Chapter 2: Madness than Love

2085 Words
"Hanep! Grabe makatitig ‘yung Jaycee. Parang manglalapa ng tao!" parang tangang pahayag ni Warrren. "Mas kinikilabutan ako sa ‘yo Warren. Ang damulag mo na pero puro ka pa rin lollipop. P*ta! Ang sakit mo sa mata." pahayag ni Zeal na ikinakunot ng noo ni Warren. "Oh, eto, sa ‘yo na," sabay abot ni Warren sa hindi pa nabubuksang lollipop kay Zeal. "Aanhin ko naman ‘yan?" kunot-noong tanong ni Zeal. "Baka kasi naiinggit ka lang kaya ayan nagmamagandang loob na ko. Hindi naman ako madamot sa lollipop ko kaya kung hihingi ka ay diretsuhin mo lang ako Zeal. Hindi ‘yung nagpapakipot ka pa't aawayin mo pa ko." Napasapo na lang ako ng noo dahil sa kawirduhan ng dalawa kong kasama. Mga isip bata! Minsan ay nagtataka ako kung bakit ko naging kaibigan ang dalawang ‘to. "Mauna na kami, ulap. Ba-bye!"paalam ni Warren habang winawagayway ang kamay n’ya na parang bata.  Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad. Pauwi na silang dalawa habang ako ay pupunta pa ng council room para sa meeting. Kailangan kong pumunta dahil kapag hindi ako nagpakita mamaya ay paniguradong tatalakan na naman ako ni Ryu bukas. Mag-aala-sais na ng gabi kaya kaunti na lang ang estudyante sa pasilyong binabaybayan ko. Napahinto ako nang makita ko ang pamilyar na babaing seryosong nakatitig sa isang pinto. S’ya yung bagong estudyante, kung hindi ako nagkakamali ay Jasmine ang pangalan nito. Napatingin ako sa pintong tinititigan nito. Ang Principal’s office. "May kailangan ka ba kay Mr. Sevillano?" tanong ko rito ng makalapit ako sa kanya. Mabilis itong napalingon sa akin. Ang kaninang seryoso n'yang ekspresyon ay napalitan ng pagkagulat nang makita ako. Wala namang nakakagulat sa ginawa ko kaya nakakapagtaka. Napakunot lalo ang noo ko nang napaatras pa ito at napatakip pa ng bibig sa sobrang gulat. "I-Imposible," maluha-luha n’yang bulong.  "May problema b-ba?" puno ng pagtatakang tanong ko. Naguguluhan ako sa ekspresyon nito. Para s’yang nakakita ng multo. Maputi lang ako pero hindi ako multo. "Claude!" Hindi ko na kailangang lumingon dahil sa boses pa lang n'ya ay kilala ko na ang babaing tumawag sa akin. Si Leila. Ano ang ginagawa n'ya rito? Napabuntonghininga na lang ako nang maramdaman ko ang pagkapit nito sa braso ko.  "Claude, kanina pa kita hinahanap. Hatid mo na ‘ko. Please!" pakiusap ni Leila habang niyuyugyog ang braso ko. "Jasmine, ayos ka lang ba?" tanong ko kay Jasmine ng hindi pinapansin ang babaing nakakapit sa braso ko. "K-Kilala mo ako?" gulat na tanong ni’ya. "Magkaklase tayo," tipid kong sagot sa kanya. Tumango lang s’ya at mahigpit na napakapit sa strap ng bag n’ya. "Mas importante pa ba ang babaing 'to kesa sa akin? At ikaw! Pwede bang umalis ka na! Nakakaistorbo ka!" sigaw ni Leila habang dinuduro-duro si Jasmine. Inalis ko ang kamay ni Leila sa braso ko dahil sa inis. Matagal na akong nagpipigil sa kaartehan ng babaing 'to. Bukod sa paghahabol n'ya sa akin ay tinatakot at sinasaktan n'ya rin ang kahit na sinong babaing makikita n'yang lumalapit sa'akin except kay... "May problema ba rito?" Parehas kaming napalingon ni Leila. "May problema ba rito?" Maawtoridad at seryosong ulit na tanong ni Ryu habang naka-cross ang mga braso nito. Minsan ay nakakatakot ang awra ni Ryu. Nakaka-intimidate and binibigay nitong presensya kaya walang lalaki ang naglalakas-loob na lumapit dito kahit madami naman talaga ang nagkakainteres sa kanya. "Tsk. What the hell!" anas ni Leila. Tinaasan lang s'ya ng kilay ni Ryu at nginisihan na para bang nang-iinis. "Ms. Gonzales, akala ko ba ay tatlong linggo kang suspended. Anong ginagawa mo rito?" "It's none of your business, b*tch!" asik ni Leila kay Ryu. "Ganyan ka ba talaga ka-obsess sa lalaking 'to?" sabay turo ni Ryu sa akin. "That's what we call pag-ibig Ms. Feliciano. At kung hindi ka aware sa mga ganoong bagay ay nakakaawa ka. Well, sino ba namang magkakagusto sa ‘yong lalaki." "Pag-ibig? Baka naman kahibangan ang tamang term." "How dare you! You B*tch!" Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa ng akmang susugurin na ni Leila si Ryu. Hindi maganda kung sa harap pa ng principal office sila mag-aaway. Malaking iskandalo na naman 'to lalo pa't parehas silang palaban at ayaw magpatalo. "Hayaan mo s'ya, Claude. Sige, Ms. Gonzales gawin mo ang gusto mong gawin. Tamang-tama nandito na rin lang tayo sa harap ng office ni Mr. Sevillano. Bakit hindi natin dagdagan ang linggong suspension mo. Hindi na ako mahihirapang magpaliwanag dahil may CCTV naman." "Freak! Pagbabayaran mo 'tong pagpapahiya mo sa'akin!" banta ni Leila. Padabog at galit na galit na umalis si Leila. Katulad ng dati ay wala pa rin itong binatbat kay Ryu. *** "Sino nga pala ‘yung babae kanina?" tanong ni Jasmine kay Ryu. Napagdesisyunan namin ni Ryu na ihatid muna si Jasmine hanggang sa makasakay ito ng taxi para siguraduhing ligtas ito mula kay Leila. Alam naming dalawa kung ano ang kayang gawin ng babaing ‘yun lalo na't nakita nitong kausap ko si Jasmine kanina. "Leila Joy Gonzales ang baliw na babaing patay na patay kay Claude. Classmate rin natin s'ya sa kasamaang palad." "B-Bakit nga pala s'ya nasuspinde?" "Dapat nga ay expulsion dahil muntik na s'yang makapatay pero anak s'ya ng isa sa shareholder ng eskwelahang 'to kaya three weeks suspension lang ang ipinataw sa kanya," sagot sa kanya ni Ryu. "M-Muntik na s'yang makapatay?" hindi makapaniwalang saad ni Jasmine. "Gano’n na nga. Ang sino man na makita ng babaing ‘yun na lumapit kay Claude ay ginagawan n'ya ng masama hanggang sa muntik na n'yang mapatay ang huling babaing nakita nitong nagtapat sa lalaking ‘yan. Hanggang ngayon nga ay comatose pa rin ang babae." "C-Comatose?" Pumara agad ako ng taxi na sasakyan ni Jasmine ng nakarating kami sa may tapat ng gate. Hindi iyon napansin ng dalawa dahil focus ito sa pagkukuwentuhan. "Ryu." tawag ko. Nakuha naman n'ya ang ibig kong sabihin. "Bukas na lang ulit Jasmine. Mabuti pa’y umuwi ka na." "Salamat, Ryu." Bumaling naman ito sa akin saka n'ya ako nginitian. "M-Mauna na ako, Claude. S-Salamat," utal na paalam nito bago sumakay sa taxi. Ako lang ba o talagang ang weird ng ikinikilos ni Jasmine kapag kaharap ako. Siguro ay guni-guni lang iyon. *** "CLAUDE! Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Mr.Dee? P*ta! Saklap dre!" agad na salubong sa'akin ni Warren pagpasok ko pa lang ng room. Kung hindi ako nagkakamali si Mr. Dee ay isa sa mga malapit na business partner ng dad ko. Meron din itong sariling eskwelahan na mayroong masamang repustasyon dahil sa hindi pantay na pagtrato nito sa mga estudyanteng hindi gaanong mayayaman. Perahan kung baga. "Bakit? Anong nangyari? " bored kong tanong sa kanya. "Natagpuan s'yang patay sa sarili n’yang opisina. Nakalabas ang mga lamang loob at ang masaklap pa ay wala na itong ulo. Hulaan mo kung saan natagpuan ang ulo n'ya." "Saan? " "Nakasabit sa pinto ng office n'ya. Yuck! T*ngina, dre. Halos masuka ako kagabi ng makita ko ‘yung mga picture sa files ni Detective Ares. Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil sa tuwing pipikit ako e ‘yung pugot na ulo ni Mr. Dee ang nakikita ko. Tang*na ‘yun!" "Pakialamero ka kasi," saad ko. "Yan lang ba ang magiging reaksyon mo?" Kunot-noong tanong nito. Anong reaksyon naman kaya ang inaasahan ng gagong ‘to. "Anong gusto mong gawin ko? Iyakan ko? Maglupasay ako? Naunahin ko ‘yang kaso ni Mr.Dee kesa sa kaso ng kuya ko? Mabuti sana kung konektado ‘yan sa problema ko ngayon." "Tsk. Sabi ko nga," sabay kamot nito sa ulo. "Good morning!" masiglang bati ni Zeal pagpasok nito sa room saka dire-diretsong lumapit kay Ryu na tahimik lang na nagbabasa habang nakaupo sa mesa nito. "Woo! Hulaan ko, pinagyayabang na nung gago kay Miss Pres ang hindi n'ya pagka-late. Baliw! Three minutes before the time. Ulol lang e!" nakasimangot na saad ni Warren. "Tumpak!" sigaw ni Zeal sa tenga ni Warren," mangba-back-stab ka na nga lang 'e ang lakas pa ng boses mo. Bobo nito!" "Mas bobo ka, uy! Buwisit 'to!" bwelta naman ni Warren habang hinihimas ang tenga n'ya. Sunod namang pumasok ay ang magpinsang transferees. Agad na napakunot ang noo ko nang makatanggap ako ng nakakamatay na tingin galing kay Jayce. Ano naman kaya ang problema ng 'sang 'to? Kahapon ko pa napapansin na parang mainit ang dugo n'ya sa akin. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong naging atraso sa kanya at isa pa, kahapon lang namin nakita ang isa't isa. Ni hindi nga kami nag-uusap. "Pinaglihi ba ‘yun sa sama ng loob ng nanay n'ya? Ang sama makatingin," bulong ni Zeal. "Natatae siguro,” sabat naman no’ng lokong si Warren at ang kinalabasan sabay na tumawa ang dalawang g*go. Napairap na lang ako at saka iniwas ang tingin sa dalawa pero sa pag-iwas kong ‘yun ay agad na nagkasalubong ang tingin namin ni Jasmine na nakaupo sa tabi ni Ryu. "G-good Morning," utal na bati nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalong nababaon ang kaso ng kapatid ko ng panahon. Dalawang taon. Hindi ko akalaing aabot ng ganun katagal ang paghahanap namin kay Skyler. "Claude, gusto mo bang sumama sa akin sa bookstore? Sa pagkakaalam ko ay may bago na naman silang new release book," yaya sa akin ni Skyler pero imbis na sagutin ito ay mas pinili kong ituon ang buong atensyon ko sa video game. Hindi kami ganun ka-close ni Skyler since lumaki s'ya sa poder ni mama. Naghiwalay ang mga magulang namin limang taong gulang pa lang ako samantalagang pitong taong gulang naman noon si Skyler. Nang mamatay si Mama ay tumira na si Skyler sa amin. Halos sampung taon din bago kami muling nagkita ng kapatid ko. Nang naghiwalay kasi sina Mama at Papa ay doon na rin naputol ang komunikasyon naming magkapatid. "Aalis na ako, Claude," paalam nito bago tuluyang lumabas ng kwarto namin pero isang kalabog mula sa labas ang nagpatigil sa ginagawa ko. Lumabas ako ng kuwarto at tiningnan kung saan nagmula ang kalabog. Nakita kong nakaupo si Skyler sa sahig habang hawak-hawak ang bandang tiyan nito at kaharap ang galit na galit kong ama. "Hindi ba’t sinabi ko sayo na huwag mo akong tatawaging dad!" sigaw ni Dad bago hablutin sa kwelyo si Skyler. Gusto kong pigilan at pagitnaan silang dalawa pero may gusto akong malaman. Bakit ganun na lang kagalit si Dad kay Skyler? Simula nang dumating ng bahay si Skyler ay lagi na itong galit sa tuwing nakikita ang kapatid ko. Kung hindi suntok o sampal sa mukha ang natatanggap ni Skyler ay matinding bugbog ang ginagawa nito sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit napakalamig ng pakikitungo ni Dad sa sarili n'yang anak. Gusto kong tanungin si Skyler kung bakit ganun ang trato sa kanya nito pero wala akong lakas ng loob. "S-Sorry, S-Sir," utal na sambit ni Skyler bago s'ya bitawan ni Dad. Paika-ikang naglakad si Skyler palabas ng bahay ng araw na ‘yon. "CLAUDE, tingnan mo. May nadaanan akong game store at nakita kong may bago rin silang release na video game. Siguradong magugustuhan mo 'to," nakangiting sabi ni Skyler hawak ang isang paper bag. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ang bigay n'ya pero sa huli ay pinili ko na lang itong 'wag pansinin. Nakita kong inilapag nito ang paper bag sa tabi ko. "I-Iwan ko nalang dito sa tabi," nakangiti pa ring sabi nito. Nang mga oras na ‘yun ay galit ang nararamdaman ko para sa kanila ni Mama. Iniwan nila ako sa poder ni Papa na nagdulot ng malaking trauma sa akin. Kagaya ng ginagawa ni Dad sa pagdating ni Skyler sa bahay ay ‘yun din ang ginawa nito sa akin sa tuwing iiyak ako at hahanapin silang dalawa ni Mama. Sa tuwing mag-isa ako ay galit para kay Mama at Skyler ang namumuo sa pagkatao ko pero totoo nga ang sinabi nila... 'Nasa huli ang pagsisisi.' Nang mawala bigla si Skyler ay marami akong pinagsisihan. Dapat pala ay kinausap ko s'ya. Dapat pala ay sumama ako sa kanya sa tuwing lalabas s'ya. Dapat pala ay nakangiti kong tinanggap ang regalo n'ya. Maraming nagsasabi na patay na ang kapatid ko at kung totoo nga ‘yun ay ang paghahanap na lang sa bangkay n'ya ang magagawa ko pero hangga't walang bangkay akong nakikita ay umaasang pa rin akong buhay ito. Hindi ako susuko sa paghahanap sa kapatid ko kahit ilang taon pa ang abutin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD