Chapter one

1055 Words
          "Good Morning sir Nicko," Bati ng kanyang sekretarya. Ngunit sa halip na sagutin ay minabuti na lamang niyang ngitian ng tipid ang noo'y sekretarya niya na kulang na lang ay bigyan niya ng award sa pagiging manhid.            Parati kasi siya nitong pinakikitaan ng motibo upang akitin siya. Ngunit parati din naman itong napapahiya sa kanya tuwing susubukin nitong akitin siya. Nang marating na niya ang loob ng opisina ay agad tumambad sa kanya ang mga papeles na nagkalat sa kanyang lamesa.            Kaya naman hindi niya mapigilang mainis at magmura ng mga oras na iyon. Maya maya pa ay pinipindot na niya ang intercom at pagkuwa'y pinapunta niya si Serephina ang kanyang sekretarya upang ayusin ang mga papeles na nagkalat sa kanyang lamesa.            Hindi nagtagal at mabilis itong lumapit sa kanya. "Sir nicko, ano po ang iuutos ninyo?" wika nito sa mapangakit na boses. "Please! clean that messy table, immediately." Mariin niyang utos dito at pagkuwa'y sumunod naman ito ngunit minsan pa ay tinitigan nanaman siya nito ng mapangakit na titig na may kung anong gustong ipahiwatig.            Kaya naman sa halip na ientertain niya ang pangaakit nito ay napagdesisyunan muna niyang pumunta muna sa pantry ng kanilang opisina. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng opisina ay agad siya nitong hinabol."Si-sir, wala na po ba kayong iuutos?" tanong ng kanyang sekretarya. "Nothing after that, you may go and out!" Sarkastiko niyang sagot sa sekretarya.            Habang nakasakay sa elevator hindi niya mapigilan ang sariling mapakamot ng ulo. Napaka toxic kasi ng araw na iyon para sa kanya. Ilang araw na kasi siyang puyat dahil sa gabi gabing pagpapalahaw ng sangol na iniwanan na lang ng kung sino sa kanilang pad.            Hindi pa man siya nakakalabas ng elevator ay agad nagring ang kanyang telepono. Muli ay napakamot siya sa kanyang ulo ng rumehistro ang numero ng kaibigan niyang si Yohan. Ngunit sa huli ay sinagot niya parin ang pagtawag nito sa kanya.          ''Yes?" Tanong niya sa kaibigan. "Brad, umuwi ka agad at may shooting ako mamaya. At isa pa wala na palang stock na milk and diapers ang tiyanak na ito." iritableng paliwanag nito "Okay." Pikit mata niyang sagot sa kaibigan.            Sa inis ni Nicko ay nasabunutan na niyang tuluyan ang kanyang buhok. "Oh god, please take me away than take care of that tiyanak baby" Bulong niya sa sarili.            Kaya naman tinapos lang niya ang ilang dokumentong pipirmahan niya na ipadadala via fax machine at pagkuwa'y isa isa niyang pinaghahagis kung saan ang ilang papeles na wala ng halaga sa kanya. "Si-sir do-do.... Hindi pa natatapos ang sasabihin ng sekretarya niyang si Seraphina ay agad niya itong tinalikuran.               "Si-sir.. a-ano po, uuwi na po ba kayo?" Muli ay tanong nito habang hinahabol siya papalabas ng opisina. "Hindi ba obvious?'' Mariin niyang sagot sa sekretarya. Kaya naman hindi na nakahuma pa si Serephina at pagkuwa'y dali dali na siyang sumakay ng elevator.                _________________            "Hi babe, long time no see can I sleep with you tonight?" Malambing na tanong ng babae . "No.. no" Agad ay kumalas si Edward sa babae at hindi alintana ang pagmamaktol nito. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan dahil sa nareceive na mensahe mula kay Yohan.             After an hour driving ay agad niyang narating ang Bachelor's pad na kanilang tinutuluyang tatlo. "There you are, so it's now your turn to take care that tiyanak" Suhestiyon ni Nicko na noo'y nakasuot na ng toxido suit.            "Su-sure. but you need to be here at exactly 9 pm. You know.." Nakangiting pahayag ni Edward sa kaibigan. Kaya naman agad ay tinapik ni Nicko ang balikat ng kaibigan at pagkuwa'y sumakay na sa kanyang Jaguar Xf na sasakyan.           ''Oh hush baby tiyanak, do you wan't to drink na your milk?" Pagba-baby talk niya sa sangol. Tila naman naunawaan iyon ng sangol at pagkuwa'y ngumiti ito sa kanya. Kaya naman agad ay napanatag ang loob ni Edward at marahan niya itong ibinaba sa Play pen upang malaya itong makaikot ikot.             Makalipas ang ilang oras na pagaalaga ni Edward sa sangol ay naligo muna siya. Ilang buwan na kasing palaging ganito ang nagiging set-up nilang tatlong magkakaibigan. Naging palitan sila sa pagaalaga sa musmos na sangol gayung kaya naman nilang kumuha kahit ilan pang katulong na gustuhin nila.             Napagdesisyunan kasi nila na sila na mismo ang magaaruga dito. Daig pa kasi nila ang babae kung mapraning kahit na hindi nila kaano ano ang sangol ay hindi naman sila masamang tao na basta nalang itatapon ito o ipamimigay kanino man.             Ngunit sa kanilang tatlo ay tanging si Edward lamang ang parating nakakasundo ng sangol pagdating sa pagaalaga. Kaya naman palagi nitong itinatanong sa kanyang isipan na kung bakit hindi lang siya sa kababaihan malapit pati narin sa mga bata at sangol.            "Brad gising na, ako na ang bahala kay baby tiyanak" Pagising ni Yohan sa noo'y natutulog na si Edward. Kaya naman pupungas pungas siyang tumango sa kaibigan. "By-by the way, do..do you change her diaper?" Naiilang na tanong ni Yohan sa kaibigan.            "Kaya mo na yan!" Pagkuwa'y biglang tapik ni Edward sa balikat niya. "Pe-pero di-di..... Hindi na niya natapos ang sasabihin sa kaibigan at tinalikuran siya nitong bigla. "F--k!!" Bigla ay napamura si Yohan ng mariin at pagkuwa'y mabigat niyang naibagsak ang katawan sa kama.             Pinaka ayaw niya kasing gawin sa lahat ay ang pagpapalit ng diaper nito. Tuwing matatapat sa kanya ang pagpapalit ay kay dami niyang proteksiyon para dito. Kabilang na ang gloves at face mask ang malimit niyang suotin kapag pinapalitan ng diaper si Baby tiyanak.             Maya maya pa ay narinig na niya ang palahaw ng iyak nito kaya naman dali dali ay pinuntahan na niya ang kinaroroonan ng sangol at pagkuwa'y chineck niya agad ang pinakaayaw niyang parte ng pagaalaga dito.             Nang makumpirma niyang may bomba nga ito ay agad niyang isinuot ang mga protective gear niya upang makaiwas sa masamang amoy ng kahapon. Tuwing gagawin niya kasi ito ay halos magkandaduwal duwal siya sa amoy. "Pambihira naman baby tiyanak, bakit naman kasi tuwing ako ang magaalaga sa'yo sa akin pa natatapat ang pagkakalat mo ng lagim"  Paninita niya sa sangol na noo'y tila kinikiliti ang tinig.             Matapos niyang palitan ng diaper si Baby tiyanak ay agad siyang nakahinga ng maluwag. ''Woah! Success!" Sigaw ni Yohan na tila nagwagi sa sinalihang patimpalak.             __________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD