
Isang halamang naligaw sa hardin. Halamang pinag-aagawan ng dalawang bubuyog. Halamang sagana sa dilig. Ngunit paano kung itong halaman na ito ay malagay sa sitwasyon na kailangan niyang mamangka sa dalawang ilog, anong gagawin niya? Pipili ba siya sa dalawang iyon o hahayaan na lamang niyang tangayin siya ng agos tungo sa ilog na babagay sa kaniya? O hahatiin niya ang sarili upang sa gayon ay pareho niyang madaanan ang nasabing dalawang ilog? Tunghayan ang kwento ni Anna Magbiray, ang halamang naligaw sa mundo nina Gascon at Agelion. Dito sa Dilig: Minsan Halaman, Minsan Ikaw.
