RYU’S POV
“I’m back!”
Napalingon ang lahat dahil sa sigaw na ‘yon ng babae. Rumampa s’ya na parang bakla sa unahan saka nilibot ang tingin sa buong lugar.
The Queen of Morons is back. Leila Joy Gonzales. Hindi ko akalaing tapos na ang dalawang linggo n’yang suspension. Dapat pala ay trinigger ko ito makipagsapakan sa akin nung huling beses na magkita kami para sana mas na dagdagan pa ang suspension s’ya. Base rin sa nakikita ko ngayon ay mapapansin sa mukha ng mga kaklase ko na hindi sila masaya sa pagbabalik ng hinayupak.
“I missed you!” chorus na tili nina Anna at Marie. Dalawa sa masugid na tagapagsunod ng demonya.
“I missed you too.” puno ng ka-plastic-an na saad n’ya saka nakipag beso-beso sa dalawa.
Naramdaman ko ang pagbaba nang tingin n’ya sa akin. Naglakad s’ya papunta sa kinauupuan ko saka binangga ang balikat ko gamit ang buto-buto n’yang balakang bago ako tuluyang lampasan. Mabuti na lang at hindi ang kabila kong balikat ang tinamaan n’ya. Hindi pa kasi ‘yon tuluyang magaling.
“Anyway, nasaan nga pala si Claude?” narinig kong tanong n’ya.
Nakita kong magkasunod na pumasok si Jasmine at Claude na dahilan para pagtalim na naman ng mga mata ni Leila kay Jasmine. Mukhang may nakita na namang bagong bibiktimahin ang demonya.
Mabilis na tumakbo si Leila papunta kay Claude pero bago n’ya pa man maipulupot ang mga kamay n’ya sa braso nito ay agad na ‘yong iniwas ni Claude.
“Namiss kita Claude.” saad ni Leila pero parang masamang hangin lang s’ya na nilagpasan ng lalaki bago maglakad patungo sa pwesto n’ya. Para namang maamong chanak na sumunod si Leila dito.
Desperada.
Gusto kong matawa dahil sa mga ginagawang pagpapansin ni Leila kay Claude. Minsan ay gusto kong direktang tanungin sina Mr. and Ms. Gonzales kung saan nila pinaglihi ang anak nila. Para kasing may saltik ito sa utak o siguro’y kulang lang talaga ito sa pansin.
“Wala si Professor Brownie!” masayang anunsyo ng kaklase naming si Brando kaya naman halos magdiwang ang lahat dahil sa narinig nilang balita. “Pero may additional 3 activities na kailangang ipasa bago umuwi ang lahat mamayang hapon. “ dagdag pa n’ya. Dalawa sa kaklase naming lalaki na sina Alfred at Jhon ang pabirong sinugod si Brandon saka nila ito pinaulanan ng hampas.
“Walanghiya ka pwede mo naman sabihin ng isahan lang, binitin at pinaasa mo pa kami.”
“Hahahaha! Mas magandang mauna ang good news kesa sa bad news.” tumatawang depensa naman ni Brando.
Kinuha ko ang bag ko saka naglakad palabas ng silid. Mas nakakagawa ako nang maayos sa SC office kesa sa classroom.
“Ryu, may bad news ako.” nakasimangot na saad ni Selena. “Ayaw akong payagan ni mama sa school trip. Huhuhu. Nagalit kasi sila ni papa nung malamang uminom ako nung sabado.” dagdag pa n’ya.
“Bakit ka kasi uminom?”
“Tatlong shot lang naman ‘yun. Malay ko bang may low alcohol tolerance ako.” napapadyak na saad ni Selena. “Tulungan mo akong tumakas. Please.”
“No.” madiing sagot ko.”2 weeks yun, Selena. Baka biglang magpatawag ng search and rescue ang mga magulang mo kapag nawala kang bigla.”
“Ayos lang ba sayo na mag-isa ka? Wala kang ka-jamming sa bus?” tanong n’ya na ikinakunot ng noo ko.
“Hindi ko kailangan nakipag-jamming. Pupunta ako dun para mag-facilitate.” depensa ko.
“Ryu, try to enjoy the trip. ‘Wag yung puro SC at school works ka na lang palagi. Hindi ka ba nabuburyo sa everyday life cycle mo.” Minsan ay parang nanay ko kung makapag-payo itong si Selena. Minsan naman ay parang bad influence na kaibigan pero all in all masasabi kong sincere s’ya sa pakikipagkaibigan sa akin kahit lagi ko s’yang pinagtatabuyan noon.
“Pres!” tawag sa akin ni James na patakbong papalapit sa amin.
“Ohmyghadd! Ryu!” tiling sigaw naman ni Kelsey na tumatakbo rin papunta sa direksyon namin ni Selena.
“Y-Yung SC office,” humahangos na saad ni James.
“Anong nangyari?” kunot noong tanong ko. Hindi kasi maipinta ang mukha n’ya.
“You have to see this Ryu! Hindi ko alam kong nilooban ba tayo o pinasabugan ng granada pero the whole place is a big mess.” paghila sa akin ni Kelsey kaya naman napasunod na lang ako sa kanya.
