Kyzee "So ano guys? Jake, Lexa. Una na ako a." pamamaalam ko ng matapos na kaming mag usap usap tungkol sa panonoorin naming movie. We decided to watch a mystery movie para may thrill daw anang Lexa. "Teka, Wait lang, Kyz. Gusto mo bang sumabay sa amin pauwi?" napaisip ako. Nakakahiya naman kasi magpasundo sa driver ni Sir Stav. Tumingin ako kay Lexa. "S-sige." nahihiyang sagot ko. "Pero bago iyon, kumain muna tayo, ha? G ka ba, Jakey?" kumibit balikat lang si Jake. Tahimik lang siguro talaga ito. Ay putek, may inuman sesh pala niyan kami nila Hyacinth. "Ay, Lexa. Hindi pala ako makakasama, may pupuntahan pala kami ng mga kaibigan ko. Pasensya na." ngumiti lang si Lexa sa aking sinabi. "Ayos lang, ihahatid ka nalang ni Jake sa gate ng school. Kukunin ko lang yung sasakyan sa basem

