Chapter 1
Kyzee's POV
"Kyzee! Gising na!"
Mapayapa kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni papa. May pasok pa pala ako ngayon.
"Opo, pa. Heto na po." I said.
Hindi ko inalintana ang bigat ng ibaba ng aking mga mata saka bumangon sa aking matigas na kama.
Hindi na ako nag abala pang kumain ng almusal dahil anong oras na rin at medyo malayo layo pa ang aking pinagtatrabahuhan. Magkikita pa naman kami ni Kal roon, ang aking kasintahan.
Sa Cafê Hub ako nagtatrabaho, ngunit pang Saturdays and Sundays lamang ako dahil mayroon akong pasok ng weekdays. Tuwing Saturday ay pang gabi ako dahil may pasok ako ng umaga tapos pang gabi ang kinukuha kong shift time.
Dumaan ako sa isang masikip na daan na papunta sa highway saka nagpara ng tricycle.
"Manong, sa café hub po." sabi ko.
Sinserong ngiti ang kanyang iginawad sa akin saka kami tumungo papunta doon.
Tatlompung minuto ang lumipas at nakarating kami sa café. Dumaan ang pagtataka sa akin nang makita ang mga taong nakaputi na nilalabas ang mga gamit na mula sa loob.
Nilapitan ko ang isang lalaki na nakaputi na nagdadala ng mga plastic na upuan. "Manong ano hong meron?" pagtatanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Pasensya na, Ma'am. Tagahakot lamang kami ng mga gamit dito. Pero...nandoon po sa loob ang ibang staffs at yung may ari po." aniya.
Tumango na lamang ako sa kanya at tahimik na nagpasalamat saka sinuyod ang loob. Saka ko nakita si Ate Elizel na malungkot na pinagmamasdan ang paghahakot ng mga lalaki.
"Yna. Anong mayroon? Bakit naghahakot?" takang tanong ko sa aking kasamahan sa trabaho.
Yumuko lamang siya saka hindi umimik. Tinignan ko pa ang ilang kasamahan ko ngunit malungkot lamang silang tumingin sa akin.
"Ate Elizel." I called our boss.
Malungkot siya lumingon sa akin. "Anong mayroon?" tanong ko sa kanya.
"Tumaas ang renta ng aking tiyo, Kyzee. Hindi na kakayanin ng ating kita ang bayad. Malulugi tayo, kaya naisipan kong ipasara ito. Pasensya na, Kyzee." she said at sumulyap sa akin. Pero...rito kami mag kikita ni Kal e.
Sa ilang sandali, hindi ako makaimik. Tanging nakakabinging katahimikan lamang ang aming naririnig sa loob bukod sa ingay ng paghahakot ng mga lalaking nakaputi.
"H'wag kayong mag alala. Ibibigay ko pa rin ang huli ninyong sweldo dahil iyon ang tama." ngumiti siya ng tipid.
Hindi ko napigilan at napayakap ako sa kanya. Apat na taon akong nagtatrabaho dito sa lugar na ito at aaminin ko, napamahal na ako dito pati na rin sa aking mga kasamahan.
Humiwalay ako sa yakap saka tinulungan ang mga lalaki para mabilis silang matapos.
Napasinghap si Ate Elizel nang makaalis ang truck na may kasamang mga gamit ng café. Halata sa aming mga mukha ang lungkot.
Sumenyas si Ate Elizel na papasok siya sa kanyang opisina saglit. Inilibot ko ang aking tingin sa café na wala ng laman bukod sa mga natirang laman ng cabinet na mga awards.
Ate Elizel came out on her office with tons of small brown envelope on her hand. Huling sweldo namin siguro iyon.
Isa isa niya kaming binigyan noon saka siya nagpasalamat at niyakap ng buong puso. Saka kami isa isang lumabas ng cafe.
Malungkot man sa damdamin, kailangan ko pa ring humanap ng bagong trabaho dahil kung hindi, baka hindi na kami mabuhay ng pamilya ko.
My father is a tricycle driver, my 2 older brothers, wala, tambay. Meanwhile, my mother is sick, she was stroked 4 years ago. Aaminin ko, hindi sapat ang kinikita ni Papa sa pang araw araw, pero hindi ako ni minsan na disappoint sa kanya.
Nilabas ko ang aking telepono saka tinawagan ang aking kaibigan na si Cyane.
"Oh? Bakit napatawag ang aking pinakamagandang kaibigan?" masiglang aniya.
"Yane." I firmly said.
"Oh? Malungkot ka ata?"
I sighed. "Wala na akong trabaho." sabi ko.
"Hala! Paano na yan? Mayroon pa tayong babayarang miscallenous fee sa school a? Paano niyan?" she asked.
Suminghap ako saka pumikit ng mariin. "Mayroon ka bang alam na trabaho?" pagtanong ko sa kanya.
"Oo...pero Bar kasi iyon, mami." aniya sa mahinang boses.
"Pwedeng maging singer roon?" tanong ko sa kanya.
"Tungeks! Baka mabasag mo ang salamin doon! H'wag na!" aniya saka humagalpak ng tawa.
Ito talaga babaeng ito. "Yung totoo? Waiter? Echos?" I said.
"Aish. Sige na nga dalhin kita maya doon! May vacant pa ata!" malakas na sabi niya kaya medyo inilayo ko ang telepono sa aking tainga.
Tumawa nalang ako saka pinatay ang tawag. Sana ay mayroon pang bakante para makapagsimula ako agad.