Nagkalat ang lahat ng mga files. Punit-punit ang mga papel at parang tinangka pang sunugin. Basag rin ang mahabang pvc table na gingamit namin tuwing may meeting pati na rin ang mga upuan. Nakatumba ang pinakamalaking book shelves kung saan naka-display ang ilang mga certification and trophy. Basag din ang window glass na maaaring pinasukan ng bisita namin.
Sino naman kaya ang gagawa nito?
“What happened?” tanong ni Ms. Emerald na kakarating lang.
“Hindi rin po namin alam. Dumating na lang din kami na ganto na ang itsura ng office.” sagot ni James.
“I’ll review the CCTV footage. I check n’yo kung may nawawala bang gamit or important documents and start cleaning this mess. Ire-report ko rin ang nangyari kay Mr. Sevillano.” pahayag ni Ms. Emerald habang hinihilot ang sintido n’ya. “May kilala o alam ba kayo na may galit sa SC? Or may nakaalitan ba kayo?” tanong n’ya. “Alalahanin n’yo kung meron man para maimbestigahan ang nangyari rito.” dagdag pa n’ya bago kami tuluyang iwan.
Sinimulan na namin ang paglilinis. Habang inaayos ang mga documents na pwede pa naming isalba ay hindi ko mapigilang mapaisip. Halos damage lahat ng mga kagamitan namin. Kung sino man ang may gawa nito ay halatang galit na galit ito.
“Kahit ang mga trophy natin ay hindi pinalampas.” nakasimangot na pahayag ni James habang hawak ang isang trophy na nahati na sa dalawa.
“My favorite pink coffee maker.” saad naman ni Kelsey habang mangiyak-ngiyak na yakap ang pink coffee maker n’ya. “ Halos ilang buwan ko rin itong pinagipunan. Walang hiyang intruder yun.”
“Ryu, sa tingin mo sino kaya ang may gawa nito?” tanong sa akin ni Selena habang tinutulungan akong mag-sort ng mga documents.
“Hindi ko rin alam pero may isang tao akong pinaghihinalaan.” mahinang sagot ko.
“Sino?” bulong na tanong ni Selena pero hindi ko na s’ya sinagot at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Hindi rin naman ako sigurado kung s’ya nga pero yun ang aalamin ko.
Madami na akong natanggap na mga pagbabanta kay Leila pero hindi ko lang ‘yon pinapansin. Hindi n’ya ako magalaw kaya naman sa ibang bagay n’ya ibinubuntong ang galit n’ya para makaganti sa akin.
“Mukhang may na missed ako.”
“Tumulong ka na lang Kendall kesa naman nakatayo ka lang d’yan!” masungit na pahayag ni Kelsey.
“Ryu, I’m so sorry kung ngayon lang ako pumunta rito. Busy din kasi ako sa practice namin sa track n field. I’ll make it up to you." nakangiting pahayag ni Kendall.
Tama s’ya ngayon ko na nga lang s’ya nakita ulit. S’ya ang kasalukuyang nobya ni Allan.
***
Agad kong tinungo ang faculty room at hinanap si Ms. Emerald. Naabutan ko s’yang abala sa computer n’ya habang pinapanuod ang CCTV footage sa loob ng SC office.
“Ms. Emerald,” pagtawag ko sa kanya kaya naman agad n’ya akong nilingon bago itigil ang video.
“May mga nawala bang gamit sa office n’yo?” tanong n’ya kaya naman umiling ako bilang sagot sa kanya. “Kung hindi pagnanakaw ang pakay ng nanloob ay baka gusto lang nitong manakot.”
Tama si Ms. Emerald. Pananakot lang ang pakay ng taong ‘yon dahil kung pagnanakaw ay may nawala na sana sa amin at isa pa wala namang mga mamahalin o importanting dokumento roon.
“Bandang alas-tres ng umaga ang ginawang panloloob. Hindi makita kung sino ang nasa camera pero base sa pangangatawa n’ya at kilos ay babae ito.” Ipinakita sa akin ni Ms. Emerald ang footage. Nakasuot nang itim na pangibaba at jacket ang suspect pero ang umagaw nang atensyon ko ay ang suot n’yang bonet. Pamilyar iyon sa akin.
“Ma’am pwede po bang pa zoom ng suot n’yang bonet.”
Ang itim n’yang bonnet ay may design na orange pumpkin sa bandang noo. Tama nga ang hinala ko, s’ya rin ang umatake sa akin nang gabing ‘yun sa kwarto.
“May pinaghihinalaan ka ba kung sino ang taong yan?” tanong ni Ms. Emerald na naka-cross ang mga binti at brasong habang nakaupo sa swivel chair n’ya.
“Wala po.” pagsisinungaling ko bago tuluyang umatras palayo sa monitor.
