ngayo'y nakaupo na sa harap ko habang hawak ang lollipop n'yang kulay pink. Strawberry flavor. "Dalawang taon nang nawawala ang kuya mo pero hanggang ngayon ay wala pa ring lead. Hindi 'bat maraming koneksyon ang papa mo? Bakit hindi ka na lang sa kanya humingi ng tulong?" suhestyon n’ya na paulit-ulit ko na lang naririnig sa tuwing napag-uusapan namin ang kaso ng kapatid ko. "Tss. Matagal na akong sumuko kay Papa. Wala s’yang kwentang ama at matagal mo na ‘yung alam," walang emosyon kong pahayag. "Walang ama ang gustong mapahamak ang anak n’ya. Bakit hindi ka makiusap sa kanya? Para kasing wala naman pinatutunguhan imbestigasyon ni Detective Ares. Kung ako sa ‘yo ay ‘wag ka nang umasa roon. Maghanap ka na lang ng ibang detective na talagang makakatulong sa ‘yo," pahayag n’ya sabay subo ng lollipop na hawak. Nandiri ako nang bigla n’yang ilapit sa mukha ko ang lollipop matapos n'ya iyong dilaan. Tinapik ko ang kamay n'ya saka dumungaw ulit sa labas ng bintana. “Ibahin mo ang ama ko. Kahit kelan ay hindi s’ya naging tunay na ama lalo na kay Kuya,” mapait na saad ko. Dalawang taon nang pinaghahanap ang nawawala kong kapatid sa tulong na rin ni Detective Ares pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead. Sinasabi nilang maaaring patay na ang kapatid ko pero hangga't walang bangkay akong nakikita ay hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya. Si Dad? Tsk. Hindi man lang ito nagatubiling hanapin ang anak n’ya. S'ya pa mismo ang nagpupumilit na patay na ang kapatid ko. Anong klasing ama s'ya?! "Nakalimutan mo yatang bayaw mo ang detective na nilalait mo!" saad ko. Kahit kelan talaga ay ang talim ng dila ni Warren kapag tungkol na kay Detective Ares. Halatang ayaw n’ya rito. "Totoo naman! Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ng ate ko at pinakasalan n'ya ang gurang na detective na ‘yun. Tsk. Tsk," dismayadong pahayag ni Warren. Sa totoo lang magaling na detective si Detective Ares. Marami na itong nalutas na kaso at sa ilang taon n'ya sa serbisyo ay sa kaso lang ng kapatid ko s'ya talagang nahirapan pero tiwala pa rin akong malulutas at mahahanap din n’ya ang nawawala kong kapatid. "Nasaan na nga pala si Zeal?" tanong ko rito. Nagkibit-balikat lang si Warren habang binubuksan ang bago n'yang lolipop na kulay green. Green apple flavor naman ngayon. Tsk.  Maya-maya pa ay naagaw ang atensyon ng buong klase sa malakas na pagbukas ng pinto at iniluwa ‘nun ang pawisan at hingal na hingal na si Zeal. Speaking of the devil. Dumating na rin ang g*go. Parang nakahinga naman ito nang maluwag ng makitang wala pa si Ms. Emerald, adviser namin. Umupo ito sa katabi ni Warren habang nagpupunas ng pawis. "Akala ko talaga late na ako," nakangiting sambit ni Zeal. "Sa totoo lang late ka na ng 15 minutes. Nauna ka lang talaga kay Ms. Emerald," pagtatama sa kanya ni Ryu na kakalapit lang sa pwesto namin. Kasama nito ang kaibigang si Selena. "Good morning, Ms. Pres! Ganda natin ngayon, ah," papuri ni Warren kay Ryu pero inirapan lang s'ya nito. Katulad ng lagi nitong ginagawa sa lahat ng lalaki. May sama talaga ito ng loob sa aming mga kalalakihan. "Tsk. Lollipop? Napakaisip bata mo talaga," pahayag ni Selena sabay irap nito kay Warren. "Inggit ka lang! Bleh!" parang batang wika ni Warren sabay labas ng kanyang dila. "Aba't ang damuhong 'to!" Akmang hahampasin na sana ni Selena si Warren ng pigilan s’ya ni Ryu. “Naku! Humanda ka talaga sa’akin,” banta nito kay Warren. "President, ‘wag mo ‘kong isusumbong kay Ms. Emerald. Lagot ako kapag nalaman n’yang late na naman ako. Promise hindi na 'to mauulit. Promise!" sabay taas ni Zeal ng kaliwang kamay n'ya. "Tsk. Ilang beses mo na ako pinangakuan ng ganyan. Haist! Sige, pero kapag na late ka ulit makakarating na 'to kay Ms. Emerald," pagbabanta ni Ryu. "Yes, Ma’am!" Bukod kasi sa pagiging class president ni Ryu ay student council president din s'ya. Bilang class president s'ya ang nakatukang bantayan ang tulad ni Zeal na pupwedeng hindi maka-graduate. Hindi basagulero o pala absent si Zeal. Araw-araw lang talaga s'yang late. Binigyan s’ya ni Ms. Emerald nang warning na hindi makaka-graduate kapag pinagpatuloy n’ya ang hobby n’yang araw-araw late sa klase nito. "At ikaw naman!" baling sa akin ni Ryu. "Tsk. Bakit?" Walang gana kong tanong sa kanya. "Bakit hindi mo man lang pagsabihan ‘yang kaibigan mo? Vice president ka ng klase at eskwelahang 'to pero ikaw pa 'tong parang walang pakialam," sermon ni Ryu. Para namang may iba akong choice. Kung hindi dahil sa dalawa kong traydor na kaibigan ay hindi sana ako ang vice president ng klase at paaralang 'to. At saka alam naman ni Ryu na sa simula pa lang ay ayoko na talaga sa mga ganitong responsibilidad. “Please take your seat!" Umayos kami lahat ng upo nang dumating si Ms. Emerald. Kasunod n'ya ang dalawang babae na bago lang sa paningin naming lahat. Transferees. "Tsk. Hindi pa tayo tapos," may pagbabantang wika sa akin ni Ryu bago ito maupo. "Okay, class. Please keep quiet. Girls, introduce yourself." "H-Hi. I-I'm Jasmine Romero. Masaya akong mapunta sa section na ‘to. S-Sana makasundo ko kayong lahat. S-Salamat po." Halata sa boses nito na kabado ito. May maikli itong buhok na hindi lalampas sa balikat, maputi, may tamang pangangatawan at may suot itong makapal na salamin. Palangiti ito pero mukhang mahiyain. "I'm Jayce Romero," tipid namang sabi ng kasama nito. Naka-ponytail ang mahabang buhok nito, may patpating pangangatawan at mapusyaw na kulay ng balat. "Kambal ba kayo?" tanong ng kaklase kong si Kei. "H-Hindi p-po. Magpinsan po kami," sagot ni Jasmine. Napansin ko ang pagtitig ni Jaycee sa direksyon ko. Hindi ako sigurado kung sa akin nga ba nakapako ang mata nito pero hindi ko gusto kung paano s'ya makatitig. Sa sobrang sama ng titig nito ay kulang na lang ay sugurin n'ya ako. Umiwas lang ito ng tingin ng paupuin na ito ni Ms. Emerald. May bakanteng upuan sa likuran ko at doon naupo si Jaycee habang ang pinsan naman nitong si Jasmine ay nasa bandang unahan katabi ni Ryu. Anong problema ng babaing ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD