THIRD PERSON'S POV
"Good Morning Ryu!" bati ni Jayce nang makita ang pagbaba ng dalaga mula sa hagdan. Pinakawalan n'ya ang usok mula sa sigarilyong hinithit habang sinusundan ng tingin ang kaklase.
"Too early for a cigarette." puna naman ni Ryu bago dire diretsong maglakad papalabas ng apartment.
Jayce clenched her jaw while glancing at Ryu's direction. Hindi n'ya mapigilang magngitngit sa inis sa tuwing nakikita n'ya ito. Ibinato n'ya sa sahig ang ulo ng sigarilyo bago iyon apakan nang madiin.
"I hate her! I want to smashed her head off!" nanggigigil sa inis na bulong n'ya sa sarili bago kumurba ng pilyong ngiti ang kanyang labi. "Hmmm. Kung noong una ay hindi kita na dispatsya, sisiguraduhin kong pagdating natin sa isla ay ikaw ang uunahin ko. Sa ngayon ay bibigyan muna kita ng magandang surpresa." dagdag pa n'ya.
Suot ang kanyang paboritong itim na jacket at bonet ay tahimik na pumuslit si Jayce papalabas ng apartment. Malalim na ang gabi kaya naman wala nang gaanong mga tao at sasakyang nasa labas. Kinuha n'ya mula sa bulsa ng jacket ang kaha ng sigarilyo saka naglagay sa bibig n'ya ng isang stick bago yun sindihan.
Sa ngayon ay excited ang dalaga na makaganti sa kaklase. May mga salita kasi itong narinig na hindi n'ya nagustuhan kaya naman gusto nya itong surpresahin muna...bago patayin.
Nang makarating sa academy ay agad n'yang hinanap ang opisina ng SC. Napansin kasi n'yang iyong ang naging haven ni Ryu. Ang lugar kung saan ito lagi namamalagi. Gusto n'yang sirain iyon. Gusto n'yang makita ang magiging reaksyon nito kapag bumungad sa harap nito ang maganda n'yang surpresa.
Nakita ni Jayce ang malaking bato sa paanan n'ya. Pinulat n'ya iyon gamit ang dalawang kamay at iniangat sa ere bago malakas na ibinato sa bintana ng opisina.
"Piece of cake." bulong n'ya sa sarili saka inakyat papasok ang kwarto. Kinuha n'ya ang naka-display na baseball bat sa malaking open shelves bago simulan ang plano. Walang tigil sa paghampas at pagsira si Jayce ng mga gamit mula sa loob ng opisina. Para s'yang nagkakaroon ng sarili n'yang party habang suot sa magkabilang tenga ang earphone at nagpapatugtog nang malakas ng isang upbeat na kanta.
Humahangos na napatigil ang dalaga saka nilibot ng tingin ang buong lugar. Nang makitang kontento na s'ya sa ginawa ay binitiwan na n'ya ang hawak na baseball bat na halos magkanda bali bali na rin. Bago umalis ay nakita n'ya ang mga nakatambak na papel sa sahig kaya naman sinindihan n'ya iyon gamit ang lighter na dala. Nagsimula iyong umapoy pero nang makaalis s'ya ay hindi n'ya napansin ang mabilis na pagkamatay ng apoy.
'Meow.'
Bumaba ang tingin ng dalaga sa pusang humahaplos sa kanyang binti. Nakangiting pinagmasdan muna n'ya ang ginagawang paglalambing nito sa kanya. "Look at you," aniya nito. "Did your parents rejected you too?"
'Meow.' usal muli ng pusa pero kasunod nun ay ang kakaibang ungol nang inilalabas nito dahil sa katakot takot na ginagawa ng dalaga. Maririnig ang tunog ng pagkadurog ng bungo ng pusa dahil sa paulit-ulit na pagpadyak ni Jayce sa ulo nito. Nanglalagkit na iniangat ng dalaga ang kanyang sapatos dahil sa pagdikit ng ilang balahibo at laman mula sa biktima.
"You should be thankful, I ended your worthless life. Hindi mo na kailangang manlimos pa ng atensyon sa mga taong wala namang pakialam sayo. Hindi ka na magugutom at magmamakawa pa sa kanila." anas n'ya bago maglakad papalayo na parang walang nangyari.
***
"What's with the long face?" tanong ni Jayce nang makita si Ryu na papaakyat sa hagdan. Galing itong academy at kakauwi lang. Ganun naman talaga kaseryoso ang ekspresyon ng dalaga, gusto n'ya lang itong punain.
"Just a long day." sagot ni Ryu bago ipagpatuloy ang pagpunta sa apartment na tinutuluyan. Mula sa tinatambayang punong mangga sa harap ng building ay nakangising sinundan nang tingin ni Jayce si Ryu. Nanlaki ang mata n'ya ng makitang pumasok ito sa apartment ng isa pang kaklase na si Claude.
"T-That was unexpected." anas niya. "Did they live together?" tanong n'ya sa sarili bago lingunin ang kaibigang kakarating lang mula sa convenient store.
"Nabili mo ba ang pinapabili ko?" tanong n'ya kay Jasmine.
"Oo." tipid na sagot nito sa kanya bago iabot ang panibagong kaha ng sigarilyong pinabili n'ya. "Pinapatay mo ang atay mo, hindi ka ba talaga titigil sa paninigarilyo? Sinabi na sayo ng doktor mo na itigil mo na yang bisyo mo." napabuntonghininga na lang si Jasmine bago talikuran ang kaibigan at maglakad papasok ng kanilang apartment.
Isang sincere na ngiti ang kumurba sa labi ni Jayce. Kahit madalas silang magkaalitan ng kaibigan ay maswerte pa rin s'yang nakilala ito. Tanging si Jasmine lang kasi ang naging sandalan n'ya sa panahon na lugmok na lugmok na s'ya sa buhay. Hindi n'ya tuloy mapigilang makonsensya sa planong alam n'yang sisira sa pagkakaibigan nilang dalawa.
***
"Are you sure you're going?" tanong ni Victor kayakap na babae sa kamang kinahihigaan nilang dalawa.
"Ofcourse." tipid na sagot ng babae diretso ang mga matang nakatingin sa kisame. "It's time to face my demons." dagdag pa n'ya.
"Huwag ka ng sumama. Tapusin na lang natin ang natitirang anim sa mga committee. Let's rip their skulls off hanggang sa makontento ka. You know I would always support you pero ang pagpasok sa islang yung muli ay isang masamang ideya. Hindi mo alam kung anong klasing laro na naman ang naisip ng mga iyon."
"You think so?" tanong ng dalaga saka padapang pumosisyon sa dibdib ng lalaki. "You can do the ripping and I'll do the rest."
"What are you thinking? Halos dalawang taon na tayong magkasama pero hindi mo pa rin binubuksan ang sarili mo sa akin. Are you still under the Post traumatic stress disorder because of what happened to us on that island?" tanong ni Victor.
"A disorder, huh. I don't know, pakiramdam ko kasi ay may kailangan pa akong tapusin sa islang 'yon. I hide while everyone's killing each other. I killed just to survive pero something's missing at hindi ko alam kung ano. I wanted to take revenge so we did pero... I don't know, Victor." napapailing na pahayag ng babae bago isiksik ang sarili sa lalaki.
Muling yinakap ni Victor ang dalaga saka n'ya ito bigyan ng halik sa noo. They survived pero hindi natatapos ang lahat dun. Tama ito, nakaligtas nga sila mula kay kamatayan pero parang may kulang pa sa buhay na tinatahak nila ngayon.
"Kendall was a beautiful name, saan mo naman 'yon nakuha?" paglilihis n'ya ng usapan.
"Nabasa ko lang sa isang magazine ng mapadaan ako sa bookstore." sagot naman sa kanya ng babae.
Muli silang binalot nang katahimikan. Kung totoo lang ang magic genie ay pinahanap na sana n'ya iyon ngayon gamit ang mga salaping napanalunan n'ya sa laro. Gusto n'yang bumalik sa nakaraan at babalaan ang sarili sa mangyayari pero sa palabas n'ya lang iyon nakikita kaya imposible nang ibalik ang dati nilang buhay. Ang magagawa na lang nila ngayon ay ang tapusin ang planong nasimulan na.
***
"Hi babe!" bati ni Allan sa nobya nang makita itong papasok na rin ng gate. Pumulupot ang kamay n'ya sa bewang ng dalaga bago bumaba sa pwet at pinisil iyon. Napatingkayad naman sa gulat si Kendall dahil sa ginawa ng nobyo.
"Babe, papatayin kita sa school trip." seryosong saad ni Kendall habang hawak ngayon ang kamay ng nobyo saka iyon tinanggal sa pagkakahawak sa pwetan n'ya.
"Ohhh. Na-excite ako bigla. Sige babe. Patayin mo ako sa sarap gabi-gabi." napapadilang pahayag ng binata saka hinapit papalapit sa katawan n'ya ang bewang ng nobya.
"Syempre naman. So just be ready." matamis ang ngiting saad ni Kendall bago sakupin ng halik ang nobyo.
"Umagang-umaga may porn agad!" reklamo ni Selena na napadaan sa tabi nila.
"Good morning din sa'yo Selena." natatawang bati ni Kendall saka patakbong humabol sa kaibigan. "Hey! School trip is coming, excited ka na ba?" tanong n'ya.
"Nope. Hindi ako pinayagan nina mama." nakasimangot na saad ni Selena.
"Nice." usal n'ya dahilan para kunot noo s'yang lingunin ng kaibigan.
"Anong nice dun? Ako lang ata ang hindi makakasama sa outing ng mga graduating students." himutok pa nito.
"It's okay. Malay mo magpasalamat ka pa sa huli kapag nalaman mo ang nangyari sa trip. Hindi lahat ng school trip ay happy memories ang nakukuha." double meaning na pahayag ni Kendall habang nakaakbay sa kaibigan. "Huwag ka na lang sumama." pahabol pa n'yang sabi bago tuluyang iwan ang dalaga.
"Pero gusto ko talagang sumama!" narinig n'yang sigaw ni Selena.
Better not, - sa isip-isip n'ya.