“Okay. Sa ngayon ay hindi pa natin matukoy kung sino ang taong ‘yan kaya magiingat kayong lahat. Hindi rin natin sigurado kong sino ang punterya n’ya. Ibibigay ko ang footage na ‘to sa pulisya para maimbestigahan. Haist! Una yung canteen, ngayon naman ang SC Office. Mabuti na lang at walang natagpuan katawan sa opisina n’yo katulad ng nangyari sa canteen. Kung maaari ay huwag na kayo papaabot ng gabi sa SC office.” Tumango na lang ako sa kanya.
Ang umatake sa akin sa kwarto at nanggulo sa SC office ay iisa lang. Inutusan ba s’ya ng lalaking ‘yun na takutin ako?
Ang walanghiyang ‘yun!
Sa ngayon ay ekis na muna sa akin si Leila. Ha-hunt-ingin ko muna ang lalaking ‘yun kung s’ya man ang may pakana nito.
Habang naglalakad ako papuntang SC office ay naramdaman ko ang paglaki ng mga tenga ko nang marinig ang boses ni Leila. Mukhang naghahasik na naman ng lagim ang diyablo. Hindi ko s’ya mahagilap sa paligid kaya sinundan ko na lang ang boses n’ya hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tagong sulok ng campus. Naabutan kong pinapalibutan nang tatlo si Jasmine pero base sa mukhang ipinapakita n’ya ay bagot na bagot na s’ya habang pinapakinggan ang mga pananakot sa kanya ni Leila. Hindi ko mapigilang mapangisi ng makita ang ekspresyon n’ya. Nakita ko na noon ang kakayahan ni Jasmine na protektahan ang sarili n’ya noong nasa west court kami kaya hindi na ako mag-aalala sa sitwasyon n’ya ngayon. Putulin n’ya lang ang isa sa mga kuko ni Leila at nang dalawa sa mga kasama nito ay panalo na s’ya. Ganun ka importante para sa tatlo ang acrylic nilang mga kuko.
Sumandal ako sa pader at pinakinggan lang ang litanya ni Leila. Hindi ko rin mapigilang mabagot sa dami nang sinasabi n’ya pero sa ngayon ay nasa level 1 pa lang s’ya.
Level 1: Grave Threat/ Emotional Abuse, Level 2: Physical Abuse, Level 3: Attempted murder - Iyan ang level nang ginagawang katarantaduhan ni Leila. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa s’ya ipinapasok sa mental ospital ng mga magulang n’ya.
“Hindi mo ba talaga sasagutin ang tanong ko? Uulitin ko! May. Gusto. Ka. Ba. Kay. Claude?” asik ni Leila na halatang napipikon na dahil sa silent treatment sa kanya ni Jasmine.
“Ano naman sa’yo kung meron?” seryosong pahayag ni Jasmine. “Lahat naman ata ng tao rito sa campus ay gusto si Claude. Not in a romantic way syempre.” dagdag n’ya pa dahilan para marinig ko ang sunod-sunod na pagpadyak ng mga paa ni Leila.
“That it!” bago pa man tumama ang kamay ni Leila sa parte ng katawan ni Jasmine ay tinawag ko na s’ya.
“Leila.” sabay-sabay na napalingon sa akin ang apat.
“Ano?! Mangingialam ka na naman ba?” Nanggigigigl na sigaw ni Leila. Hindi ko s’ya masisisi. Sa lahat nang gulong kinasasangkutan n’ya ay ako ang taga sita n’ya. Wala naman kasing ibang tao na naglalakas loob na pigilan ang mga tantrums n’ya. Kahit ako ay nagsasawa ng i-babysit ang mukhang chanak na ‘to. Iniiwasan ko lang s’yang pisikal na matamaan dahil kilala ang parents n’ya sa eskwelahang ‘to.
“Hinahanap ka nga pala ni Claude.” walang emosyong saad ko. Unti-unti namang lumiwanag ang mukha n’ya at patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Claude. Kung nasaan man s’ya ngayon. Pagdating talaga kay Claude ay ang bilis n’yang mauto.
“You fooled her again, don’t you?” tanong ni Marie nang makalapit s’ya sa akin. Sa kanilang tatlo si Marie ang may kaunting utak. Sumunod si Anna at ang panghuli ay si Leila na wala naman talagang utak. “Humanda ka na.” dagdag pa n’ya habang pinanlalakihan ako ng mata at ganun din ang ginawa ni Anna na nagmukhang praying mantis.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na nauto si Leila pero dahil sa pagiging head over heels n’ya kay Claude ay hindi na s’ya makapagisip nang mabuti. Siguro sa mga oras na ‘to ay nagmamartsa na s’ya para balikan ako dahil nagawa ko na naman s’yang lokohin.
“Ryu.” tawag sa akin ni Jasmine nang makalapit s’ya. “Did you really fooled her?” natatawang tanong n’ya.
“Oo.” tipid kong sagot.
“Your so cool.” usal n’ya dahilan para lingunin ko s’ya nang bahagya. “Bakit?” tanong n’ya pa.
“Wala. May naalala lang ako.” sagot ko bago magsimulang maglakad.
Angel keeps telling me that I was cool. Ngayon ko na lang ulit yun narinig at sa ibang tao pa.