Kyzee Yaish! hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina! Sobrang nakakahiya! Mabuti nalang at narito na ako sa kwartong sinabi ni Sir Stavros na tutulugan ko simula ngayon kundi hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Bakit kasi hindi ko binasa iyong kontrata. May pagkabobo talaga ako minsan. tss. Ang kwarto ko ngayon ay may kulay puti at pulang pintura, na siguro'y sinakto na rin sa kulay ng aking kamang sumobra naman sa pagkalaki. Siguro kasya na roon ang 4 na tao. Hmm. Mayroon ding lampshade sa gilid ng kama pagkatapos ay isang vanity table. Hmm. Siguro dito pinapatulog ni Sir Stavros lahat ng inuuwi niyang babae. Habang nililibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng aking silid ay biglang may kumatok sa kwarto. Nang maisipan kong lumabas na sa kwarto ay dumaretso na ako

